Chapter 10: Jaycee Flores

7.2K 230 7
                                    

Inakay ko si Samora papunta sa sasakyan ko. No choice ako, kailangan kong ihatid siya sa bahay niya.

"Hmm... shaaan mmo *heks* akoo dadalhinn *heks* strangerrr?" tanong niya sa akin.

Wtf!?

Talagang may pinainom sa kanyang kung ano yung lalaking yun!

"Shut up Lady!" sabi ko nalang sa inis ko sa kanya.

Nakita kong ngumuso siya na parang bata. "Aishh... ang shungit naman nitoo."

Hindi ko alam pero medyo gusto ko ng matawa dahil ang cute niya dun.

Wait.

What!??

Cute??

Diba galit ka self?

Ang dami-dami niya pang dinaldal, hindi ko nalang pinansin. Malapit na kami sa kotse ko at mayamaya pa ay bigla nalang niya akong sinukahan.

Wat da pak!!!???

Kaya pala siya na nanahimik kasi nasusuka na siya. Tsk

Eww!!

"Samora, warn me before you do something disgusting like this." naiinis na sambit ko sa kanya.

"Sorry..."

Pinunasan ko muna ang sarili ko bago ako pumasok sa loob ng kotse ko. "You know, you seemed familiar. Do I know you?"

She's not kidding, right?

Tama na rin sigurong sabihin kong hindi kami magkakilala. "No, but I knew you. Some of your friends called me to get you out of here."

"Okay if that's what you said."

Nagsimula na akong mag-maneho. "It's really blurred, I can't see you properly so i can't recognize you so well but I think-"

"Enough, you don't know me so stop asking me or talking me." sabi ko at tumutok sa daan.

I didn't mean to be like that but that's the only way to get out of that conversation.

"Why? Are you mad at me? Did I do something wrong?"

"No, I mean- not like that. Is that-"

"Then why? Why did you avoid me for fcking 8 months?!"

Nagulat ako sa sinabi niya.

Naloko na naman pala ako.

Akala ko talagang blurred ang paningin niya.

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya at hinayaan ko nalang siyang mag-salita ng mag-salita.

Maya-maya pa ay bigla nalang natahimik ang loob ng kotse ko.

Nandito na kami sa labas ng bahay niya. Kinapa ko yung bulsa niya at kinuha ko yung susi ng bahay niya.

Lumabas ako at binuksan yung gate at pumasok sa loob para buksan yung pinto. Nang nagawa ko na ay binalikan ko siya at binuhat ng pabridal style.

Parang tinusok ng karayum yung puso ko dahil may luha sa pisnge niya. Hindi ko maintindihan, bakit siya masasaktan gayung may fiance na siya?

Ngayong mag-kakaasawa na siya at handa na para bumuo ng isang pamilya. Hindi ko talaga maintindihan kung ano yung mali.

Tama, ito yung mali.

Kami yung mali.

Maawa naman sana siya sa nararamdaman ko. Hindi naman ako manhid.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now