◆AHDI 01◆

1K 31 3
                                    

◈DEDICATED TO meownview

CHAPTER 01
A simple and happy family


"Mmm," ungol ko ng naalimpungatan ako sa sinag ng araw na dumadapo sa mukha ko, arghhh anong oras na ba?

Tiningnan ko ang katabi ko na sobrang higpit na nakayakap sa akin, ang pogi talaga ng asawa ko. Kahit ganito na kami, walang kupas pa rin ang kakisigan at karisma niya.

"Aga-aga mahal, in love ka na naman sa akin," biglang salita niya, ayttt gising na pala. Sino ba kasing di mananatiling ganiyan kung wala siyang ibang trabaho kung hindi ang alagaan ang nag-iisang anak namin na lalaki at ang mga gawain sa bahay.

"Pinagsasabi mo, nakakasawa na nga 'yang mukha mo eh," inis ko sa kaniya sabay kurot ng ilong niyang sobrang tangos, I really love this man so much mula noon, ngayon at sa walang hanggan.

"Talaga lang ahh," ayan mainis ka ammp, kumunot ang noo nito at tuluyang binuksan ang mga mata niya na kulay kayumanggi.

"Kanina ka pala gising, di mo man lang ako ginising," reklamo ko sa kaniya at hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap sa akin, aytt ang asawa ko talaga nanlalambing na naman.

"Wala lang, gusto ko kasing huwag ka munang pumasok ngayon, puwede ba mahal?" Asuss nagpapakyut na naman ang asawa ko, paano ako hindi papasok, ehh di magugutom kaming tatlo.

"Alam mo naman na hindi puwede diba, kung hindi ako papasok ngayon, sayang din ang kita," pagpapaintindi ko sa kaniya habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Pasensiya ka na mahal ahh, ako itong lalaki na dapat kumakayod para sa atin pero ikaw ang gumagawa ng paraan, hayaan mo babawi ako kapag matatanggap na ako sa trabaho," malungkot niyang sabi. Naghihintay kasi siya sa tawag ng kanilang agency kung kailan ulit sila maglalayag sa karagatan, siya ay isang Seaman. Ang problema lang, magtatatlong taon na rin na hindi pa siya tinatawagan, hindi rin siya makahanap ng ibang trabaho dahil wala namang alam na iba, ayaw niya lang talaga magtrabaho sa mga konting-konti lang, kasi sabi niya may pinag-aralan siya at nakapagtapos, bakit niya i-level ang kaniyang sarili sa ganiyang mga trabaho? Kung gayong may trabahong nakalaan sa kaniya. Lakas makaprinsipyo ang taong ito, wala akong ibang magawa kung hindi ang hayaan na lang siya kaysa pilitin ko pa.

"Nahh okay lang mahal, kaya ko pa naman," nakangiti kong sagot sa kaniya. Kailangan kong gumawa ng paraan para sa anak at pamilya ko.

"Tiis-tiis muna tayo sa ngayon, aangat din tayo," dagdag kong sabi at hinalikan siya sa noo.

"Ayan ang ganda talaga ng asawa ko," biglang sabi niya habang hinawakan ako sa pisngi, lakas maka-bola lang.

"Huwag ka nga diyan, para kang timang," sabi ko na lang sa kaniya at hinawi ang kamay niya. Kainis lang, namumula na naman si pisngi.

"Asuss totoo naman ahh, pahalik nga," sabi ko na nga ba eh may kailangan lang.

*Tsup*

Hinalikan niya ako sa labi ng isang matunog na halik ohwsss.

"Ayan sige na, bumangon na tayo," sabi ko sa kaniya at inalis ang pagkakayakap niya sa akin ng mahigpit at hinila ang kamay niya para tumayo na.

By the way, I am Jhainnah Delgado, asawa ni Aldrene Delgado, kami ay may anak na isang lalaki na si Yruss Delgado. I'm 24 years old, my husband is 26 and Yruss is 4 years old. Start na rin ang klase niya as a preschool pa lamang. Ihahatid sundo siya ng kaniyang papa gamit ang aming motor.

Ang trabaho ko ngayon ay isang all around helper sa isang sikat na restaurant dito sa amin. Minsan dish washer, cooker, server and waitress. No'ng una kong apply bilang cashier kaso mas medyo malaki-laki ang makukuha mo kapag all around ka plus points din pag may nag-tip sa iyo.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now