◆AHDI 14◆

311 21 0
                                    

DEDICATED TO Miss_thunderlight

CHAPTER 14◆
Warrant of Arrest

|Jhainnah POV|


"Mabuti at nadala niyo agad ang pasyente sa hospital," bungad sa amin ng doctor ng makalabas ito. Hayyss thank you Lord hindi mo hinayaang mawala sa amin si Aldrene.

"Sa ngayon, kailangan muna magpahinga ang pasyente, kailangan niya bumawi ng lakas. Hintayin niyo na lamang siya sa designated room niya," dagdag niya pang sabi. Napayakap ako ng sobrang higpit kay Yruss sabay halik sa kaniyang noo habang nanginginig na lumuluha.

"Salamat sa Diyos," salita ng mama ni Aldrene. Nandito kaming lahat, pati mga pamilya niya. Tinatanong nila kung ano ang nanyari, tanging iyak lang at tumahimik ang sagot nilang makukuha sa akin. Hindi ko alam, hindi ko alam kung kasalanan ko ba kung bakit niya nagawa 'yon? Paano na 'yong ginawa niya sa akin arghhhhhh!

"Thank you doc," tanging na sabi ko na lamang sa kaniya at umalis na ito. Itong yakap na yakap ko naman ay kanina pa rin iyak na iyak. Buti na lang talaga dinaanan siya ng kaniyang tito sa school niya.

Di ko talaga alam ang gagawin kung tuluyang nawala si Aldrene, paano na lang kaya? Paano na ang anak ko?

"Shhhhh, tahan na mama, papa will be fine, he's strong kaya," papatahan sa akin ng anak ko dahilan para lalong maiyak. Isang iyak na katumbas ay masaya, salamat Lord dahil di mo kami pinabayaan, lalo na sa kalagayan ni Aldrene.

Mugtong-mugto pa ang mga mata ko dahil sa kakaiyak, para akong nawawala sa sarili ko at nawalan ng lakas lahat ng katawan ko, pero laban pa rin!

Maya-maya pa ay nilipat na si Aldrene sa isang room at doon namin nalapitan at nakita ang kalagayan niya. May benda siya sa leeg siguro dahil sa pasa ng pagkabuhol ng lubid sa leeg niya pero still normal, ang normal ng mukha niya. Para lang itong natutulog ng mahimbing.

"Papaaaaa!" Sigaw ni Yruss at saka lumapit dito at niyakap ang paahan niya. May nakakaabit din sa kaniya ng dextrose at oxygen, hayyysss hihintayin ko paggiising mo mahal.

"Opps be careful apo," paalala ng mama ni Aldrene sa anak ko. Baka masagi nito ang mga nakalagay sa papa niya.

Umupo ako sa gilid ng kama niya at saka tiningnan siya ng maigi habang hinahawakan ang kamay niya. Di ko napigilang manubig ang mga mata ko ng maalala ko naman ang nakita ko na nakabitin siya sa ere.

"M-mahalll, h-hihintayin k-ko ang p-paggising mo. H-hihintayi-in ka namin ng a-anak n- - natin," umiiyak na sab i ko habang nilalagay ang kamay niya sa pisngi kooooo.

Naramdaman ko ang pagyakap ng aking anak at hinalikan ako sa pisngi.

"Shh huwag ka na mag-cry mama. Papa said to me na hindi ko raw papaiyakin ang mama ko shhh," cute niyang sabi dahilan para matawa at natuwa ang pamilya ni Aldrene sa inasal ng anak ko.

"Big boy na talaga ang baby namin," sabi ko habang pinupunasan ang mga luha ko. Hayyss buti na lang talaga nandito ang anak ko, ang aking lakas.

"I love you mama," bulong niya at saka ako niyakap pa ng sobrang higpit. Sweet naman ng anak ko, kaya ikaw diyan mahal gumising ka na para hindi na kami mag-alala pa ng sobra.

"I love you moreeee anak kooo," tugon ko at niyakap rin siya ng sobrang higpit.

Napamulat ako ng mata ng maramdaman kong may mainit sa kaliwang parte ng hita ko at may mabigat na bagay na nakadagan sa akin. Gumalaw ako ng paunti-unti at binuksan ng maigi ang mata ko. Nasinagan pala ng araw ang puwesto ko kanina, nakatulog pala ako sa mini sofa dito sa hospital na nakadagan sa'kin ang paa ng anak ko.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now