Chapter 14: The Playful Kiss (prt2)

7.4K 229 20
                                    

⚠️Paki-skip nalang kung hindi komportableng basahin. Salamat!

Sophia

Today is the start of my new job with another company. Well, kilala naman natin kung sino ang nagpauso nitong idea na 'to. It was dad.

Katatapos ko lang maligo at ready na para isuot ang pencil-cut skirt at white long-sleeved na poloshirt. Nang masuot ko na ay isinunod ko naman yung cout ko at takong ko na 3inch lang.

Humarap ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili mula ulo hanggang paa. Yun mukha na akong disente. Hindi na bumabakat si Junjun inipit ko kasi. Kawawa naman, wala eh kinakailangan wala akong choice.

Kinuha ko na yung form ko at umalis na ako ng kwarto. Lumabas na ako ng bahay at nagmaneho papunta sa kompanyang pagtatrabahuan ko mula ngayon.

Bago ako lumabas ng kotse ay sinuot ko muna yung salamin ko kinuha ko narin yung form ko.

Habang naglalakad ako papunta sa office ng boss ko ay may nakita akong pamilyar na babae. Nakasuot siya ng hoodie at may takip din yung bunganga niya na kulay black. Ano siya artista?

Buti pinapasok siya dito.

Baka kakilala siya ng boss ko.

Hindi ko pa kilala yung bagong boss kasi yung dati niya lang na secretary yung nag-entertain sa akin.

Nang makarating ako sa office ng boss ko ay tumayo muna ako sa harap ng pinto at huminga ng malalim para ikalma ang sistema ko.

Napansin kong nakaawang nang kunti yung pinto kaya hindi ko napigilang sumulip. Nakita kong may naghahalikan, sa gulat ko muntik na kong makagawa ng tunog.

Sht ano yung nakita ko?

Sumilip ulit ako at sa pagkakataong yun ay klarong nakita ko na yung mukha nilang dalawa.

It was Samora.

And... maybe that's her fiance...

Lumayo na ko sa pinto at naghanap ng malapit na cr.

Nakaharap ako ngayon sa salamin, tinanggal ko yung salamin ko sa mata at naghilamos.

Walang dahilan para masaktan ako.

Wala.

Wala.

Wala.... wala talaga.

Pinilit kong wag bumagsak yung luha ko. Pinilit ko talaga pero wala, nahulog parin.

"Self, don't cry. It was nothing."

Tama, wala lang yun.

Kunyari wala akong nakita.

Tapos kunyari din di ako nasaktan.

Mayamaya pa ay tumunog yung phone ko. May nagtext.

'Where are you? You're already 15mins late.'

Nagmamadaling inayos ko ang sarili ko. Patakbong pumunta ako sa office niya.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok at pumasok sa loob. "Oh you're here." sabi ni Jane na dating secretary ng boss ko.

I didn't expect na si Samora pala ang magiging boss ko.

Wala na pala yung pogi niyang fiance.

Humarap na si Samora at nagsalubong ang mga mata namin. Kahit kinakabahan ay nag goodmorning parin ako sa kanila.

"You can leave Jane." sabi ni Samora. Mukha siyang naging strict sa ekspresyon ng mukha niya at sa porma niya ngayon. But in the same time she looks more sexy and gorgeous.

Asexual (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon