◆AHDI 21◆

310 16 0
                                    

DEDICATED TO EcrivainDeReves

◆CHAPTER 21◆
He's dead

|Jhainnah POV|


Naalimpungatan ako ng makaramdam ako ng mainit na dumadampi sa pisngi ko. Dinahan-dahan kong buksan ang mga mata ko pero napapikit ulit ako dahil sa malakas na sinag ng araw. Kinusot-kusot ko muna ang mga mata ko at umusog ng konti.

"Buti naman gising ka na,"

Minulat ko na lang ang aking mga mata, napakunot ako ng aking noo ng hindi pamilyar ang bumungad sa akin. Nasaan ako?  Ano nga ba ang huling nangyari kahapon?

Sinilip ko kung sino ang nagsalita kanina, si Phielly nakaupo sa gilid ng kama.

"Ihing-ihi na ako kanina pa hehehe," napatitig ako sa kaniya ng masama. Ehh ano naman ngayon?

"Ehh ano naman ngayon? Mukha ba akong inidoro?" Pilisopo ko sa kaniya at inayos na ang mukha ko, tinali ko ang buhok ko into ponytail.

"Di kasi, nahihiya akong bumaba ehehehehe," hinhin niyang sabi na makikita talaga na gigil na gigil na siyang umihi.

"Out of service kasing nakalagay diyan sa Cr," dagdag niya pang sabi. Tiningnan ko naman ang paligid namin, halos white ang lahat ng kulay na nandito, hindi naman gano'n kalakihan, 'yong sakto lang.

"Nasaan ba tayo?" Wala sa huwisyo kong tanong sa kaniya, naaalimpungatan pa rin kasi ako. Ano nga bang huling nangyari kahapon?

"Ewan di ko rin alam pero sabi niya kahapon kilala ka niya kaya dinala niya tayo dito, teka wala ka bang naalala kahapong nangyari?  Wait naiihi na talaga akoooo," nangigil na niyang sabi at tumayo na parang bulate na nilagyan ng asin pffttt! Kawawa naman baka sumabog ang kaniyang pantog.

Tumayo na lang ako at naunang lumabas sa pintuan ng kuwarto. Nalula ako sa magandang bumungad sa akin, nagkikintaban sa puti ang mga dingding dito at isang hagdan para makababa kami.

Nag-umpisa na akong maglakad pababa sa hagdan, pangyamanin ang style ng bahay na ito ahh, sa white walls may mga naglalakihang mga painting ang nakasabit.

"GOOD MORNING MA'AM," bungad sa amin ng isang babaeng nakasuot ng maid uniform, 'yung totoo nasaan kami?

"Good Morning din ho, nasaan po ba ang CR niyo dito," magalang kong tanong sa kaniya. Habang itong nasa likuran ko halos takasan na sa kapipigil ng kaniyang ihi.

"Sumunod kayo sa'kin," sumunod naman kami agad, kailangan ko ring maghilamos.

Dumaan pa kami sa kusina at sa dining table na puno ng masasarap na pagkain, wewww! Tumigil siya sa isang pintuan at binuksan ito. Pumasok na agad si Phielly na paika-ika.

"Salamat, pagpasensyahan mo na 'yon, ihing-ihi na talaga 'yon," sambit ko sa kaniya. Ngumiti lang ito at tumalikod na.

Humarap na ako sa malaking salamin at pinagmasdan ang sarili ko, aishh ang gulo ng buhok, mabuti na lang walang laway aytttt.

"Goshhh heaven, nabunutan na ng tinik ang pantog ko," rinig ko sa loob ng cubicle. Mapapa-heaven ka talaga pag nakakaihi ka na.

Naghilamos muna ako ng mukha at nagmumog na rin. Napaaray ako ng nakaramdam ako ng kirot sa aking kamay, may paso ako. Saan galing ito?  Ano nga ba'ng nangyari kahapon? 

Pumikit ako at pilit kinakalikot ang ulo ko kung ano ba ang nangyari kahapon, bakit di ko matatandaan? Aishhhh!

"Ano nga ba ang nangyari kahapon Phielly?  Bakit di ko man lang matandaan?" Tanong ko sa kaniya habang tinitingan ang repleksyon ko sa salamin.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora