Chapter 25: Bonding With Her

6K 231 21
                                    

"OMG!"

Lumaki ang mata niya at nakatakip ang mga kamay niya sa bunganga niya.

Ano bang nakakagulat?

"Bakit may dalawang pangit dito?" gulat na tanong ni Venice.

Kami?

Pangit kami?

How dare she?

Sa ganda kong 'to sinabihan akong pangit!?huh!?

At ang malala pa, dinamay pati si Piper!!

Kahit vice president siya dito sa kompanyang ito wala akong pake!

Tinignan ko siya ng masama.

Bumaba si Piper at masayang tumakbo dun sa babaeng yun. Grabe naman, sinabihan na siyang pangit tapos tuwang-tuwa pa siya.

"Ninang Ven!!" patiling sambit ni Piper at yumakap pa.

Nagpabuhat si Piper sa kanya. "Ang bigat na ng inaanak ko. Gosh, lalo kang pumapangit." tumatawang sambit ni Venice.

Kala mo naman maganda siya. Tsk

Itong babaeng 'to akala ko mabait 'to eh. Nung kasal ng pinsan ko, ang bait-bait niya tapos hindi ko alam peste pala itong babaeng 'to.

Hindi mo talaga mahahalata sa itsura niya eh.

Ibinaba na niya si Piper at lumapit na kay Samora.

"Ms. Claveria, take my daughter to the outside. Ipasyal mo siya sa mall." utos sa akin ni Samora.

Luh.

Kasama pa ba yan sa trabaho ko?

"Yes Ma'am." sabi ko at hinawakan ang kamay ni Piper.

"Let's go." nakangiting sambit ko kay Piper.

Nagpabuhat siya sa akin.

Ang cute talaga ng batang 'to.

Palabas na kami ni Piper at nakita ko si Venice na umupo sa table ni Samora. Gosh, hindi niya ba nakita ang upuan?

Hindi ba siya marunong umupo sa upuan?

Bago ko pa isarado yung pinto ay nakita ko pang inilabas niya yung isang kaha ng sigarilyo niya at kumuha ng isa.

Tsk.

Siguro sobrang close sila ni Samora dahil nagagawa niya yung mga kabulastugan niya.












Isinakay ko si Piper sa kotse ko at nag drive na ako.

Dinala ko siya sa malapit na mall dito. "Tita Peyt, what should I do? I have a crush."

Crush?

May crush na siya agad?

Ang cute niya dahil hindi siya makatingin sa akin. "Mommy will be mad if she finds out."

Mad?

Sa tingin ko naman hindi kayang magalit ni Samora sa anak niya.

"Hindi yun magagalit, baka nga matuwa pa siya dahil may nagugustuhan kana." sabi ko.

"Even it's a girl?"

Girl?

Wtf!

Pwede pa naman mabago yun dahil bata pa naman siya.

"Mababago pa naman yan dahil bata ka pa." nakangiting sambit ko sa kanya.

Feeling ko isa akong nanay na nagpapayo sa confused niyang anak. Pfft.

Asexual (gxg)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα