Chapter 13: Sandra Hermoza

7.3K 195 14
                                    

"Mom, where's dad?" bakas sa mukha ng batang Sandra ang lungkot ng tanungin niya iyon.

Naiinggit kasi siya kasi siya lang yung walang ama sa family day. Lahat ng mga kaklase niya masaya sa pakikipaglaro sa mga tatay nila samantalang siya na-iinggit siya.

Alam na niya ang isasagot ng kanyang ina na si Gigi pero umaasa parin siyang sasagutin siya nito ng hindi nagtatago ng sekreto.

"I don't know, am I not enough? Come here baby," yumakap siya sa ina. "Maybe when you get taller and smarter, I'll tell you where's your dad." ngumiti nalang ang batang si Sandra.

"Promise?"

"Yeah, I promised." mas lalong yumakap ang batang si Sandra sa kanyang ina.

"Mom, I envy them." sabi ni Sandra. Naiintindihan naman ni Gigi ang nararamdaman naman ni Sandra pero hindi niya pa talaga pwedeng sabihin ang tungkol sa kanyang ama.

"Don't worry Mommy is always here." kahit naman hindi sila magkadugo, mahal na mahal parin ni Gigi si Sandra.

Sanggol palang si Sandra ng mapunta siya kay Gigi Hermoza. Ganun pa man, kahit anak ito sa labas ng asawang si Xander ay itinuring niya tunay na anak at inalagaan ang bata. Galit na galit siya sa asawa dahil sa dami ng babae nito na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Natuklasan din ni Gigi na ang asawang si Xander Del Rio ay nalulong sa sugal na naging dahilan upang mag-nakaw ito ng napakalaking pera sa kanilang kompanya. Bukod pa roon, nasangkot ito sa Murder Case ng kaibigan at hinihinalang siya ang puno't dulo sa naganap na pagpatay sa isang matandang lalaki.

Isang kasunduan ang naganap na kasal sa kanilang dalawa. Si Xander ay galing sa isang mayamang pamilya na kasusyo ng pamilya ni Gigi kung kaya't, upang mas mapalaki at mas mapalawak ang impluwensya ng dalawang pamilya ay kinailangang ipagkasundo ang kanilang mga anak.

Tutol si Xander sa kasal dahil mayroon na itong kasintahan at mahal na mahal niya ito. Ganun din naman si Gigi, ang kinaibahan lang ay hindi niya gusto ang kasal at pakikipag relasyon sa mga taong hindi niya pa lubos kilala.

Ngunit wala na silang nagawa dahil tuloy na tuloy na ang kasal nila. Nang magsama na sila ay unti-unting minahal ni Gigi si Xander. Si Xander naman ay naging maayos ang pakikitungo sa asawa ngunit habang dumadaan ang taon, si Xander ay unti-unti ring nagbabago. Natuto itong gumamit ng droga, nalulong sa sugal, at ang masakit para kay Gigi ay nahuli niya itong may kasiping na babae sa kama nilang mag-asawa.

Sa pangyayaring yun ay nagawa parin niyang patawarin si Xander. Pero wala pang ilang buwan ay nahuli na naman niya itong may babae. Hindi niya binigyang pansin hanggang sa magkakasunod na araw ay may iba't-ibang babae itong dinadala sa kanilang bahay.

Sa mga panahong yun ay nagpa-imbistiga na siya dahil unti-unti ng bumabagsak ang kompanya nila ng walang dahilan. Kung ano-ano ng stress ang inabot ni Gigi at kunti nalang ay maiisipan na talaga niyang magpakamatay.

Hanggang sa isang araw, nalaman niyang ang asawa niyang si Xander ang nagnanakaw ng malaking halaga sa kompanya. Tinanong niya sa mga kaibigan ng asawa kung nasan ito at ng makita si Xander ay doon niya nakita ang kadumal-rumal na pagpatay nito sa isang matandang lalaki.

Nang makita niya yun ay napagdesisyunan niyang makipaghiwalay. Hindi na niya kaya ang pinaggagawa ng asawa.

Nagdaan ang ilang linggo simula ng maghiwalay sila at nalaman niyang si Xander ay patay na dahil binaril nito ang sariling ulo.

Sa mga panahong ay naiisipan na niya ring sumunod sa asawa.

Hindi pa siya nakakarecover nun ng may nagdingdong sa kanyang gate at nang lumabas siya ay nakita niyang isang sanggol na nakalapag lang sa sahig ng bahay niya.

Asexual (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon