Chapter 32: Revelation

5.5K 240 47
                                    

Peyton

Nang makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa office ni dad. Nakita ko siyang busy sa mga papeles na binabasa niya.

"You entered in my office without knocking. How rude is that." Sambit niya habang ang mga mata ay nanatiling nasa mga binabasa niyang papeles.

"I-I'm s-sorry, Dad..."

Inayos na niya yung mga papeles at tinapunan na ako ng tingin. "Take your seat."

Nakita kong inalis niya yung salamin niya at tinapunan ulit ako ng tingin. Napaka intimidating talaga ni Dad, mukhang galit siya dahil ilang araw na akong walang paramdam sa kanila.

"Kung hindi pa kita tinawagan, hindi ka magpaparamdam sa 'min," sabi niya. "Ni-text or tawag, wala. Hindi mo ba naisip na nag-aalala sa  'yo ang nanay mo?"

Nakayuko lang ako kasi tama naman si Dad. "Raise your head, don't look down. Hindi kita pinalaking ganyan."

Sinalubong ko ang mga matatalas na tingin ni Dad. "I just want to remind you, after ng deal niyo ni Samora, you'll gonna take over our company."

"Yes po, Dad." sagot ko dito. Ngumiti siya at ibinigay sa akin ang isang white folder.

"I want you to study that," sabi niya. "You can go to your mother now."

Lumabas ako sa office ni Dad at agad na nagtungo sa kwarto nila ni Dad. Nakita ko si Mommy na ang himbing ng tulog. Ayaw ko siyang gisingin, mamaya nalang siguro. Lumabas ako at nagtungo sa aking silid na matagal ko nang hindi nabibisita. Mabuti at hindi nila nakakalimutang ipalinis 'to pati na rin ang mga koleksyon ko rito.

Agad akong sumalampak sa kama at nagpagulong-gulong dahil na rin siguro sa miss ko na itong kwarto ko. Matapos kong magpagulong-gulong ay umayos ako ng upo at binuksan ang binigay sa akin na folder ni Dad. 

Nandito lahat ng mga bagong proyekto ng kompanya at yung mga ibang kompanya rin na nag-ooffer ng kung ano-ano. Maya-maya pa ay bigla na lang nag-vibrate ang phone ko at open na pag open ko pa lang at kita ko na ang text ni Samora.

From: Ms. Davis

    btch.

Natawa na lang tuloy ako sa message niya. Halata kasing iritado pa rin ito sa ginawa ko sa kanya. Wala eh, kung hindi ako umuwi ngayon, baka hindi lang ako pagalitan ni Dad, baka kung ano pa gawin non sa akin.

Nakaramdam ako ng antok kung kaya't marahan kong ipinikit ang mga mata ako at huminga ng malalim. Maya-maya pa ay tuluyan na akong nakatulog.

_

Agad akong napabalikwas ng bangon dahil sa cellphone kong walang humpay sa pagtunog. Iritadong kinuha ko at tinignan kung sino ang caller nito.

Ms. Davis is calling...

Kinalma ko muna ang sarili ko bago sinagot ang tawag ni Samora. Calm your tits self.

"Yes, ma'am?" sambit ko rito.

"Go to my house and get the brown envelope. Nasa cabinet ko, paki-dala na lang rin sa office ko. Thank you!" matapos niyang sambitin iyon ay agad na niyang pinatay ang call.

Hindi ba siya naturuan ng magulang niya ng good manners?

Bago ako umalis ay nagpunta muna ako kay Mom para kamustahin at magpaalam na rin sa kanya.

"Mooommm!" tumakbo ako at mabilis na yumakap sa kanya.

Niyakap niya rin ako at kiniss ang aking noo. "How's my daughter?"

"Good!" parang batang sagot ko rito. Humiwalay ako sa pagkakayakap at naupo sa tabi niya.

"Hmm Mom... I'm leaving, may tatapusin lang ako sa work but after that uuwi ako rito." nakangiting sambit ko. Nakita kong lumungkot ang mukha ni Mom.

"Osiya, sige, basta bibisita ka rito ah?" tumango ako at kiniss siya sa pisnge. Tumayo ako at naglakad palabas ng pinto.

"Bye Mom!" nakangising pagpapaalam ko sa kanya. Pumunta muna ako sa office ni Dad at kita ko siyang abala sa mga papeles na nasa harapan niya.

"You really don't know how to knock, young lady." seryosong pagpuna ni Dad sa akin.

"I'm sorry, Dad. Magpapaalam lang ako na aalis na." mahinahong sambit ko rito.

Saglit itong huminto sa ginagawa at tinapunan ako ng tingin. "Sige, take care of yourself."

Ngumiti ako at mabilis na lumapit kay  Dad at mahigpit na niyakap siya. Tumawa naman si Dad sa pagyakap na ginawa ko.

"Aww... big girl ka na talaga," natawa na lang ako sa sinabi ni Dad. "Sige na, you can go na basta ingatan mo ang sarili mo ah." sambit ni Dad.

Tumango ako. "Yes po Dad."

Nang makarating ako sa bahay ni Samora ay agad kong hinanap ang susi na binigay niya sa akin ilang buwan na ang nakakalipas. Binuksan ko naman agad yung pinto ng bahay niya nang makita ko ang susi nito. Hindi ko alam kung bakit niya pinagkakatiwala sa akin 'tong duplicate ng susi sa bahay niya.

Naagaw ng pansin ko ang cellphone na nag vibrate sa bulsa ko. Nagtext pala sila Samora.

From: Ms. Davis

     Punta ako diyan maya-maya. Paki-hintay na lang ako para sabay na tayo sa office magpunta.

Duda ako jan bhie.

Mamaya baka kung ano na naman ang gawin niya sa akin. Nabitin pa naman siya sa ginawa namin.

Agad na tinahak ko paitas at nagpunta sa kwarto ni Samora. Binuksan ko ang cabinet na tinutukoy niyang nandoon daw ang envelope na tinutukoy niya.

Pagbukas ko naman ay agad ko nang nakita ang brown envelope na iniutos niya sa akin ngunit may isang bagay na umagaw ng atensyon ko.

My Diary.

Dala na rin ng kuryusidad ay kinuha ko ang diary na nakasuksok sa ilalim ng mga damitan. Kita ko kasing medyo nakaawang iyon kaya nabasa ko ang pamagat ng book na iyon.

Namangha ako kase napaganda ng pagkakaayos nito kahit medyo luma na at may katagalan na rin. Dahan-dahan kong inalis ang pagkakabuhol ng ribon at nang maalis ko na ay binuksan ko sa gitna.

24th February, 2***
Thursday
7pm

Dear Diary,

I'm so happy because tonight is my night. Makikita ko na naman si crush tonight, excited na talaga ako. I hope, mas maging malapit pa kami sa isa't-isa.

So that's all for tonight! Mwah 😘

Natawa na lang ako sa nabasa ko. Kung iisipin kasi ang cute niya habang sinusulat niya 'tong diary na  'to.

Nawala ang ngiti ko nang nilipat ko sa sumunod na pahina ang binabasa ko.

25th February, 2***
Friday
11pm

Dear Diary,

___
A/n

Ano kaya ang nabasa ni Peyton?









Asexual (gxg)Where stories live. Discover now