Chapter 26: The Truth

6.9K 266 41
                                    

Samora

"Where's your dad?"

Napatingin ako sa kanila ng marinig ko yun.

Magkamukha sila....

Mayamaya pa ay bigla nalang bumukas yung pinto at iniluwa best friend ko. Gulat lang siya na nakatingin kila Peyton.

Pinaalis ko sila Peyton dahil alam kung may importanteng sasabihin sa akin 'tong si Venice.

Ang walang hiyang babaeng 'to umupo sa table ko tapos nanigarilyo pa. Peste!

"Can you stop that habit of yours?" iniratang sambit ko sa kanya.

Paano ba naman kasi binugahan niya ako sa mukha. Ang baho-baho kaya ng sigarilyo niya.

"I can't." sabi niya.

Ewan ko ba pero ilang buwan na siyang naninigarilyo. I mean, tuloy-tuloy parang kada araw naninigarilyo siya simula nung naghiwalay sila ni Jackie. Yes, may relasyon sila dati.

Nung college din kami, puro siya bisyo nun. Well, nung college kami di ko naman siya masisi nun dahil pinatay ang mga magulang niya at ang kaisa-isa niyang kapatid. Nakaligtas siya dahil akala nung mga murder ay patay na siya. Unfortunately, walang nahuli sa kanila.

Nagaalala na nga ako sa kalusugan niya dahil sa mga pinaggagawa niya sa buhay.

"Gusto mo na talagang mamatay. Tsk."

"Yes, I want to die." sabi niya at tumawa pa ng malakas.

Napailing nalang ako.

"By the way, alam na ba niya?" biglang tanong niya sa akin.

Kinabahan ako bigla sa tanong niya dahil nakuha ko agad kong sino ang tinutukoy niya.

"N-no..."

Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari.

"Ano may balak ka bang sabihin?"

Hindi ko alam.....

Natatakot ako.......

"Hindi mo na pwedeng ipagkaila, magkamukhang-magkamukha sila." sabi niya at humithit.

Nanginginig yung kamay ko.

Kapag naaalala ko ang gabing yun, hindi ko mapigilang makaramdam ng takot.

Para sa akin isang malaking bangungunot ang gabi na yun. "Natatakot ka?"

Tumango ako. "I don't know what to do."

Dati kailangan ko pang uminom ng sleeping pills para lang makatulog.

"You should tell her." sabi niya.

Paano?

"No, I can't."

Hindi ko kaya.

Nabuo si Piper hindi dahil mahal namin ang isa't-isa kundi dahil wala siya sa sariling niyang katinuan nun.

"I can't believe that you still love her after what she did to you."

Yeah...

She's right.

But in the same time, natatakot din ako sa kanya. Naaalala ko ang mga malademonyo niyang ngiti. Naaalala ko kung paano siya tumawa na para bang isang demonyo.

Tapos ang mga mata niya nun, ibang-iba sa mga mata niya ngayon. Hindi ko parin ma-overcome ang fear na yun.

Sa bawat araw na ginawa ng diyos, palagi ko yun naaalala. Sa bawat paghinga ko, isang nakakatakot na alaala ang naaalala ko.

Asexual (gxg)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora