Chapter 5: Samora's Body

11K 290 19
                                    

⚠️WARNING!!

Isa-isa nang nagsiuwian ang mga bisita.

"Thank you po."

Ang daming nagbigay ng mga regalo sa akin. Actually, ngayon nalang ulit nagpaparty ang magulang ko na maraming bisita sa birthday ko dahil pag pinapaalam nila sa akin ay hindi ako pumapayag. Tulad nga ng sabi ko, I'm a private person.

Siguro dahil nakalimutan ay dahil sa pag-aalala ko sa parents ko. Pero hindi naman ako galit or what. Sa katunayan nga eh masaya ako dahil sinupresa nila ako.

Nang makauwi na ang lahat ay tumulong ako sa mga yaya namin na magligpit total naman eh birthday party ko to at ako ang dahilan kaya madami silang ililigpit ngayon.

"Wag na ho ma'am Sophia.. kaya na po namin ito." sabi ni Ate Kat.

"Okay lang, tulungan ko na po kayo Ate Kat." pangungulit ko.

Wala naman siyang magagawa sa pangungulit ko. Kilala na niya ako dahil 10 years old palang ako makulit na ako sa mga yaya ko. Siguro nasa mga 17 yrs old siya nung pinalipat na ako nila dad dito sa mansyon.

"Hays, ano pa bang magagawa ko?" pailingiling na sambit niya.

Natawa nalang tuloy ako.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa nang maramdaman kong nag-vibrate. May nagtext pala.

Unknown number 099*******

          Wanna join me?

Sino to?

Paano niya nakuha phone number ko?

To : unknown no.

    Who is this?

Paano kaya nakuha nitong tao na to ang number ko? Binigay kaya ni Jaime kung kanikanino ang cp no. ko?

Unknown number 099******

         Samora.

*dug, dug, dug,*

Bigla tuloy akong kinabahan.

Maya-maya pa ay tumawag na siya kaya napagdesisyunan kong lumabas ng bahay at pumunta sa garden.

"Hello?" tanong ko sa kabilang linya.

"I want to invite you to my house tonight... So... wanna come?" rinig na rinig ko sa kabilang linya ang maganda at mapangakit na boses niya.

Guys, di ko sure kung yun talaga yun kasi hindi ko talaga alam kung ano ang boses na mapangakit basta ang alam ko tumatayo ang balahibo ko sa boses niya.

"S-sure..."

"Nasa labas na ako ng bahay niyo."

Agad-agad?!

Teka, baka kanina pa siya nasa labas?

*tot, tot, tot*

Lumabas ako ng bahay at yun na nga nasa labas nga talaga siya ng bahay namin. Nasa loob siya ng kotse niya at kumakaway sa akin.

Lumapit ako. "Kanina ka pa ba dito?"

"Yes."

"Bakit hindi ka pumasok? Birthday ko naman at pwede mo naman sabihin sa akin." sabi ko.

Imbis na sagutin ang tanong ko ay pinapasok niya ako sa kotse niya. "About dun sa tanong mo... marami kasing tao kaya medyo nahihiya ako...  And besides, nasa bahay ko ang regalo ko sayo..."

Anong problema niya sa maraming tao?

Bakit siya mahihiya?

Sa ganda niyang yan mahihiya siya?

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now