◆AHDI 03◆

387 27 3
                                    

DEDICATED TO TintaNgImahinasyon

◆CHAPTER 03
Thana Zamora

|Aldrene POV|

"Ohh pasaan ka?" Narinig kong tanong ng asawa ko kaya lumingon ako. Nakita ko siya na nakasuot na ng pantulog niyang damit.

"Pupunta lang muna ako kina Pareng Orje, birthday kasi ng anak niya ngayon ehh," sagot ko sa kaniya. Tinaasan niya lang ako ng kilay habang papalapit ito sa'kin. Naku lagot!

"Tapos?  Wala kang balak na magpaalam sa akin gano'n?" Segunda niya, naku 'yang asawa mo Aldrene dapat maging malambing boses mo para maawa.

"Hindi naman mahal, hinanap nga kita eh, akala ko nasa kusina ka," weww galing, sana makalusot ammmp!

"Talaga ba Aldrene?  Bakit hindi makatingin ng tuwid 'yang mga mata mo, huwag ako," inis niyang sabi. Patay na talaga, iba talaga 'tong asawa ko, hirap malinlang. Pero totoo, di pa naman talaga ako aalis, hinahanap ko pa siya ehh.

"Sorry mahal, payagan mo na ako pleaseee, promise uuwi ako ng maaga," lapit ko sa kaniya sabay yakap sa kaniya ng mahigpit habang gamit ang malalambing kong boses.

"Paano kapag ayaw ko?" Mataray niyang sagot para mas nilambingan ko pa sobra. I kissed her on her shoulder up to her neck gently.

"Sige na mahal, minsan lang ako makakalabas ng gabi ehh," pagsusumamo ko sa kaniya. Hindi rin puwede na di ako makapunta dahil may usapan na kami ng mga pare ko.

"Oo na, basta uuwi ng maaga," sambit niya para lumiwanag ang nararamdaman ko at nahalikan siya sa labi ng sobra dahil sa tuwa. Thank you!

"Oo naman mahal, thank you uuwi ako agad," masaya kong sabi sa kaniya habang niyakap siya ng sobrang higpit at niyakap niya rin ako pabalik.

"Basta mag-ingat ka mahal, huwag masyadong magpagabi ahh," sabi niya sa mahinahong boses. Kahit kailan sobrang maalaga at sweet talaga 'tong asawa ko mula pa noon.

"Oo naman, alis na ako mahal ahh mwuah," sagot ko sa kaniya sabay halik sa noo niya bago ako kumalas sa yakap.

"Sige, send my regards na lang sa kanila ahh," habol niyang at nag-thumb up sign naman ako.

"Sige mahal, alis na ako, babushh!" Tuluyang paalam ko sa kaniya at binuksan na ang pintuan.

Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Alas siyete na ng gabi kaya medyo madilim na, pero walang panama ang dilim sa mga maraming ilaw sa labas.

Inayos ko na ang aking motorsiklo at umalis na agad sa bahay. Sa sariling bahay namin ngayon ay magkalapit lang sa bahay namin noon, kina mama kumbaga. Kaya pag busy kaming dalawa ni Jhainnah, may mapag-iiwanan sa anak namin.

Medyo distansya pa lang naririnig ko na ang ingay at musiko galing sa bahay nina Pareng Orge, debut birthday kasi ng anak niya kaya maraming handaan. Hindi ko na sinama ang asawa ko, alam niyo na magwalwal pa tapos medyo makainom tayo niyan pag-uwi kaya mas mabuting hindi ko na sinama para siguradong ligtas sila.

"Uyy pare, nandito ka na pala, hali ka ipasok mo 'yang motor mo dito," hindi naman agad akong nahirapan na tawagin ang pare ko dahil nasa gate na ito nag-aabang ng mga bisita.

"Sige lang pare," sagot ko lang sa kaniya, di na ako nag-atubiling pumasok na sa loob at ipinarada ang motorsiklo sa gilid.

"Dito tayo pare, kain ka muna," aya niya sa akin at inalalayan ako nito papunta sa hapagkainan. Tapos na pala ang party, kainan na. Talagang nagtaka pa ako ehh anong oras na kaya ngayon ammmp!

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now