◆AHDI 11◆

315 22 0
                                    

DEDICATED TO _bookreaper

CHAPTER 11◆
You're turning me on

|Third Person POV|


"Kuya tulungan mo naman kaming magkabalikan ni Thana," pagsusumamo ng asawa ni Thana sa kapatid nitong si Gob. Thaño. Napahawak na lamang ang gobernador sa kaniyang ulo.

"Naku Lucien alam mong matagal ko ng gustong mangyari 'yan, ilang beses ko ng sinasabihan si Thana pero ewan ko na sa batang 'yon," tugon na lamang nito. Napangiti na lang ng hilaw si Lucien, mababasa mo talaga sa expression ng laniyang mukha kung gaano ito ka desidido na magiging okay sila ni Thana at magsimula muli.

"Hayyyss ewan ko ba kuya, minsan napapaisip ko na lang na naghihintay na lang si Thana na bumitaw ako," isang malalim na hininga ang pinakawalan niya sabay inom ng beer. Nasa opisina ito ng gobernador. Matalik at sobrang malapit nila sa isa't-isa, inisip na nila na totoong magkakapatid sila. Kaya napakasakit at hirap din matanggap ng nakakatandang kapatid ni Thana kung maghihiwalay sila ni Lucien.

"Ewan ko ba do'n, ano pa ba ang gusto niya. Pogi ka naman, successful, at maraming pera. Ewan ko ba sa kaniya, minsan di ko naiintindihan ang takbo ng kaniyang isip," sagot ni Gov. Thaño.

"Alam mo naman kuya kung gaano ko kamahal ang kapatid mo diba, hindi ko talaga alam ang gagawin kung mawala siya," nakayukong sabi ni Lucien na mababakas talaga sa tono nito kung gaano ito nasaktan.

"Hayaan mo Lucien hangga't kaya ko gagawin ko, huwag kang mag-alala sa'yo lang ako boto para sa kapatid ko," pagpapagaan ni Gov. Thaño kay Lucien sabay tapik sa braso nito.

"Araw-araw kong dinadasal na sana bumalik na sa dati ang asawa ko, ang asawa ko na kilala ko noon," dagdag pang sabi ni Lucien at walang pigil-pigil sa pagtungga ng bote ng beer. Tiningnan lamang siya ni Gov. Thaño na nalulungkot na may halong awa sa pagkat alam na alam niya na si Thana ay may iba ng minamahal.

|Aldrene POV|

"Hello Mareng Thana?" Tawag ko sa kabilang linya ng tinawagan ko ito. Gusto ko lang humingi ng tawad sa ginawa ni Jhainnah sa kaniya. Hanggang ngayon wala kaming masyadong magandang pakikitungo.

[Uyy Pareng Aldrene napatawag ka?]

Rinig ko sa kabilang linya. Napahinga ako ng malalim ng walang bahid na galit ang tono ng kaniyang pananalita.

"Gusto ko lang sana humingi ng tawad sa ginawa ni Jhainnah kahapon," sabi ko agad sa kaniya. Pinagbabawalan kami ni Thana na makikipagkita sa kaniya, isang lapit pa hihiwalayan niya na ako. Mahal na mahal ko si Jhainnah, sadyang magkakaibigan lang talaga kami ni Mareng Thana. Binibigyan niya lang kasi ng ibang kahulugan ang kabutihan na pinapakita niya sa amin.

[Ayy naku okay lang 'yon Pare,]

Sigurado akong nakangiti ito habang sumasagot dahilan para mapangiti ako. Buti pa siya mabilis kausap.

"At isa pa, huwag ka munang magpapakita sa amin Mare dahil galit na galit pa si Jhainnah," sabi ko sa kaniya. Ikailang ulit na akong sinabihan ng asawa ko na lumayo na ako sa kaniya, talagang ginawa ko. Nagtaka nga ako kahapon biglang tinawag kami ni Kapitan at pinapunta do'n sa plaza at lalo akong nagulat na nangdo'n na si Thana.

[Ayy gano'n ba, sayang naman di ko nabigay kay Yruss ang gift ko sa kaniya kahapon,]

Sagot nito sa kabilang linya. Tiningnan ko si Yruss na naglalaro ng laruan na binigay ni Jhainnah sa kaniya.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now