Chapter 21: True Feelings

7K 244 25
                                    

Tahimik lang na pinagmamasdan ko siya habang mahimbing siyang natutulog sa tabi.

Inaamin ko, napapangiti nalang ako dahil sa ginawa namin kanina. Actually, nabawasan ang galit ko sa sarili ko dahil sa kanya.

I mean, siya yung dahilan kung bakit ako nagagalit sa sarili ko pero hindi ako galit sa kanya. Nagagalit ako sa sarili ko dahil pinapatulan ko pangaakit niya sa akin.

Nagagalit ako sa sarili ko dahil pwede ko naman siyang tanggihan pero hindi ko magawa. Nagagalit ako sa sarili ko dahil sinasamahan ko siyang gawing laro ang ganitong bagay.

At higit sa lahat, nagagalit ako sa sarili ko dahil alam ko sa sarili kong gusto ko din. Gusto ko din 'tong ginagawa namin.

Hindi ko na makontrol ang lahat kapag nandiyan na siya. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko, hindi ko na mahawakan ang sitwasyon kapag nasa malapit na siya sa akin.

Bakit?

Bakit ganito?

Bakit sa kabila ng lahat, masaya parin ako sa ganitong sitwasyon?

Kung nangyari ba 'to sa akin sa ibang tao, masaya parin ba ako?

Ganito rin ba ang epekto?

Gusto kong malaman.

Hindi ko alam kung mahal ko na ba siya...

Kung ako ang papipiliin, ayaw ko siyang mahalin.

Pero hanggang kailan ko titiisin?

Hanggang ba magsawa siya?

5 months lang naman ang deal namin pero alam nating sa maikling panahon na yun maraming pwedeng mangyari.

Baka kapag mas lalo pang lumalim itong nararamdaman ko, hindi na ako makabangon.

Hindi ko napigilang haplusin ang pisnge niya. Ang puti at ang kinis ng mukha niya, makapal na kilay, mapupulang labi, matangos na ilong, hindi ko alam kung anghel ba ito o demonyita eh.

Minsan napapaisip nalang ako, nagkukulang ba sa kanya yung fiance niya at nag-ccheat siya?

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko. Inamoy niya at kiniss niya.

"Can't sleep?" inaantok na tanong niya sa akin. Ang ganda ng boses niya na para bang naguudyok sayong demonyohin ka. (chrrr)

Ngumiti siya habang nakapikit pa ang mga mata. Bakit ba pakiramdam ko, totoo ang lahat?

Bakit ba grabe siya magpafall?

Sagad na sagad. Tsk

Nasasagad ko rin tuloy sa kanya 'to.

"Goodnight..." inaantok na sambit niya sa akin.

Napatalikod nalang tuloy ako bigla sa kanya dahil bigla niyang hinawakan yung ano ko.

Narinig kong mahina siyang tumawa. "Galit parin siya, baka gusto pa ng isang round." natatawang sambit nito.

Hindi nalang ako umimik at ikinalma ang sarili. Mayamaya pa ay naramdaman ko nang niyakap niya ako.

Ang init ng katawan niya at feeling ko inaantok na ako. Gusto ko yung kuryenteng tumatama sa akin kapagnagdidikit yung balat namin.

Gusto ko talaga yung presensya niya.

Wala pang ilang minuto ay bumigat na ang mga pilikmata ko at nakatulog ako bigla.

"Good night..."


Nagising ako ng wala nang katabi. Napabalikwas nalang ako dahil wala na akong makapa sa tabi ko.

Asexual (gxg)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang