Chapter 33: Revelation (prt2)

6.2K 272 92
                                    

Nakita na agad ni Samora ang sasakyan na ginagamit ni Peyton na nakaparada sa tapat ng bahay niya. Napangiti na lamang siya dahil sumusunod ito sa mga inuutos niya kapag ang pinaguusapan ay tungkol sa trabaho.

Ipinarada niya rin ang kanyang sasaktan sa likod ng sasakyan ni Peyton.

Should I punish her?

Natawa na lamang siya sa kalokohang naisip. Bitinin ba naman siya nito kanina, ewan ko na lang kung hindi makatikim ng latigo si Peyton kung magkataon.

Nagtungo na siya sa kanyang bahay at naabutang nakabukas ang pinto ng kanyang kwarto. Pagpasok na pagpasok niya, saktong nahulog sa kamay ni Peyton ang hawak nitong notebook.

Sa gulat ay napahinto lamang siya, at tila ba 'y huminto ang tibok ng kanyang puso nang mapagtantong diary niya ang kaninang hawak ni Peyton.

Kita niya ang pagbagsak ng luha ni Peyton na parang isang patalim na tumatarak sa kanyang puso. Humakbang siya patungo rito ngunit sa isang malakas na sigaw ang pinakawalan ni Peyton kaya't napahinto na lamang siya.

"No! Stay fcking away from me!" sigaw ni Peyton. Napasabunot na lamang ito sa kanyang buhok.

"Fck! Samora, why are doing this to me?!" bakas sa boses nito ang sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib.

Sinubukang ibuka ni Samora ang kanyang bibig ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig.

Nanghihinang umupo si Peyton sa sahig at napahawak sa kanyang ulo. Marahil sumakit ito sa mga nakakabiglang nalaman niya.

Sinubukan ulit niyang lumapit kay Peyton ngunit hahakbang pa lamang siya ay agad nang tumayo si Peyton. Malalaki ang hakbang nitong naglakad upang makaalis na sa silid na iyon.

Bago pa man malagpasan ni Peyton si Samora ay mabilis na hinawakan nito ang kamay ni Peyton.

"Please, don't leave. Let me explain everything to you..." naguunahan nang tumulo ang kanyang luha. "D-don't leave, p-please?"

Marahang inalis ni Peyton ang kamay ni Samora. "This is not the right time to explain everything to me," pinunasan nito ang luha ni Samora gamit ang kanyang hinlalaki. "I'm sorry, but I need to clear my mind."

Masuyo nitong dinampian ang noo ni Samora.

"I love you, good bye."

"N-no... p-please... n-no..."

Wala na nagawa pa si Samora nang tuluyang umalis si Peyton. Naglakad siya papunta sa kama niya at doon ibinuhos ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

Mabilis na pinaandar ni Peyton ang kanyang sasakyan. Hindi niya alam kung saan pa siya pupunta. Sumabay pa ang malakas na ulan at tila dinadamayan siya. Gulong-gulo ang kanyang isip at hindi na niya alam ang gagawin pa. Panay punas lang siya sa mga luhang walang  balak huminto sa pagpatak.

'They all know, they hide it from me for a long time.'

Mas lalo pang bumilis ang takbo ng sasakyan nito at patuloy lang din siya sa pag iyak hanggang sa pinalabo na na nito ang mga mata niya. Matapos niya itong punasan ay gulat na lamang siya sa malakas na businang  narinig niya. Sinubukan niyang huminto at kinabig ang manubela pakaliwa ngunit sa dulas ng kalsada ay hindi napigilang sumalpok siya sa isang poste.

Malakas na humampas ang kanyang ulo sa unahan niya. Mabilis siyang nawalan ng malay at sa lagay niya ay may posibilidad na hindi na siya humihinga.

Madilim na at malakas pa ang ulan. Isang grupo ng mga kalalakihan ang lumapit sa kanya at kinuha siya.

"You'll be safe, I promised you that."

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now