Chapter 41: Cuddles

2.6K 121 11
                                    

Samora

Gulat na gulat siya sa ginawa ko. Ano na naman bang iniisip nitong babae na 'to?

"You should see yourself in the mirror." sabi ko at kumuha ng underwear. Sinuot ko ang bra and panty ko then tumabi ako sa kanya.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang dismayado siya. Oh, she's really expecting something?

Nakita ko 'yong saklay niya na nakasadal sa gilid, akala ko pumunta siya rito nang sarili niya lang at walang gamit na kung ano. How stupid I am to think that?

"Put some clothes," seryosong sambit niya. Bumangon siya sa pagkakahinga at tinignan na naman niya ako. "Magdamit ka, baka lamigin ka!"

Kitang-kita ko ang mabilis na pagbabago ng mood niya, from seryoso to iritable. Tumayo ako at kumuha ng sando sa cabinet, after kong suotin ay mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap siya. Marahan kong ipinatong ang ulo ko sa balikat niya habang nakapulupot ang mga braso ko sa bewang niya.

Gosh, she's smell so good.

"Bakit mainit ang ulo mo?" malambing na tanong ko sa kanya. "Dahil ba baka malamigan ako or maybe you were expecting something earlier?" nang-aasar na tanong ko pa ulit.

Kumunot ang noo niya, "Oh, bakit nakakunot ang noo ng Love-love ko?" mas nilambingan ko pa ang boses ko at isiniksik ang ulo ko sa leeg niya.

Hinalik-halikan ko 'yong neck niya with pa-sound effect pa. Tignan natin kung hindi ka bumigay, whahahaha.

"Samora, ano ba~" gosh, it's effective guys. hahahahha i win. "Nakikiliti ako sa ginagawa mo, Samora!" natatawang sambit niya. Bigla niyang hinarang ang kamay niya sa leeg niya at hinawakan ang mukha ko.

"Don't tease me," mahina ngunit may halong lambing na 'yong boses niya. "You can't do this to a person with injuries." dahan-dahan niyang inilapit 'yong mukha niya sa noo ko and maya-maya pa ay may naramdaman akong dumamping labi sa noo ko.

I feel like my heart is gonna explode because it's beating so fast. Kinikilig ako nang wala sa oras, para akong teenager.

"I love you, Samora."

Niyakap niya ako ng mahigpit na para bang bitawan niya lang ako ng isang minuto ay mawawala na ako sa piling niya. Ramdam na ramdam ko rin 'yong tibok ng puso niya and it's beating too fast just like mine, para bang sabay ito sa akin.

It's too bad that we never clear our feelings before the accident happened. This is the first time that I heard her saying that she loves me. I've always love her in the past 5yrs, I never loved  anyone but her.

Tumingala ako at tumingin ako sa mga mata niya, I wanted her to feel how much I love her— that siya lang ang gusto kong makasama for the rest of my life.

"I love you, Peyton. It's always you."

She sweetly smiled at me and kissed me softly. Hindi nagmamadali o agresibo kundi, daha-dahan at mahinahon lamang hanggang sa sabay na kaming bumitaw para kumuha ng hangin.

Dumadampi sa mukha ko ang mainit niyang hininga. Napapikit na lang ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na nararamdama ko ngayong saya na feeling ko anytime ay pwedeng mawala at bawiin.

Nag-ooverthink na naman ako.














Prenteng nakahiga lang kami sa kama at pinapakiramdaman ang isa't isa. Ramdam ko ang paghinga niya at tibok ng puso. Nakapatong lang ang ulo ko sa dibdib niya at nakapikit lamang ang aking mga mata. Iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya na nabuntis ako at nawala ko ang dinadala ko.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now