◆AHDI 05◆

355 24 0
                                    

◆CHAPTER 05◆
Happy Family

|Aldrene POV|

"Sige na anak, pumasok ka na. Makinig ng maayos sa teacher ahh," bilin ko sa anak ko at hinalikan siya sa noo. Tumango naman ito at pumasok na sa classroom niya. Tumayo na ako at pumunta sa area kung saan doon lang ang mga magulang na maghihintay sa mga anak nila.

Kinuha ko ang cellphone ko at saka umupo sa bakanteng upuan. Hayyysss ganito ka na lang ba lagi Aldrene, tagahatid sa anak mo tapos ang asawa mo nahihirapan na sa kakatrabaho para sa inyo. Kahit gustuhin ko hindi naman puwede.

Simula ng umuwi ako galing kina Pareng Orje, hindi pa kami nakakapag-usap ni Jhainnah ng maayos. Nag-uusap lang kami ng casual. Hayyss bakit ba kasi biglang gumanito, bigla na lang naging ganito. Kailan pa kaya ulit ako matawagan nito.

"Pareng Aldrene ikaw ba 'yan?" Napatingala ako ng tinawag ang pangalan ko.

"Uyy ikaw pala Mareng Thana," napatayo ako at nagulat ng makita siya dito. Mabuti pa 'to si Mareng Thana kahit di magtrabaho, marami ng pera.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" Tanong niya ng makalapit sa akin at umupo sa tabi kaya umupo na lang din ako.

"Hinatid ko ang anak ko," sagot ko sa kaniya at tumingin sa silid aralan ni Yruss.

"Ohh may anak ka na pala? Hindi halata ahh," pagtataka niya. Lakas pa mambola, dami naman talaga nagsasabi sa akin na para pa raw akong binata pshh may pamilya na ako.

"Oo ehh, ikaw bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya pabalik. Ngumiti naman ito ng nakakaloka. Hindi naman talaga maipagkaila na maganda rin itong si Mare.

"Naghihintay sa meeting namin, isa ako sa mga boards ng school na ito," nakangiting sagot niya para mamangha ako. Weww yayamanin pala talaga ito.

"Wew ang big time mo naman pala," sabi ko na lang sa kaniya. Hinampas niya ako ng mahina sa balikat at napatawa.

"Hindi naman, sakto lang, ikaw talaga," sagot niya. Iba talaga magagawa ng yaman palagi ka lang masaya. Hindi naman talaga kami babang-baba, ngayon lang kami nagkaganito dahil nawalan na ako ng trabaho.

"Hindi, nagsasabi lang ng totoo," sagot ko at ngumiti. Masaya rin pala kausap ito, may mabuting loob din pala itong kinukubli sa loob. Mali lang talaga ang pagkakatagpo no'n.

"Sige pare punta muna ako do'n, magsisimula na yata kami. See you around!" Paalam niya at tinapik na naman ang braso ko bago umalis. Ngumiti na lang ako bilang tugon sa kaniya at saka tinuon ulit ang paningin sa selpon ko. Binuksan ko ito at napapangiti ako ng bumungad sa screen ang family picture namin. Nakakarga si Yruss sa akin at niyakap naman kami ni Jhainnah. Ito 'yong time na first birthday ng anak namin. Parang kailan lang, ngayon malaki na, nag-aaral na. Time flew so fast.


|Jhainnah POV|

"Bakit ba kasi nawala ka kahapon bigla-bigla friend?" Kalabit na naman sa akin ni Fremie. Kinukulit kasi nila ako na baka kakilala ko 'yong customer kahapon at isa pa itong Lucia na ito na ang sama ng tingin sa akin pfft!

"May emergency lang na nangyari sa school ng anak ko," pagsisinungaling ko sa kaniya. Kung ano man ang nangyari kahapon, kahapon lang 'yon. Nakasara na ang pahinang iyon.

"Ahhhh pero bakit n-----

"Wala ng masyadong tanong friend," putol ko sa sasabihin niya. Ayaw kong may nakikialam sa mga ginagawa ko. I'm not being nega here, yeah we're friends pero ayaw ko lang na may nakikialam sa mga kilos ko.

"Ahh okay friend sorry hihihi," sagot niya at agad na umalis ng nakuha niya na ang bill sa customer niya.

Buti nga nakalusot ako kaninang umaga kasi wala si Madam Kurang, tanging si Lucia lang ang iniwanan and alam niyo na bida-bida na naman ang role niya ngayon.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن