◆AHDI 06◆

309 23 0
                                    

DEDICATED TO FaintheartedReiya

◆CHAPTER 06
Her Life


|Jhainnah POV|

"Saan kayo galing?" Bungad ko sa kanila ni Aldrene kasama ang anak ko. Nakikita ko sa mga mata niyang natataranta ito.

"Mamaaaa!" Sigaw ng anak ko at saka lumapit sa akin at yumakap sa baywang ko. Hinawi ko ang galit kay Aldrene at tinuon na lang ang atensyon sa anak ko.

"Hey baby, how are you?" Masayang sabi ko sa kaniya at kinarga ito papuntang kusina. Anong oras na, alas otso na ng gabi. Hinintay ko silang puntahan ako pero para akong naghintay ng barko sa airport hayyyss.

"I'm good mama at super happy ako," magiliw niyang sabi na madadama mo talaga na sobrang saya nito. Bumuntong ako ng malalim na hininga, at least masaya naman ang anak ko. Siguro matagal silang nakauwi dahil ayaw pa ni Aldrene putulin ang kasiyahan niya.

"Ayiieee buti naman masaya ang baby ni mama, pag masaya si baby masaya na rin si mama," ngiti kong sambit sa kaniya at saka nilapag siya sa upuan sa may mesa.

"I'm sure gutom na gutom na si tummy, anong oras na kaya," masaya kong sabi at saka nag-umpisang maghanda.

"Noooo mama, busog si tummy. Kumain na kami nina Tita Thana at papa," nabura ang ngiti sa mga labi ko at napalingon kay Aldrene na nagtatanong kung sino ang tinutukoy nito. Pumikit ako at kinalma ang sarili ko na sugurin si Aldrene, nandito pa si Yruss.

"Ohhh tapos na pala kayo kumain, sayang naman nagluto pa naman si mama ng paborito mo," patay malisya kong sabi na halos pumiyok na ang boses ko sa inis. Imbes kakalimutan ko na lang ang nangyari tapos biglang may ganito.

"Sorry mama, I'm sleepy na rin," sabi niya habang humihikab at namumungay na ang mga mata. Nilapitan ko na lang siya at hinalikan sa noo.

"Okay baby, let's go upstairs na," sagot ko at saka umakyat sa taas na di tinatapunan ng pansin si Aldrene. Magtuos tayo mamaya lalaki ka.

Pagdating namin sa kuwarto ni Yruss binihisan ko ito agad ng damit niyang pantulog. Buti na lang walang pasok bukas kaya makakapagpahinga.

"Sige na baby sleep ka na, pupunasan ka na lang ni mama," sabi ko sa kaniya habang kinukumutan siya. Pinilit kong maging normal lang sa harapan ng anak ko, pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko ng sumigaw sa galit. Sinong tita ang tinutukoy niya? My curiosity kills me.

"Opo mama," sagot nito. Yumuko ako para mahalikan niya ako sa magkabilaang pisngi bago pinikit ang mga mata. Tinabihan ko na lang ito at saka sinuklay-suklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Goodnight Baby Yruss. Mama loves you so much mwuah," bulong ko rito sabay halik sa noo niya. He will always be my everything. Mawala na ang lahat sa'kin, huwag lang ang aking anak.

Few minutes after kong punasan at masiguradong tulog na siya ay lumabas na ako sa room niya. Bumaba na ako sa hagdanan at nadatnan ko siyang nakaupo sa sofa.

"Mahal sorry kung natagalan kaming umuwi, sorry kung di kita nasundo kanina, mah---

"DI KO KAILANGAN ANG SORRY MO, SINO 'YONG THANA AHH? SINO 'YON?" Galit kong sabi sa kaniya na pilit binabaan ang boses ko baka magising ang anak ko.

"Mahal si Thana 'yong mataray na nakabangga mo, ang bait niya mahal. Sobrang layo no'ng nagkatagpo kayo," sagot niya para mas lalong sumikip ang dibdib ko. Sh*t seeing your husband na halos magpantasya ng babae sa harapan mo is so damn hurt.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now