Pansamantalang Paglisan

2 0 0
                                    

Pansamantalang Paglisan
Isinulat ni: Mark Cyril Tombado

Nagbabagsakan na naman ang mga luha,
Ang puso ay patuloy pa ring nagmamamaawa,
Na muli kang makita,
Kahit sa huling pagkakataon,
Matatamis mong ngiti ang gustong maibaon,
Na aalalahanin at gagawing inspirasyon,
Para hindi ka makalimutan,
Na masiguradong mananatili ka sa aking isipan,
Dahil ito ang napili kong paraan ng paglaban,
Na kahit tayo ay magkalayo,
Ikaw pa rin ang nagmamay-ari ng aking puso,
Mahal na mahal kita,
Mahal na mahal,
Kaya lagi mong tatandaan,
Buong araw kang nananatili sa aking isipan.

Palagi akong nangungulila sa iyo,
Umaasang muling mahagkan ang mga labi mo,
Mayakap ka nang mahigpit,
Makasama at sabay nating salubungin ang bukang-liwayway,
Habang sa mga bisig ko ikaw ay nakahimlay,
Hinahaplos ang aking braso,
Habang nakaupo tayo sa itaas ng burol,
Miss na miss na kita,
Kung pwede lang bumilis ang oras,
At limang taon ay lumipas,
Para muli tayong magkasama,
At maituloy ang nabuo nating istorya,
Dahil mananatili akong matatag,
Babalikan kita,
Hanggang sa makabalik ako galing sa Europa,
Ikaw pa rin ang magiging tahanan ko,
Na uuwian at babalikan.

Patuloy kitang susulatan,
At maghihintay ako ng iyong kasagutan,
Walang iwanan,
Kaya sana ay hintayin mo ako,
Tatapusin ko lang ang medisinang kurso,
At pagtapos ko sa kolehiyo,
Magsasama na muli tayo,
Susulitin ang bawat oras,
Na para bang wala nang bukas,
Mahal na mahal kita,
Mag-iingat ka,
Ikaw ang aking magiging inspirasyon,
Kahit na walang kasiguraduhan ay hahanap ako ng pagkakataon,
Ihaharap kita sa altar sa tamang panahon,
Pangako yan,
Pero sa ngayon,
Mananatili tayong lumalaban,
At hindi magiging hadlang ang mga kontinenteng pagitan,
Mahal na mahal kita,
Ikaw lang at wala nang iba.

Spoken words poetry-tagalogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon