Chapter 22: Back To Normal

6.3K 224 10
                                    

Maagang umalis ako sa bahay ko para pumasok sa trabaho. Iba pa naman kapag nasa malalaking kompanya ka, masyadong maraming ginagawa kahit isang araw ka palang wala eh tambak na agad yung trabaho mo.

So yun, back to normal ulit.

I don't have any excuse to show my true feelings again. One day is enough, sapat na sa akin yun.

Kailangan kong matapos yung 2yrs kong trabaho sa kanya. Minsan, napapatanong nalang ako sa sarili ko. Why I need to work for her?

Alam naman ni dad na kaya ko na.

I don't really get it.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa. Nung last time na nagusap kami, hindi niya nabanggit sa akin ang ganitong bagay. I mean, yung pagkakaroon ko ng 'malabong relasyon' kay Samora.

Hindi ko nalang din sinabi sa kanya kasi baka hindi pala ito kasama sa usapan nila. Baka mas lalo pang lumaki kasi diba may fiance si Samora tapos may ano kaming dalawa.

May anak din siya.

Right, may anak siya so bakit niya ginagawa 'to?

Medyo ilag din ako kay Samora ngayon, as in boss and secretary lang.

"Sophia, natapos mo na ba yung nga naiwang papers sayo?" tanong sa akin ni Jackie.

"Hmm... yes, inaayos ko nalang." sabi ko.

Pagtapos kong maayos yung mga papers ay agad kong binigay kay Jackie ang lahat ng iyon.

"Sige, iibigay ko muna 'to kay Ms. Vice President."

Tumango ako at hinayaan siyang umalis.

Medyo curious ako sa vice president namin dahil una sa lahat napaka private niyang tao. Ni hindi ko pa nga nakikita yung mukha nun eh.

Si Jackie lang yata ang nakakakita ng mukha ni Vice president dahil secretary siya nito. Wala din sa akin nababanggit si Jackie tungkol sa vice president namin.

Ayaw ko namang magtanong dahil baka masabihan akong chismosa.

Mayamaya pa ay may lumapit sa akin na ka co-worker ko na lalaki. "Ms. Sophia, ipinapatawag ho kayo ni Ms. President sa office niya. ASAP."

Parang nagmamadali siya. "Sige, pupunta na ako."

Nagmamadaling pumunta ako sa office ni Samora. Naabutan ko siyang inaayos yung sarali niya.

"Good morning Ms. Davis." sabi ko at nag bow sa kanya.

"Be ready may pupuntahan tayo." sabi niya.

Bakit hindi ko alam?

Sa pagkakaalam ko, wala siyang schedule for the meeting today so what's now?

"I have meeting with Mr. Anderson, biglaan kasi at sa akin na idineretso yung tawag."

Tumango nalang ako at inayos ang sarili ko.

Lumabas kami at sumakay na sa kotse niya so ang pwesto namin ay magkatabi kami sa backseat.

May sarili kasi siyang driver.

Matapos ang 20mins na byahe ay nakarating na kami sa restaurant na sinabi ng secretarya ni Mr. Anderson.

Pagkadating na pagkadating namin dun ay agad na naming nakita sila. He looks so young, kaedaran lang yata namin siya ni Samora.

Nang makita nila kami ay agad na nakipag kamay si Mr. Anderson sa amin.

He's handsome.

He's tall.

Asexual (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon