◆AHDI 19◆

302 20 0
                                    

DEDICATED TO VetBert23

◆CHAPTER 19
New Friend, New Home

|Jhainnah POV|


"Saan ba tayo pupunta?" Ikailang ulit niyang tanong na ikinakunot ng noo ko, ayaw na ayaw ko sa maiingay.

"At bakit ba sunod ka ng sunod sa akin?" Inis kong harap sa kaniya kaya napahinto ito sa paglalakad.

Sasama sa'yo hehehe," patay malisya niyang sagot dahilan para mas kumunot ang noo ko. Is she crazy? Nakalabas na nga kami, sunod pa ito ng sunod, baka madamay pa siya sa iysu ko.

"Di mo naiintindihan, hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa iyo, once na sumama ka sa akin," matiim kong sabi sa kaniya. Ayaw kong may madamay pang ibang tao.

"Then okay, I'm ready for it. Hayaan mo na lang ako," nakangiting sabi niya that made me rolled my eyes, ehh di bahala siya.

"Who knows, I can help you diba?" Dagdag niya pang sabi, hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Huminto muna ako sa gilid malaking building ng hospital kung saan naka-confine ang asawa ko. Nakalabas na kaya siya? May bantay na security guard sa main entrance kung kaya't hindi tayo secure diyan. Siguradong puputok na sa kahit anong media platforms ang gulong ginawa naman namin sa kulungan.

I took the hood of my jacket and wore it. Buti na lang nakakuha kami kanina ng damit sa sinampay sa dinaanan namin. Kung sino man ang may-ari nito, pasensiya na lang po.

"Hello po, puwede bang makitawag?" Lapit ko sa isang Ale na may hawak na selpon na keypad lang. Tiningnan niya ako ng maigi, mula ulo hanggang paa.

"Hindi ka ba magnanakaw?" Malditang sabi nito at saka tiningnan ako ng maigi. Magnanakaw talaga ehh, may magnanakaw ba na nag 'Po" aytt!

"Naku po Ale hindi po, makitawag lang sana ako sa asawa kong nasa loob. Hindi na kasi kami makapasok sa loob dahil sa limitado lamang ang makakabisita sa bawat pasyente," mahabang sabi ko sa kaniya, which is totoo naman may limit lang kung ilan lamang ang makakadalaw.

"Mukhang mabait ka naman, ito sige tawagan mo na," ayan buti naman napapayag din. Agad kong kinuha sa kaniya ang selpon niya at pinindot ang mga numero ni Aldrene.

Kinakabahan ako na, na sobrang excited, tagal ko na ring di naririnig at nakikita ang anak ko. Sana gising na ang asawa ko, sana ngaaaaaaaa!

[Hello?]

Nagulat ako ng narinig ko mula sa kabilang linya ang boses niya, miss na miss ko na ang anak ko. Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat at saya na nararamdaman ko. Napatingala na lang ako habang ngumingiti habang nanginginig ang buong katawan ko, di ko napigilan ang mga luha kong rumagasa, aishhhh miss him badly.

[Hello? Why are you not talking?]

Napabalik ako sa reyalidad at pinahiran ang mga luha ko.

"H-hello, nandiyan ba si Aldrene?" Kagat labi kong sabi. Hindi niya puwedeng malaman na ako ito, for sure magwawala 'yon. Medyo iniba ko ang timbre ng boses ko para hindi niya mahalata.

"Yruss sino 'yan?"

"Dunno lola, she's finding papa,"

"Ako na nga diyan,"

[Hello? Sino po sila?]

Narinig ko ang boses ng mama ni Aldrene.

"M-ma," mahina kong sabi, naramdaman kong nabigla ito. Hindi niya siguro inakalang kokontak ako.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant