Chapter 19: The Smile

6.7K 218 6
                                    

I want to see her....

Nagulat ako ng biglang bumukas yung pinto. Parang nag-slow motion lang ang lahat na akala mo ay nasa isa kang pelikula.

Naririnig ko lang ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

*dug, dug, dug*

Isang malawak na ngiti ang nasilayan ko bago siya mabilis na lumapit sa akin.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Wala sa sariling napatango nalang ako.

Bigla nalang niya akong niyakap na mas lalong nagpakaba sa akin. "I'm so glad..."

So hindi pala ako nananaginip nun? Totoong nadito talaga siya sa bahay?

Malamang self!

Natatakot ako baka marinig niya yung tibok ng puso ko sa sobrang bilis. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito.

Lagi ka namang ganyan when it comes to her...

Pati ang sarili ko kinukontra na ako.

Ang sarap ng yakap niya at feeling ko ay maaadik na ako. Ang bango niya at damang-dama ko ang init ng katawan niya.

Wait.

Hindi ko naman siguro siya nahawaan ng sakit diba?

Or ako lang 'tong nakakaramdam ng ganito?

Damang-dama ko ang mainit niyang hininga sa leeg ko at nakakaramdam ako ng strange dahil dun.

Parang nabitin pa ako nung kumawala siya sa pagkakayakap sa akin.

"Ehem, ehem, sige, una na kami ni Jaycee." sabi ni Jaime.

"Wait!"

Huli na.

Umalis na sila at iniwan ako kasama 'tong babae na 'to.

Nakatingin lang siya sa akin at yung tingin na yun ay unti-unti akong nilulusaw. I mean, nakakailang yung tingin niya.

Hindi tuloy ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin.

"M-medyo okay, okay na ako. T-thanks."

Fck!

Nauutal-utal pa ako!

Ngumiti na naman siya and this time yung ngiti niya parang nung kanina lang. Parang ang saya-saya niya.

Napabaling tuloy ang tingin ko sa pintuan. Guys, yung puso ko!

Napahawak ako sa mukha ko dahil feeling ko namumula ako na ako. "Are you sure okay ka lang?" tanong niya pa ulit sa akin.

"Namumula ka kasi ehh..." dagdag niya pa. Hinipo niya ang noo ko at napakunot ang noo niya.

"Medyo hindi ka na mainit pero bakit ka namumula?" mahinang sabi niya.

Bigla ako napatitig dun sa cleavage niya. Napaiwas tuloy ulit ako ng tingin. The fck!

Hinawakan niya ang chin ko at pinatingin niya ako sa dalawang mata niya. Bakit parang may nakikita ako?

Malungkot ba siya?

Bigla niya akong kiniss sa lips.

*dug, dug, dug*

Dilat na dilat yung mga mata ko dahil sa ginawa niya. "Do you want to play?"

"Play?" balik na tanong ko.

Ngumiti siya at ipinakita niya sa akin ang kulay pulang panyo niya. "Let's play..."

Asexual (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon