◆AHDI 27◆

299 12 0
                                    

DEDICATED TO Moonlighty_Jaaa

◆CHAPTER 27◆
First Play


|Jhainnah Ylshiah POV|


What's with him, di ako makatulog arghhhh hindi ko alam kung bakit parang may mga kahulugan ang mga titig niya sa akin. Mga titig na nakakapagtigil sa kaniya parang si Aldrene lang. Hayyss speaking of him, salamat talaga na hindi na tuluyang alisin at putulin na ang mga makinang nakakabit sa kaniya. Alam kong pagod at sobrang awa na niya para ayaw kong dumating sa point na pagsisihan ko ito, buhay ng asawa ko ang pinag-uusapan, hayyyssss!

"Mmm gising ka pa pala Jhai? Di ka makatulog?" Napatingin ako sa gawi ni Phielly ng nagising ito. Nagkasunduan na rin namin na magtabi baka kasi managinip na naman siya ng masama, baka ano'ng gawin.

"Iniisip mo pa rin 'yong lalaki na awoottts," asar niya sa akin, sinamaan ko lang siya ng tingin, parang tanga naman, bat niya alam, masyado bang halata? Ammmp!

"Hindi naman," tanggi ko kahit na totoo naman. Pero totoo naman din ahh ang daming naglalakbay sa isipan ko hayysss. Still clouded between Aldrene and 'yong tagapagmana ng Vougnnchitruz, tapos dadagdag pa ang lalaki na 'yon hayysss!

"Bilib din ako sa'yo 'no, ang tibay ng loob mo ahhh," wala na kasi akong ibang magagawa kung hindi patibayin na lang ang sarili ko,  wala na akong choice eh.

"Kaya pala, naiintindihan ko na kung bakit ganoon ka na lang umasta nang nakita mo siya," dagdag niyang sabi para mapabuntong hininga ako ng malalim, now she know what I have been through.

"Sa atin-atin lang muna kung ano ang nalalaman mo Phielly, huwag mo munang ipagsabi sa iba," tugon ko sa kaniya habang nakatingin lang sa puting kisame.

"Oo naman 'no," sang-ayon niya agad. Good, ayaw ko silang madamay, marami na nga silang ginagawa, idadagdag ko pa ang akin hayyys.

"Sige na, matulog ka na ulit. Goodnight," sabi ko na lang sa kaniya. Kailangan namin magpaghinga dahil may lalakarin kami bukas. Sabi isa sa mga spy ni Jimuel aka Jack na may nakakuha raw ito ng impormasyon about sa nangyari sa heiress ng Velerio. Tanging ako, si Phielly at tatlong miyembro ng Bloody Cards Gang na sina Jack of course tapos si Diamond and Heart.

"Ikaw rin magpahinga ka na, goodnight.

☆♡☆♡☆♡☆♡


"Handa na ba kayo?" Tanong ni Jimuel o si Jack, nasa loob na kami ng kotse ngayon. Baba kami sa isang eskinita,  nasa squatter area raw ang tauhan ni Jimuel. Naka-natural and simple lang kami ng suot ngayon, sa tootong mundo wala silang kaalam-alam na ang mga ito ay galing sa isang organisasyon, kaya palaging nagsusuot ng maskara tuwing may laban at pupunta sa chamber. Ito ang protection nila laban sa totoong mundo. Pero kami ni Phielly kailangan talaga namin magbalot kahit mainit kasi hello pinaghahanap pa kami ng batas ngayon.

Inayos ko ang suot kong heels, pangdepensa rin ito. I'm just wearing black fitted dress, black glasses and with matching a scarf habang si Phielly naman ay naka-wide pants lang, jacket with hoodie, sneakers and a glass. Ohh diba siguro naman wala ng makakakilala sa amin nito.

"Stick to each other guys, huwag lalayo para pag may gusot, maplantsa agad," paalala ulit ni Jack as our leader ngayon.

"Sige lalabas na ako," siya kasi ang talagang makikipagkita sa sinasabing tauhan niya. Kami ay parang back up lang sa kaniya, tagamasid sa kapaligiran kung okay pa ba.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now