Chapter 7: First Day Of Work

8.8K 257 5
                                    

*tok, tok, tok*

*tok, tok, tok*

"Anak, buksan mo tong pinto!"

*tok, tok, tok,*

napabangon nalang ako ng wala sa oras dahil sa puro katok na naririnig ko. Agad kong binuksan yung pinto dahil mukhang galit na si mom.

"Ba't ang tagal mong buksan? Kanina pa ako kumakatok." iritadong sambit ni mom.

"Nakatulog po kasi ako ehh... Sorry po." sabi ko.

Pumasok siya sa kwarto ko at nilibot niya ang dalawa niyang mata. "Diba ngayon ang unang pasok mo sa kompanya?"

Ayy shttt oo nga pala!

"Hapon na ohh... sabi ng dad mo pumunta kana daw ngayon. Tsk, unang pasok, unang late. Tsk, tsk." pailingiling na sambit ni mom.

Sorry naman.

"Ba't namamaga yang mata mo? Umiyak ka ba?"

Patay!!

"A-ahh h-hindi po, sige po maliligo na po ako..." agad na pumasok ako sa cr at binuksan yung shower.

"Muntik na ako dun...."

Nagsimula na akong maligo.

Naaalala ko na naman yung sinabi ni Jaime. Bumabalik tuloy yung sakit dito sa dibdib ko.

Bakit ba ako nasasaktan?

Wala naman kami.

Wala naman kaming lebel sa isa't-isa.

Bakit ba ako nasasaktan?

Siguro dahil first time kong makaranas ng ganito?

Siguro ganun talaga.

Naiyak na naman tuloy ako.

Bigla akong napatingin sa salamin. "Sht, ang pangit ko palang umiyak."

Nakakainis!

Tinapos ko nalang yung pagligo ko at lumabas para kumuha ng jeans at damit na color white na may tatak na 'let's chat' pinaresan ko rin ng color blue na polo na mabaha yung sleeve.

Nang matapos na ako ay agad akong bumaba. Naabutan ko na si mom na nakaupo at nagbabasa ng diyaryo.

"Mom, alis na po ako." paalam ko.

"Sige, ingat ka." lumapit siya sa akin at kiniss ako sa pisnge.

"Broken ka noh?" bigla nalang sambit ni mom. Luh pano niya nalaman?

"H-hindi po, sige po alis na po ako baka nagaantay na po si kuya Henry." nagmamadaling sambit ko.

Paglabas ko sa bahay ay nakita kong nasa labas na si kuya Henry at hinihintay nalang ako.

"Good morning ma'am!" nakangiting bati niya sa akin. Si kuya Henry, 3yrs lang ang tanda niya sa akin. Anak siya ng dati naming driver na si mang Jo na matagal nang namayapa. So siya na ang pumalit. Ayaw nga ng tatay ko dahil bata pa daw siya nun at kailangan niya ding mag-aral. Pero nagpumilit siya dahil wala na daw silang pwedeng pagkakitaan ng trabaho kaya napilitang tanggapin siya ni dad.

Maayos naman ang kinalabasan nun dahil nakapagtapos siya at napag-aral niya narin ang dalawa niyang kapatid.

Sabi nga ni dad, mag focus nalang daw siya sa trabahong kinuha niya. Pero ayaw niya, pinagsabay niya ang pagiging driver at yung trabahong kinuha niya.

Kumuha narin si dad ng extra naming driver para kapagwala si kuya Henry ay may kapalit siya.

"Good morning din." sambit ko.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now