◆AHDI 09◆

276 27 0
                                    

DEDICATED TO WinniW4nder

◆CHAPTER 09◆
Baby Yruss Birthday

Few Weeks Lter


|Jhainnah POV|


Grabe ka talaga friend kahit birthday ng anak mo pumasok ka pa rin," sambit ni Fremie sa akin ng nagulat ito kung bakit ako pumasok eh birthday pa naman daw ng anak ko.

"Siyempre kukunin ko suweldo ko 'no, half day lang naman ako ngayon at saka nando'n naman si Aldrene alam niya naman gagawin at isa pa di naman engrande talaga, kaunting salu-salo lang. Daan ka doon mamaya ahh," sagot ko sa kaniya at nag-umpisa na sa aking magiging trabaho.

Ilang linggo na rin ng di na ako kinukulit ni Lucia siguro natakot at nadala na. Buti naman kung gano'n magagawa ko ang trabaho ko ng maayos.

"Ang birthday celebration hindi naman tungkol sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa kung hindi ang pagdiwang ng panibagong taon kasama ang mga mahal mo sa buhay," sabi niya kaya napangiti ako.

"Tama ka diyan friend," sang-ayon ko sa kaniya. Tumawa lang din ito at napapa " ako lang 'to" na kilos.

"Sige na balik na ako do'n baka magalit si Madam," sabi niya kaya tumango lang ako. Mainit pa naman ang tingin sa amin ni Madam.

"Basta daan ka mamaya sa bahay," habol kong sabi sa kaniya. Naglagay na ako ng hair net at apron para magsimula na mag-serve at entertain ng mga customers. Sinigurado ko munang presentable akong tingnan at maayos bago lumabas sa room na kung saan puwede kami magbihis, magpahinga at kung anu-ano pa.

Nakangiti akong papunta sa customer na bagong dating at umupo sa likurang bahagi. Bitbit ko ang menu booklet. Pagkadating ko sa kanila, nakita ko kung gaano kapula at kamaga ang mata ng bata, halatang galing sa pag-iyak.

"AHEM, GOOD MORNING MA'AM," masayang sabi ko sa kanila at saka nilapag ang dala-dala ko. Nginitian ko ang bata ng sagad ng tumingin ito sa akin.

"Pumili ka na ng gusto mong kainin Haslley," sabi ng babae, mag-ina yata sila dahil sa magkalapit lang din ang kanilang mga mukha.

Nakatayo lamang ako sa gilid habang hinihintay ang magiging orders nila.

"Sige na anong gusto mo?" Sabi ulit ng kaniyang mama. Nanatiling tahimik ang bata na parang may dinadala ito ng kalungkutan.

"M-mommy I w-want d-daa-d-dyy pleaseee," nakayukong sagot nito sa ina na di nakatakas ang mga luha. Ohwsss nagiging tsismosa tayo sa lagay natin ammp. Nagkunwari lang ako na wala akong narinig at nilibot na lang ang aking paningin sa iba pa.

"How many times do I need to tell you Haslley, sanayin mo na ang buhay mo na walang daddy," sagot nito kaya nakaramdam ako ng kirot sa loob, ang bata niya para maranasan ito.

"Tanggapin na lang natin Haslley na mas mahal niya ang babae niya," nagulat ako sa sagot ng kaniyang ina. Napatitig ako sa bata na nagsimula itong umiyak.

"Uhmm excuse me, I'll be back," singit ko at saka pumunta sa ibang table na may mga bagong dating din. Ang ibang mesa kasi may mga menu booklet ng nakalagay doon kaya waiting na lang sila kung sino ang kukuha ng mga orders nila.

"May I take your orders sir, ma'am?" Sabi ko sa ikalimang mesa ng makarating ako do'n habang sinisilip ang customer ko kanina, pinapatahan pa rin ito ng kaniyang ina.

"Pakibigyan po kami ng dalawang serve ng Blackened Chicken de Kurang, All-in-one Spaghetti and Grilled Steak and Grabs with fried rice. Apat na halo-halo at apat na blue lemon ice tea," tagasabi niya ay sinusulat ko ito sa pad para ito na ang ibibigay ko doon sa counter.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now