◆AHDI 16◆

304 21 0
                                    

DEDICATED TO ShylessPen

◆CHAPTER 16
Life Imprisonment


|Jhainnah POV|

"SIRRRR WALA PO AKONG PINATAYYYYY! PAKAWALAN NIYO AKO DITO!!!!" Sigaw ko habang kinakalampag ang bakal na rehas, mapapamura ka na lang talaga sa galit. Tan*na paano ko napatay ang babaeng iyon, nadadapa pa nga 'yon sa kakatakbo niya paalis. Langya talaga arggghhhhh!!!

"SIRRRRRRR PAKAWALAN NIYO NA AKO DITO PLEASEEEEE!!!" Iyak kong sigaw habang kinakalampag pa rin ang rehas, kainis sobraaaa!!!

"Tumahimik ka nga diyan, maghintay ka na lang bukas sa hearing mo kung totoo ngang wala kang kasalanan," tanging sagot ng babaeng police ackkkkk!

Napapaupo na lang ako sa sahig at napasandal sa rehas, Dios ko, ano bang nangyayari, halos kapalpakan at problema na lang. Alam Niyo po na wala akong ginawa sa babaeng 'yon, oo gusto ko siyang patayin patayin sa galit pero tang*na lang buhay na buhay pa 'yon!

"ARGHHHHHH!!!" Sigaw ko ng maalala ko ang anak ko at ang asawa ko, lalo na ang kalagayan ni Aldrene. SH*T! Hindi man lang nila ako binigyan ng pagkakataon na makapagsalita, kinulong agad. How sure they are na AKO ANG PUMATAY SA BABAENG IYON HA?

Napatayo ulit ako ng lumapit may lumapit na police officer sa rehas at binuksan niya ito,

"Nandito ang attorney mo," sambit niya at giniya ako papapabas sa kulungan. Thanks God, may posibilidad pa na makawala ako rito, sana, sana nga. Malaki ang tiwala ko dahil wala akong ginawang masama, wala akong kinalaman sa nangyayari kay Thana.

"Hello Jhainnah Delgado, I am Attorney Mezerie Clarez your attorney I will help you with your case," pakilala agad ng isang babaeng pormal na pormal sa akin pagkadating ko sa visitors area.

Umupo na agad ako sa harap niyang upuan at doon nagsimula na niya akong tanungin, imbestigahan.

"Your case is murder, at isa pa ang kakong pinatay mo ay hindi normal lang na tao, kung hindi kapatid ni Gobernador Thaño, alam naman siguro nating lahat kung gaano ka makapangyarihan ang Gobernador," sabi niya sa akin at akoy nakikinig lang. Walang ibang pumasok sa isip ko kung hindi, wala akong kasalanan, wala akong ginawang krimen.

"Pero Attorney believe me or not, malinis ang konsensiya ko, wala akong pinatay lalo na ang babae na 'yon!" Inis kong sabi sa kaniya, totoo naman ahh, sinaktan ko lang siya pero hindi ko siya pinatay.

"Hindi basta-basta lang ang kaso Jhainnah, walang basta-bastang maniniwala sa'yo dahil lang sa sinabi mong hindi mo siya pinatay, kailangan mo ng ebedensiya, kailangan mo ng witness na hindi nga ikaw 'yon," mahabang sabi niya na pilit kong pinapasok sa utak ko. F*ck bakit ba kasi nasangkot sa ganitong probelma argghhhhhh!

"Kung maaari bang manalo sila, may piyansa ba ito?" Tanong ko na lang sa kaniya kung sakaling madehado ako, wala na akong ibang choice.

"According to them, sa taong nagsampa sa'yo ng kaso, wala, walang piyansa ito kung hindi panghabang buhay na pagkakabilanggo," mahinhin niyang sabi para manigas ako sa kinauupuan ko. WHAT? LIFE IMPRISONMENT????

"WOAHH LIFE IMPRISONMENT? NAKU ATTORNEY KAILANGAN MONG IPANALO ANG KASO KONG ITO, HINDI AKO MAKUKULONG NG GANITO LANG, ANG ASAWA KO ATTORNEY NASA HOSPITAL HINDI PA GUMIGISING TAPOS ANG ANAK KO HI-----

"Shhhh calm down ma'am, I will do my best para ipanalo ito unless kung may ebedensiya at witness silang magtuturo talaga sa'yo na ikaw ang may sala," pampakalma niya sa'kin pero maraming tumatakbo sa isipan ko, hindi basta-basta ang kalaban namin, I'm sure gagamitin nila ang kanilang kapangyarihan at kayamanan.

"Nakausap ko na kahapon ang mama raw ng asawa mo at kapatid niya, sila ang kumuha sa'kin para pagtuonan ng pansin ang kaso mo, may iilang tao na rin akong nakausap sa lugar niyo tungkol sa nangyari. At sabi nila, tetestigo raw sila laban sa kanila, magsasalita sila kung ano ang nalalaman nila. Kaya wag kang mawalan ng pag-asa, maraming nagmamalasakit sa'yo," sabi niya sa akin para kumalma ako ng konti, miss na miss ko na ang anak ko, Baby Yruss miss ka na ni mama, first time kong mawalay sa anak ko kagabi.

