Chapter 17: Sick

7K 226 19
                                    

Nang matapos ko ang ginagawa ko ay inalis ko ang salamin ko at tumungo. Ang sakit na talaga ng ulo ko, gusto ko na umuwi.

Papikit na sana ako ng mga mata ng may kumalabit sa akin. Nag-angat ako ng tingin at nakita ko ang isang batang babae na nakangiti at may hawak na phone at pinicturan ako.

Pamilyar sa akin yung bata. "Hi, long time no see. How are you tita Peyton?"

Kilala niya ako?

Loading.....

Loading.......

Loading...

Loading..

Ahh!!

It's Piper!

Ano ginagawa niya dito?

"Oh Hello, I'm fine. How about you?" tanong ko sa kanya.

Ngumiti siya. "I'm fine."

Ano namang ginagawa ng napakagandang batang 'to dito sa kompanyang 'to?

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

"Visiting my Mom." sabi niya.

Nacurious naman ako kung sino ang mama niya.

"Oh Sophia, sino yan? Anak mo?" tanong agad ni Jackie ng dumating siya. Ang timing niya talaga palagi.

"Hindi, binisita niya lang daw dito yung mama niya."

Tinignan niya ako na para bang nagsisinungaling ako sa kanya. "Weh, ikakaila mo ba yang bata eh halos magkamukha kayo."

Napaisip naman ako bigla.

Wala naman akong naging karelasyon nung nasa highschool at college ako. Sigurado naman akong hindi ako nakabuntis dahil gaya ng sabi ko, wala akong nagalaw at hindi rin ako nagpapagalaw. Maliban lang ngayong nagtatrabaho na ako.

Siya na lahat nakakuha ng first ko. Kilala niyo naman kung sino ang tinutukoy ko.

"Natalia, come here!"

Nagulat kami ng may tumawag sa kanya. Isang buong boses at lalaking-lalaki.

It's Peter kuno.

Ang bitter ko namang pakinggan.

Ang hirap magkaila.

Tumakbo dun si Piper at nagpabuhat. "Daddy, this is my friend tita Peyton, and tita Peyton this is my Daddy Peter." sabi naman ni Piper.

Nakipag-shakehands siya sa akin. "Hi, Peyton." sabi niya at ngumiti.

Kung hindi ako nag-iimagine nakita ko yung ngiti niyang parang may halong kalandian. Guys, hindi ako nag-aassume ahh.

Sinasabi ko lang kung ano yung nakita ko. "H-hello, Sir Peter."

Bumitaw na ako pero siya enjoy na enjoy hawakan ang kamay ko. Buti hindi halata na pwersahan kong binawi ang kamay ko.

Tinuro ko si Jackie at ipinakilala din. "Hi, Sir Peter!" sabi ni Jackie.

Anak pala ni Samora si Piper.

Ang galing naman ng pagkakataon.

Iniisip ko tuloy kung alam ba ng fiance niya yung pinaggagawa niya sa akin.

Ang sakit lang ng katotohanan.

"Hmm... Sige, alis na kami ni Natalia." sabi ni Peter.

"Bye tita Peyton! Bye tita Jackie!" sabi ni Piper.

Asexual (gxg)Where stories live. Discover now