◆AHDI 35◆

314 17 0
                                    

◈DEDICATED TO alorakerensa

◆CHAPTER 35
Happy Moments

|Jhainnah POV|


"Kumusta ang pakiramdam mo," maluha-luha kong tanong sa kaniya habang hinawakan ang kamay niya. Ngumiti naman siya ng pino at rumagasa ang mga luha sa kaniyang mga mata. It's been three days mula nang mangyari 'yon, akala ko talaga end of the world na, pakana lang pala ng Yrex na 'yon.

Nagkausap na rin kami ni Aldrene, oo si Aldrene talaga ang nakita ko noon, ang lalaking nasa likod ng itim na maskara na humingi ng tulong sa akin at ang lalaking nakatalik ko noon sa cubicle.

Sabi niya, after niyang mag-suicide, paggising niya ay nasa ibang lugar na siya, hindi niya alam kung bakit. At doon niya nalaman na may kakambal siya, ipinagpalit sila nito sa hospital bed ng araw na na-admit siya. Hindi naging madali sa kaniya ang lahat ng pagbabago, binalaan siyang papatayin daw nila ang mama niya at ang buong pamilya niya kapag nagmamatigas ito. Ginampanan niya ang mga gawain bilang isang tagapagmana ng first rank mafia organization.

Kaso, maging siya ay pinapaikot-ikot. Ang akala niyang mga magulang niya doon ay mapagpanggap pa lang pala. Ang totoong nagmamay-ari ay nakakulong na pala ito at isa sa mga hostages. Hindi totoong masama ang first rank, sadyang ginamit ng rank 2 ang kanilang simbolo para maghimagsik ng kasamaan.

Nalaman niya rin ang aking pagkakulong, wala siyang magawa kung hindi ang manood lang mula sa malayo. At nalaman niya rin na isa ako sa heiress ng Golden Eagle Organization. Kaya nagtago siya sa itim na maskara para hindi siya ma-locate ng kaniyang mga kasamahan.

Ginamit lang pala ni Gobernador ang kapangyarihan niya para siya ang maghahari. Nagkausap na rin sila ng kakambal niya na nasa bahay, nagkumustahan. Humingi rin ng tawad ang mama ni Aldrene sa paglihim sa kaniya ng tunay niyang pagkatao. Hindi na lang umusisa pa si Aldrene dahil marami na ang nangyari.

Hindi ko lubos masaisip na isa pala sa mga hostages ay ang tunay na magulang ni Aldrene, now everything is okay. Nabawi na nila kung ano ang dapat sa kanila. No more war anymore. Ito ang hinahangad ko ang magiging payapa, ang kayapaan.

"I-I miss youuu," di ko napigilang maiyak at niyakap siya ng sobrang higpit. Siguradong-sigurado ako na ito talaga ang asawa ko. Naramdaman ko ang kaniyang pagyakap sa akin pabalik at ang paghalik sa noo ko.

"Hindi ka ba galit sa'kin?" Tanong niya habang nilalaro ang mga daliri ko. Walang bahid na galit sa loob ko, mas nangingibabaw pa rin ang aking pagmamahal sa kaniya.

"Pareho tayong may sekreto kaya patas lang tayo," sagot ko habang ninamnam ang presensiya niya. Okay na ang lahat, malinaw na ang lahat at tanggap na namin. Kasabay ng pagkawala ni Thana Zamora ay ang paglimot ko sa mga kabalastugang nangyari.

Nagiging malinaw na rin ang aking pangalan sa publiko dahil sa attorney ni Lucien. Nagpapasalamat talaga ako dahil kahit sa huling hininga niya, nagawa pa rin niyang itama ang kaniyang pagkakamali.

"Dapat ikaw pa rin si Aldrene ammp,"

"And ikaw pa rin ang sweet and caring Jhainnah ko,"

"Asusss umagang-umaga, sweet mo," gigil ko habang sumisiksik sa leeg niya. I miss him badly, thank you Lord after all my sacrifices may bunga rin pala. I still have him.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now