"Pero sa tingin mo Attorney, malaki ba ang tyansa na mananalo tayo?" Tanong ko sa kaniya para kahit papaano ay mabawasan ang bigat ng pakiramdam.

"Hindi ko masasabi Jhainnah, pero siguraduhin kong gagawin ko ang sa court of hearing, tiwala lang Jhainnah," sagot niya dahilan para sumikip pa rin ang dibdib ko. Alam ko, alam kong hindi ito madaling iresolba pero sana, Dios ko huwag niyo po akong pabayaan.

"Sige po Attorney, salamat nga po sa pakikipag-kooperasyon sa kaso ko," sabi ko sa kaniya and we shook our hands.

"Walang anuman Jhainnah, trabaho namin ito, aalis na rin aakasuhin ko na rin ito, tiwala lang Jhainnah," nakangiti niyang sabi sa'kin. Ngumiti na rin ako pabalik sa kaniya at tinanaw ko siyang lumalayo na.

Tumalikod na ako ng dahan-dahan ng makuha ko kung ano ang pinapahawatig ng police na babalik na ako sa selda.

Nakayuko akong sumunod sa kaniya, never in my life na makakatulog at makakapasok ako sa ganitong lugar.

"Maaaaaa!!!!" Kusang tumulo ang mga luha ko at napalingon agad sa boses na tumawag sa akin, di ko napigilang tumakbong sumalubong sa anak ko na tumakbo rin papalapit sa akin.

"Anak kooo!" Sambit ko at niyakap siya ng sobrang higpit, isang yakap na nagsasaad kung gaano ko siya ka-miss. Kinarga ko siya at doon naramdaman ko ang paghikbi ni Baby Yruss na dumurog at nagpapasikip ng husto sa dibdib ko. Ayaw na ayaw kong umiiyak ang anak ko.

"Maaa I r-really m-miss youuu," nahihirapang salita niya dahil sa pag-iyak niya. At sa ikalawang pagkakataon, nasaktan na naman ako ng sobra.

"Na-miss ka rin ni mama anak," sagot ko sa kaniya at pinaghahalikan ang ulo niya. God I really miss my baby!

Tiningnan ko ang kasama ni Yruss at tinanguan nila ako. Hinanap ng mata ko ang asawa ko, ngunit wala siya. Nasaan ang asawa ko? Huwag niyong sabihing di pa rin ito gumigising hayyss!

Umupo kami kung saan kami nakaupo ni Attorney kanina, may dala silang mga pagkain, napapangiti na lang ako na nanunubig ang mga mata.

"Salamat ma sa pagdala ni Yruss dito, God knows how much I miss him, kung gaano ko siya kagustong yakapin," sabi ko sa kanila at mas hinigpitan pa ang pagyakap sa anak ko. Nakakandog ito sa'kin at hindi pa rin ito bumibitaw sa yakap.

"Ang kulit din kasi niyan, gusto ka na niyang puntahan agad," sagot ng mama ni Aldrene at pinaghanda ang mga dala nila sa lamesa. Speaking of Aldrene, where is he?

"Ma, si Aldrene?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti lang ito ng mapait at di tumingin sa mata ko.

"Hindi pa rin siya gumigising, pero sabi ng Doctor huwa'g mag-alala gigising din siya, maghintay lang tayo," sagot niya para lalong manikip ang dibdib ko, hayysss gusto kong makita siya pero paano? Paanooo?

"Kung puwede ko lang sanang puntahan siya ngayon ay ginawa ko na, ma, ya pasensya na kung nadamay pa kayo sa nangyayari ngayon," nakayukong sambit ko. Mabuti na lang talaga at narito sila.

"Ano ka ba Jhainnah, wag munang isipin 'yan, pababayaan ba namin kayo ehh magkapamilya tayo," sabi ng mama ni Aldrene na napaka-sincere. Di talaga kami masyadong close, nag-uusap lang kami ng casual kasi nga busy rin ako sa work, now I know kung gaano ito kabait at supportive.

"Kaya nga, 'wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano diyan, ang importante sa ngayon ay ang makalabas dito at mapatunayan na sa korte na wala kang kasalanan," sabi naman ni Kuya Adrian, hayyysss sana nga, dahil isang gabi pa lang ako rito pero iritang-irita na akong makalabas dito.

Si Yrusss tahimik lang ito at nagsimulang kumain, kumain na rin sila at kumain na rin ako. Wala na akong pakialam kung ano ang iisipin ng mga nasa paligid ko ngayon, nasa anak at sa kanila ang atensyon ko.

"Naniniwala kami sa'yo Jhainnah, paano mo nagawang gawin 'yong krimen kung nasa hospital ka, 'wag ka mag-alala maraming naniniwala sa'yo, malaki ang tiyansa nating makalabas ka rito," napangiti ako sa sinabi ni Kuya Adrian, dahil sa sinabi niya lumakas lalo ang loob ko. Bakit ba ako matatakot kung wala naman talaga akong ginawang mali, alam ko sa sarili ko, ng pamilya ko at lalong-lalo na ang Panginoon, alam niyang hindi ako ang gumawa sa babaeng 'yon, hindi ko siya napatay.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now