Chapter 9: Dance Floor

7.2K 246 8
                                    

Ps. Medyo maypagka ano..

Sophia Pov

Gaya nga ng pinagusapan namin ni Ate jayjay ay yun na nga. Sumama ako sa kanya sa bar at ipinakilala niya ako sa mga hottie kuno na guy. So yun na nga, mga type ko naman pero ano eh. Hmm... ano ba, nasa dulo na ng dila ko eh wait.

Ayun!

Tama!

Hindi ako interesado sa kanila!

Pero dahil ayaw ko namang maka-offend, ayun pinakisamahan ko nalang. Tsaka, wala rin namang masama kong mag-saya ako dito total naman eh pinayagan ako ni dad.

Katabi ko ngayon si Jonas, by the way, ang hot niya. Good-looking siya at take note ang bango niya mga teh!

Pucha!

Lasing na yata ako.

Baka nakakalimutan mong may kargada ka din. Shut up mind!

Inabot niya sa akin yung baso na may alak. "Hmm... Sophia, can I ask you to go out with me on next Sunday? Or maybe tomorrow? Can I?"

Guys ang ganda po ng accent niya.

Kinikilig ako.

Oo ba ako?

Wait magpapabebe lang ako.

"Hmm... Sorry, I'm not available." sabi ko at ininum yung alak.

"Hoy babaita! Wag kana magpakipot, niyaya ka na nga mag-date eh." bulong ng haliparot kong pinsan.

Hindi ko nalang pinansin si ate jayjay at hinarap ulit si Jonas. "So when is your free day?"

"Hmm... I don't know, may work kasi ako eh kaya busy ako palagi." sabi ko.

Nakita ko ang pagkadismaya sa kanyang mukha. Mas lalo pa siyang pumupogi sa ginagawa niya.

Hey stop that!

Nagpapacute ka pa sa akin eh!

Luh, nadismaya nga eh. Tapos nagpapacute?

Pati sarili ko kinukontra na ako. Tsk

Napabuntong hininga nalang ako. "Okay, sa Monday pwede ako."

"Yes!" natutuwang sambit niya.

Medyo tinatamaan na ako ng alak na ininum ko. Nakailng shot din ako, kanina pa kami dito eh.

Si ate jayjay talaga napaka party girl himala nalang na masyado siyang pihikan sa lalaki. Wala pa siyang jowa hanggang ngayon eh.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Jonas at hinawakan ang kamay ko. "Let's dance!" sabi niya.

Sumama nalang din ako baka kasi magtampo. Pero wag kayo ahh ang lambot ng kamay niya parang kamay ng babae.

Nang makarating kami sa dance floor ay sumayaw-sayaw lang kami. Bigla siya natawa ng bigla akong mapahawak sa dibdib niya. Nasagi kasi ako nung babae sa likod ko.

Lalaking-lalaki siya tumawa ah.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagsasayaw ng may mahagip ang mga mata ko.

Sa isang iglap lang bigla akong kinabahan. Shttt

Mayamaya pa ay nagsihiyawan na yung mga tao na nakapaligid sa kanya. Bigla tuloy kumulo ang dugo ko.

Parang biglang nawala yung epekto nung alak.

Dahil nawala ako sa mood ay niyaya ko si Jonas na bumalik sa pwesto namin. "Did you enjoy?" tanong ni ate jayjay.

"Yes!" sabi naman ni Jonas. Ngumiti nalang ako para hindi mahalatang nabadtrip ako.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now