Chapter 23: Wedding Day

7K 230 15
                                    

Pagtapos ng araw na yun ay nag iba na din yung pakikitungo niya sa akin. Kasi nung araw na yun ay hindi ko inimikan yung sinabi niya sa akin. Bakit ko naman sasabihin yun diba? Ayaw ko namang masaktan na parang tanga diba?

Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim at dahan-dahang ibinuga yun.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at mabilis na hinubad ang suot kong mga saplot.

Mayamaya pa ay tumunog ang cell phone ko. Si Sandra pala, tumatawag.

"Hello?" sabi ko sa kabilang linya.

"Hmm... kasal ko na bukas, gusto ko sanang pumunta ka..." sabi niya.

Wala akong mahimigang nalulungkot siya o masaya siya. Parang normal lang sa kanya yung mga sinasabi niya.

"Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi nakalimutan kong sabihin sayo." sabi niya.

Grabe naman yan, mahihirapan akong maghanda nito. Pupunta pa akong america.

"Ni-rurush mo 'ko, ang hirap kaya maghanap ng susuotin." sabi ko.

"Okay lang yan," natatawang sambit niya.

"Inimbitahan ko rin sila ate Jaycee at si Jaime. Mga kamag anak lang natin yung imbitado. Gusto kasi nung babaitang yun na walang makakaalam na ibang tao na kinasal siya sa akin lalo na't sikat pa man din siya dahil model siya."

Yung tono ng boses niya parang nalugi pa siya sa fiance niya. Grabe, ang ganda kaya ng babaeng yun. Tapos ginagayan niya lang. Tsk

"Sus, baka nga kinikilig ka kapag nilalapitan ka niyan eh. Remember, you told me that you're in love~" nangaasar na sambit ko.

"Shut up! Binabawi ko na! Hindi ako maiinlove sa bitch na yun! Siraulo yung bruhang yun!" sa tuno ng boses niya, iritang-irita talaga siya.

"Wow, ikaw pa na lugi sa kanya ah. Luging-lugi na nga siya sayo eh dahil hindi ka naman wife material, hindi ka rin naman maganda." syempre joke lang yun. Inaasar ko lang siya.

Ang ganda kaya nitong si Sandra may pagka-bitch nga lang.

"Wow, coming from you ahh,"

"Sa pag-kakatanda ko, mas maganda ako sayo." confident na sambit niya.

"Lugi naman sayo si Leona." nangaasar na sambit ko.

"Hindi na siya lugi sa akin, may sexy at maganda na siyang asawa." tumatawang sambit niya.

"Anong magagawa niyan kung hindi mo naman siya kayang ipagluto?" tanong ko.

Bigla ko tuloy naalala si Samora sa word na luto. Wala lang, inggit na inggit lang ako sa fiance niya.

"Edi siya yung magluluto para sa akin." sabi niya.

Wow hanep!

Narinig kong may tumawag sa kanya sa kabilang linya.

"Peyton, patayin ko na. I'll talk to you later~" sabi niya at pinutol na ang linya.

Mabuti nalang at wala akong pasok bukas dahil sabado. May kapalit naman ako, si Jackie.

Sasabihan ko nalang siguro si Samora na wala ako sa monday. Excuse naman yung dahilan ko dahil kasal ni Sandra.


Umaga na nang makarating ako sa America. Mabuti nalang at hindi ako nahuli sa kasal nila.

Medyo pagod din ako.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now