Chapter 27: The Nightmare

6.5K 233 29
                                    

24th February, 2***
Thursday
7pm

Dear Diary,

I'm so happy because tonight is my night. Makikita ko na naman si crush tonight, excited na talaga ako. I hope, mas maging malapit pa kami sa isa't-isa.

So that's all for tonight! Mwah 😘

Nakangiting itinabi ko ang diary ko sa aking table. Bago ako lumabas ng kwarto ay sinigurado ko munang maayos na maayos talaga ako.

Gusto kong mas lalong gumanda ngayon. Hindi sa paningin ng maraming tao kundi sa iisang tao lang.

Sa kanya lang.

Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko na ang mga taong masayang naguusap sa mga kanya-kanya nilang kausap. Lahat sila nagtinginan sa akin ng mapansin nila ako at pagtapos nun ay pumalakpak sila.

Nakangiti ako habang bumababa sa hagdan. Hinanap na agad ng mata ko si Peyton.

Peyton.

Tila sa iisang tao lang yata nakatuon ang atensyon ko. Napangiti nalang ako nang makita ko siyang nakangiting nakatingin sa akin.

Ang saya-saya ng feeling ko.

Hindi ko maipaliwanag yung saya.

Mas lalo pang lumakas yung palakpak ng makababa na ako. Nakaabang na yung malaking cake sa harap ko, ako nalang yung hinihintay.

Yung parents ko, kitang-kita ko ang saya sa kanila. Well, that's make me happy too.

Masaya din ako kapag masaya sila.

Maluha-luhang lumapit sa akin si Mom at niyakap ako. That makes me smile.

"Happy 16th birthday anak!" maluha-luhang sambit ni mom. Naiiyak na din ako sa tuwa kaso baka masira ang make-up ko.

Sumunod namang lumapit sa akin si Dad. Nakangiti siya habang pinagmamasadan ako. "Happy 16th birthday my princess! Wag mong kalimutan ang palaging paalala ni dad ahh. Malaki ka na so that's why we have trust in you. Always remember that we love you."

Maluha-luha ako sa sinabi ni dad.

Golden rule ni dad sa akin ay wag munang mag boboyfriend. Ang kaso, hindi naman lalaki si Peyton. Wala namang sinabi si dad na bawal akong mag-girlfriend.

Don't lie to yourself!

Well, baka mas lalo pang magalit yun.

Handa na sana ako para ihipan yung candle ko nang pigilan ako ni Mom. "Make a wish!"

Masaya lang na nakangiti sa akin si mom at hinihintay ako humiling. Para kasi sa akin, wala na akong hihilingin pa kasi nasa akin na ang lahat.

May magulang ako na mapagmahal.

May mga kaibigan akong totoo.

Maayos naman ang pamumuhay namin.

Kung tutuusin, sobra-sobra na yun para humiling pa ako.

Sana may mangyaring maganda tonight.

Inihipan ko ang apoy sa kandila at ngumiti sa mga bisita ko. Lahat sila nagpalakpakan at tuwang-tuwa lang na nakatingin sa akin.

Pagtapos nun ay nag si upuan na sila sa kanya-kanya nilang upan at masaya lang na naguusap sila.

Nakita ko si Peyton na kausap si Cedric. Lumapit ako sa kanila at nakangiting kinalabet si Peyton.

Nakasuot siya ng simpleng light blue dress na mas lalo pang bumagay sa make-up niya. Ang ganda niya talaga kahit anong suotin niya.

Nagulat naman ako ng bigla nalang akong yakapin ni Peyton. Gosh, hindi ko inasahan yun.

Asexual (gxg)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora