Chapter 8: Work, work!

7.4K 261 7
                                    

8 months later

"Ano nagawa mo na ba yung mga pinapagawa ko sayo?"

Nagulat ako ng bigla nalang may magsalita sa tabi ko. Si Ate jayjay lang pala.

"Hmm... patapos na ako ate jay."

Busy kasi ako sa pag check nung sched. niya kaya hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala siya.

"Alam mo Peyton, simula ng pumasok ka sa company eh never kang nagpalit ng fashion style. Yung makapal mong salamin, tapos yang napakainit mong long sleeve. Hindi ka ba nag sasawa?" tanong niya sa akin.

Hindi naman nakakaepekto ang fashion style ko sa trabaho ko ah?

So wala namang masama kung mananatili akong ganito and besides, nakakatulong to para walang mag suspetsa sa akin.

"Don't worry, hindi naman siya nakakaapekto sa trabaho ko. Nakakatulong pa nga dahil walang maghihinalang ako ang kaisa-isang tagapagmana ng kompanyang ito." sabi ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

"Haysst, palusot ka pa. Ayaw mo lang mag-ayos, ke ganda, ganda mong babae eh." sabi niya habang nakataas ang isang kilay.

Nagulat ako ng biglang may tumunog.

*Hoo, like a virgin
Touched for the very first time
Like a virgin
When your heart beats
Next to min---*

Pfft

Natawa ako bigla sa ringtone niya. Grabe, yan talaga?

"Oppss..." natatawang sambit ko.

Tinignan niya ako ng isang mapamatay na tingin. "Hindi ko alam na virgin ka pa pala..." mapang-asar na sambit ko sa kanya.

"Shut up, will you?" inis na sambit niya sa akin. Natawa nalang tuloy ako.

Nagulat ako nang bigla nalang siyang lumabas. Sino kaya yun?

Siguro masyadong private yung paguusapan nila.

Natapos ko na yung ginagawa ko kaya nagunat ako. Tinanggal ko yung salamin at panandaliang ipinikit ang mga mata ko.

Suck life!

Kahit nakaupo ka lang, nakakapagod parin mga dude.

Mayamaya pa ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Hindi ko lang pinansin, paniguradong si Ate jayjay na yun.

"Sophia Peyton, come here." narinig kong sabi ni ate jayjay. Ang seryoso niya.

Anong nangyari?

Sino yung kinausap niya kanina bakit ganyan nalang siya kaseryoso?

Agad na lumapit ako sa kanya. First time ko kasing makita siyang seryoso.

Hindi ko naman siya napikun kanina diba?

"Ready kana ba?"

Takang tinignan ko siya.

Anong ibig niyang sabihin?

"Ready saan?" takang tanong ko. Bakit parang hindi maganda ang pakiramdam ko dito?

"Lilipat kana sa ibang kompanya! Kyahhh! Sabi ng dad mo, ang ganda daw ng performance mo kaya may 1 week kang pahinga. Sa pinakita mo daw na performance ay gusto niyang magtrabaho ka sa ibang company para mas lalo ka daw mahasa."

Bakit siya EXCITED?

Hindi ko maintindihan, bakit kailangan ko pang magtrabaho sa ibang kompanya?

"Ayoko."

"What? No, hindi ako magdidesisyon niyan." sabi niya at biglang sumeryoso ulit.

Napabuntong hininga nalang ako dahil naalala ko, wala naman akong magagawa dahil para din naman sa akin yun.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now