Chapter 2: Bar

11.6K 340 53
                                    

So yun, two weeks na akong nakatingga dito sa bahay. Hindi parin umuuwi ang parents ko dahil tumawag sila kahapon.

Nalulungkot tuloy ako kasi sinabi ko pa naman kila lola na bibisita ngayong week sila dad. Kanina nga nung tinawagan ko sila at sinabi yun. Bakas na bakas sa boses nila yung lungkot.

Tapos sa two weeks na yun paulitulit lang yung routine ko. Medyo nagsawa tuloy ako.

Maggolf kaya ako ngayon?

Pumunta sa shooting range?

Ahh alam ko na, pupunta nalang ako sa shooting range. Yayain ko kaya si Jamie?

Tinawagan ko si Jaime.

"Oh cous' napatawag ka?"

"Samahan mo naman ako sa shooting range.. "

"Sige ba, pwede akong magsama ng friend?"

"Oo naman.."

"Sunduin mo nalang ako dito sa bahay hindi ko pwedeng gamitin ang kotse ko."

"Okay, wait me I'll be there in 30 minutes."

Naligo na ako at naghanda ng gamit ko kasi balak ko pagtapos kong mag shooting ay pupunta akong gym. Sigurado naman akong mag ggym din yun si Jaime automatic na yun pag ako kasama niya.

Mayamaya pa ay dumating na nga si Jaime at ang mga kaibigan niya. Hindi kotse ang dala niya kundi isang mini van. Siguro madami siyang kasama.

"Manang kayo na ho ang bahala dito!" sabi ko bago sumakasay sa loob ng van at umupo ako sa tabi ng pinsan ko siya kasi ang nagmamaneho.

"Wow pare, hindi mo nasabi sa amin na may maganda ka palang pinsan."

Bigla tuloy akong napatingin sa likod ko at nakita ko ang dalawang babae at dalawa din lalaki. Hindi naman masasama ang itsura nila. Actually nga parang mga artista at sigurado anak to ng mga mayayaman.

"Guys, this is my cousin Sophia. Peyton, this is Jana, Kate, Carl, and Eric."

Babulong lang na tiwag niya ako sa second name ko. Alam niya kasing ayaw kong may ibang taong tumatawag ng name because for me it is very important kasi family ko lang and relatives ko lang ang pwedeng tumawag nun.

Nagwave ako sa kanila at nag Hi. "Jaime, ang ganda naman ng pinsan mo. Sophia, single ka ba?" sabi nung Carl.

"Hindi kayo talo niyan. Wag ka nang umasa." sabi ni Jaime kay Carl. Siniko ko naman si Jaime sa sinabi niya.

Parang sinabi niyang tomboy ako. Well, okay na rin yun para tumigil na din tong si Carl kanina pa eh.

Tinawanan tuloy siya ng mga kaibigan niya. Napahiya tuloy sa sinabi ni Jaime.

--

*beng, beng, beng*

"Nice one." pagkadinig ko ng tanggalin ko yung ear protection ko.

"Thanks." sabi ko at kinuha ang tubig ko dahil medyo nauhaw ako.

Nakabuntot na naman sa akin si Carl kanina pa siya malapit na akong mairita sa kanya.

Hindi niya ba nahahalata na medyo nakukulitan na ako sa kanya? O baka manhid lang siya.

"Pwede ba kitang yayain sa sunday?" tanong niya.

"Hindi, busy ako." mabilis na sagot ko.

"Hindi man lang pinagisipan. Sige na, pagisipan mo muna.."

Ayy ang kulet.

"May date kasi kami ng girlfriend ko kaya hindi ako pwede and baka magalit yun kapag nalaman niyang nakikipagkita ako sa boy. Galit kasi yun sa mga taong mapilit." sabi ko. Yan tuloy kailangan ko pang magsinungaling.

Asexual (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon