Chapter 18: Worried

6.6K 233 11
                                    

Samora

Agad na pumunta ako kay Peyton ng marinig ko ang sinabi sa'kin ni Jackie. Sabi ni Jackie masama daw ang pakiramdam ni Peyton at kailangan na daw nitong umuwi para makapagpahinga ng maayos.

Nakita ko siyang nakatungo at halatang-halata sa kanya na masama ang pakiramdam niya. Ba't hindi niya sinabi sa akin?

Nagaalala ako sa kanya.

Kaya pala tinanggihan niya ako kanina kasi di pala okay ang pakiramdam niya.

Sana sinabi niya sa akin.

Paglapit ko, nakita kong tulog na tulog siya. Hinipo ang noo niya at sht sobrang init!

Tinawagan ko si Jaycee.

"Hello Jaycee, tulungan mo ako dito. Si Peyton, ang taas ng lagnat." sabi ko.

"Sige, pupunta na ako diyan. Tatawagan ko lang si Jaime."

-tot, tot, tot-

Hinipo ko ulit yung noo niya. Ang init talaga!

Umupo ako sa tabi niya.

Hinawi ko ang natitirang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha niya.

Ang amo niya tignan.

Kapagnakikita ko siya, naalala ko yung mga bagay na matagal ko nang kinalimutan.

Hindi naman ako galit sa kanya.

Nasasaktan lang ako.

Naramdaman kong may tumulong luha sa pisnge ko. Hinayaan ko lang bumagsak.

Sana kasi nagreklamo siya sa akin. Sana umangal siya.

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya tinanggap ang offer ko.

Kung tutuusin kaya na niyang hawakan ang kompanya nila. Alam 'to ni Mr. Claveria pero hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa niyang gawin 'to.

Napapunas ako bigla ng luha ko ng biglang may kumatok. "C-come in..."

Kita ko na agad ang pagaalala sa mukha ni Jaycee at ni Jaime ng pumasok sila.

"Ano gisingin pa ba natin siya?" alalang tanong ni Jaycee.

Ang sarap ng tulog niya. Wag nalang siguro.

"Wag nalang, masama ang pakiramdam niya siguradong mas mahihilo siya pagnaglakad pa siya." sabi ko.

"Bubuhatin ko nalang siya." sabi ni Jaime. Oh si Jaime, kaibigan ko siya.

"Sige."

Binuhat ni Jaime si Peyton. Hindi nagising si Peyton, siguro ganun kasama ang sakit niya.

Ang private elevator ko ang ginamit namin para iwas sa atensyon. Yung elevator na yun ay padiretso na sa parking lot.

Nang makarating kami sa parking lot ay ipinasok na namin agad si Peyton sa kotse ni Jaycee. Nasa likod kaming dalawa ni Peyton. Nakasandal sa akin si Peyton.

Gosh, ang init niya talaga. Dalhin nakang kaya namin siya sa ospital?

"Jaycee, dalhin nalang kaya natin siya sa ospital? Sobrang taas na talaga kasi ang lagnat niya." alalang sambit ko.

Guys, kunti nalang mapapanic na ako.

"No, ayaw niya sa ospital." sabi ni Jaime.

"Alagaan mo nalang siya, dadalhin natin siya sa bahay niya." sabi ni Jaycee.

Tumango nalang ako.

Nakasandal siya sa akin at ang himbing ng tulog niya. Ang init niya talaga. Bakit ba hindi ko yun napansin kanina?

Tumagal ng 30 mins ang byahe, natraffic pa kasi kami. May bagong bahay na pala siya.

Binuhat ulit siya ni Jaime. Buti nalang malakas si Jaime. Syempre, babae kami ni Jaycee hindi ganun kalakas.

Dumetso na agad kami sa taas kung saan ang kwarto niya. Nang makapasok kami sa kwarto niya ay dahan-dahan siyang nilapag ni Jaime sa kama niya.

Grabe naman, hindi siya nagising.

Mayamaya pa ay tumunog ang phone ni Jaime. "Sagutin ko lang, to ah.."

Lumabas siya. "Oh paano, ikaw na bahala kay Peyton ahh. Aalis na ako, kailangan na ako sa meeting." sabi ni Jaycee.

Tumango naman ako. "Sige,"

Pumasok na si Jaime. "Guys, mauna na ako, pinapauwi na ako ni Dad."

"Magsabay na tayo Jaime." sabi ni Jaycee.

Naiwan ako dito kasama si Peyton. Pinagmasdan ko lang siya at hinawakhawakan ang ulo niya.

Tumayo ako at kumuha ng pantulog sa cabinet niya. Pinili ko yung pink na pares na. Bago yun, pinatay ko muna yung air-con niya at binuksan ang ceiling fan niya.

Nilapag ko sa tabi niya yung damit niyang pantulog. Kumuha ako ng manipis na sando at maikling short at sinuot yun.

Lumbas ako at kumuha ng tubig na maligamgam. Bumalik ulit ako at kumuha ng bimpo sa cabinet niya.

Pagtapos nun ay nilapag ko sa sidetable niya yung maligamgam na tubig. Marahan kong inalis ang mga suot niya. Guys, wag kayo magisip ng kung ano. Pupunasan ko lang siya noh atsaka, maraming beses ko na yang nakita.

I'm not on heat right now, you know?

I'm just worried.

Oo inaamin ko, pagnakikita ko siya ay palagi kong naaalala yung ginawa namin. Hindi ko rin mapagilang mapunta sa ibang dimensyon ang imahenasyon ko kapag nakikita ko siya. Hindi sa perv ako ahh pero yun talaga ang nangyayari sa akin.

Pero iba naman ngayon diba, may sakit siya at sobrang nag-aalala ako.

Pinunasan ko yung leeg niya at yung kili-kili niya. Nang matapos ko siyang punasan ay binihisan ko na siya.

Nilagay ko sa sidetable niya yung mga ginamit ko at lumabas ako para pumunta sa kusina niya.

Igagawa ko siya ng lugaw.


Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto niya ay nakita ko na siyang naka tingin sa akin. Yung tingin niya parang ayaw niyang nandito ako sa bahay niya.

"You need to eat." sabi ko nalang sa kanya.

"What are you doing here?" tanong niya sa akin. Hindi ba halata?

Syempre, inaalagaan siya.

"Inaalagaan ka."

Nakalapit na ako sa kanya. Nilapag ko yung gamot at yung tubig sa sidetable niya.

"Kumain kana muna para makainom ka ng gamot." sabi ko at susubuan ko na sana siya pero kinuha niya yung kotsara.

"Ako na." sabi niya.

Kinuha niya yung kotsara pero wala siyang ginagawa. Kaya kinuha ko nalang ulit yung kotsara.

"Let me feed you." sabi ko. Hindi na siya nakaangal sa akin at sinubuan ko nalang siya.

Grabe naman siya, ganun ba siya kagalit sa akin? Dahil ba dun sa ginawa ko?

Naubos naman niya yung lugaw na ginawa ko para sa kanya. Pinainom ko na siyang gamot.

Chineck ko ulit kung ganun padin yung init niya. Pero nagulat nalang ako ng bigla niya akong yakapin.

Binitawan niya rin ako kagaad.

Mabilis siyang nakatulog kaya lumapit ako at kiniss ko ang labi niya. Namiss ko lang 'tong mabing 'to.



"I love you..." mahinang bulong ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya panghahawakan.

Hindi ko alam kung hanggang saan aabot ang pasensya ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako magtitiis sa ganitong sitwasyon.

Hindi ko na alam...


A/n

So yun, masarap tulog ko kagabi. Skl

Ps. Pwede po kayong mag-suggest.





Asexual (gxg)Where stories live. Discover now