EPILOGUE (Part 1 of 2)

24.7K 633 442
                                    

DATE THY ENEMY
EPILOGUE: Part 1 of 2
(Javier Alexandro de Leon's POV)

  
It was summer when I first laid my eyes on that young Sarmiento that I keep on hearing from our grandfather's mouth. Her family's name is endlessly being talked about inside the walls of our home.

''Umuwi daw ang mga Sarmiento! Tara tingnan natin!'' si Erik.

Kahit abala ang dalawang pinsan sa paglalaro ng bola, agad nila iyong iniwan para sundaan si Erik. They were very curious. Kahit din naman ako siguro, pero hindi tulad ng pagiging kuryuso nila. Pero napailing nalang nang makita ang sariling nakasunod sa kanila.

Ilang metro ang nilakad namin dahil malayo ang sinasabing bahay ng mga Sarmiento sa bahay nila Erik. We were at Erik's house to play basketball. But now, we are here to take a look at the Sarmientos, hoping to get a glimpse of Vernaise Sarmiento.

Nakita naming may dumaan na kotse, at papasok sa isang gate. Agad akong tinilunak ni Jakob papatago, malapit sa may mga halamanan nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko.

''Ano ba!?''

''Bobo ka ba?! Tumago ka kung ayaw mong mahuli tayo!'' sipat niya.

Nanungot ang noo ko. Tinatawag niya akong bobo mas mataas naman ang grado ko sa kanya? Siya pa ang panganay sa'min sa lagay na yan!

''Uy, ang cute niya pala! Hala, Jakob diba sila yung palaging usapan ng mga matanda sa'inyo?''

''Oo! Iyong babaeng apo daw ni Attorney Vincente. Kapag umuwi ay huwag na huwag kaming lalapit.''

''Bakit naman? Mukha namang mabait.'' ani Erik.

Sinilip ko din ang sinisilip nila sa loob ng gate ng mga Sarmiento. Isang bata na may mahaba at itim na itim na buhok ang bumaba sa sasakyan dumaan kanina. Morena ang balat at matalas ang mga tingin. Kahit bata pa, mukhang mataray na. Saang parte ang mabait diyan?

''Ano ngang palangan?''

''Bernice, Vernise, Venice-'' si Jakob, mukhang hindi sigurado sa sinasabi. ''Basta katunog ng very nice. Hindi ko maalala.''

Really? I can't believe my cousins could not remember the name properly. Ngayon man ang unang kita namin sa babaeng Sarmiento, pero ilang beses na rin namang nabanggit ang pangalan niya ng aming mga kapamilya, ah?

''Vernaise Sven Sarmiento.'' I said. That's her full name. I remember it clearly. ''Ver-nays Se-ven.'' I added, both informing and correcting them.

Sabay-sabay silang lumingon sa sa gawi ko. Tinaasan ko lamang sila ng kilay. Jakob snorted at me. Pagkatapos ay muli nilang ibinalik ang tingin sa loob ng gate.

''She looks like Solenn.'' Rhys murmured silently.

''Anong kamukha ni Solenn? Mas papasa pang kapatid ni Javier 'yan!''

My eyes squinted to take another look at the young girl. Mas papasa bilang kapatid ko? What is he even talking about? She looks nothing like me!

Agad na muling nagtago ang mga kasama ko nang lumingon dito sa amin ang batang babae. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko, lalo na nang magtama ang mga mata namin, na dahilan kung bakit mas tumalas ang kanyang tingin.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. She doesn't even look scary, but I feel my heartbeat racing. Is this a feeling of being caught?

''Hoy! Mga bata! Anong ginagawa niyo dyan, ha?!'' Isang guard ang sumaway sa'min.

''Takbo na!''

Rhys, Jakob, and Erik who hid somewhere near the bushes, ran for their lives like mad men. While I, I took one last glance inside the gate before I walked away like nothing happened.

DATE THY ENEMY | ES:1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon