◆AHDI 08◆

276 26 2
                                    

DEDICATED TO Mindspark15

◆CHAPTER 08
Can I have a baby sister?

|Jhainnah POV|

"Mahal pansinin mo na ako," ikailang ulit na niyang sabi sa akin pero nanatili pa rin akong tahimik. Mas lalo tuloy nadadagdagan ang pagkakainis ko sa kaniya sa nalaman kong may ipinadala na naman ng pagkain ang babae na iyon dito sa bahay sa mag-ama ko. Ano ba'ng gusto ng babae na 'yon? Masyado na yatang pumapapel sa buhay nang may buhay. May balak pa yatang manira ng pamilya. Balak yatang palitan ang puwesto ko.

"Sige na pansinin mo na ako mahal," sabi niya ulit habang pilit na niyayakap ako mula sa likuran ko. Nakahiga na kasi kami sa kama ngayon na sana ay magpapahinga na. Pinatulog ko na rin ang anak ko.

"Sige na ayaw kong ganito na lang tayo, ano pa ba'ng gusto mong gawin ko para matapos na ito," malungkot niyang sabi na mababakas mo talaga sa kaniyang pananalita na gustong-gusto niya ng magkaayos kami. Ewan ko talaga sa'yo Aldrene.

"Gusto kong lumayo kayo sa babae na 'yon," seryoso kong sagot sa kaniya. Natigilan at nanahimik siya sa sinabi ko. Aba't tutol pa nga yata sa gusto ko.

"Mahal naman napakamabuting tao 'yon at saka nakapabait kay Baby Yruss," sabi niya para umarko ang labi ko. Hindi na kailangan pang pahabain ang usapan na ito. Alam na alam na kung ano at saan ang panig niya.

"Puwes kung gusto mong magkadikit pa kayo ng magkadikit ehhh di gooo, basta 'yong anak ko huwag na huwag mong idamay," inis kong sagot sa kaniya. Ang kapal ng mukha, may guts pa talaga siyang ipaglaban ang babae na 'yon pshh!

"Mahal naman bigyan mo ng pagkakataon si Mareng Thana, I'm really sure na magkasundo kayo. Halos magkapareho lang kayo ng ugali kaya alam na alam kong magiging magkaibigan din kayo," sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko. Bakit parang pinu-push niya pang maging close kami ng babae na 'yon, na para bang pinapahiwatig niyang dapat magiging magkaibigan kami at halose magkapareho kami ng ugali? Woahh kabisadong-kabisado na ah.

"DON'T YOU DARE EVER COMPARE ME TO HER ALDRENE DAHIL SOBRANG LAYO NAMIN. NEVER EVER IN MY LIFE NA NANG-INSULTO AKO NG KAPWA KO NG GANO'N LANG KADALI. ANG TABAL NG KANIYANG DILA KAILANGANG PUTULIN!" Galit kong sabi sa kaniya dahilan manahimik ito at may bahid na gulat. Huwag na huwag niyong sinasagad ang pasensya ko.

"Mah---

"Tama na Aldrene alam ko na ang gusto mong iparating. Kunin mo ang kumot at unan mo doon ka sa sala matutulog tapos doon mo isipin ng sagad ang babae mo, shoo alisss!!!" Utos ko sa kaniya at tinapon sa mukha niya ang unan at kumot. Nakakainis sobra. Sinubukan niyang magpalusot at kumbinsihin ako ngunit hindi ako nagpadala bagkus pinapasadahan ko siya ng matatalim na paningin. Wala siyang magawa kaya sinunod niya na lang ang kagustuhan ko.

"Hayyyysss!" Malalim kong hininga. Buhay nga naman, sa trabaho sakit sa ulo, pagdating sa bahay sasalubong sayo sakit din sa ulo tapos ang asawa mo pa na ewan. Kapagod na grabeeee. Imbes oras na ng pagpapahinga ngunit sa kalagayan kong ito di ko na alam hayyss.

Sinandal ko na lang ang ulo ko sa headboard ng kama at saka nagmuni-muni. Sa daming pagsubok na dumaan sa buhay namin ngayon pa ba ako susuko, kahit pagod at nauumay na laban pa rin para sa anak ko. Hindi madaling sumuko ang isang JHAINNAH!!!

|Aldrene POV|


Ilang araw na ang dumaan mula ng magkaayos kami ng asawa ko. Ginawa ko talaga ang lahat at pinagsabihin si Mareng Thana na dumistansiya muna siya sa amin. Ayaw kong masira ang pamilya namin. Nakaintindi naman siya kaya't mula no'ng araw na 'yon hindi ko na siya nakikita.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now