◆AHDI 18◆

311 18 0
                                    

◈DEDICATED TO strangerxd29

CHAPTER 18◆
Life in Prison

|Jhainnah POV|

"Ikaw lang yata nakulong na hindi umiiyak ng wagas ahhh," dinig ko mula sa likuran ko kung sino man 'yan, wala ako sa mood na makikipagsabayan sa mga kasama ko, iniisip ko ang pamilya ko. Gising na kaya si Aldrene? Alam ko naman na may kasalanan siya sa'kin, pero ibang usapan na 'yon dahil sa kalagayan niya. Kaya kong lumimot, mabuo lang ang pamilya namin. Pero paano kung ako naman ang problema, kung ako ang kulang.

Dalawang araw na ako dito nakukulong, sapat na ang mga araw na 'yon para gusto ko ng makaalis sa lungga na ito. Ang daming mga bagay na naninibago ako, mas pipiliin ko pa na maging palaboy-laboy sa kalsada, at least malaya ka. Dito, wala himas-himas ka na lang sa mga bakal.

"HOY PIPI KA BA? MULA NG MAKAPASOK KA RITO DI PA KITA NARIRINIG MAGSALITA!"

Wala kang magawa kung hindi ang magdasal na lang at isipin ang mga mahal mo sa buhay. Hindi ko alam kung hayyyyyss lagi namannakong nagdadasal, alam naman Niya na wala akong ginawang masama sa babaeng 'yon, hindi ko pinatay si Thana Zamora.

"Hayaan mo na lang 'yan mayora, sinasanay niya pa ang sarili niya dito sa bilanggoan,"

"HINDI KASI, NAKAKASIRA NG ARAW! TINATANONG NG MAAYOS HINDI NAMAN TAYO SINASAGOT! UPAKAN KO 'YAN EHHH!!!"

"Mayora, easy ka lang,"

"Ang dugo mayora, ang dugooooo!"

"Kalma lang,"

"Hayaan mo muna,"

"Chilll!"

Pero according sa witness nila 'yong nakita niya raw na may pumarada na kotse na kulay itim at saka ito hinagis sa ilog, sa parte pa lang diyan, hindi na ako, wala naman akong sasakyan ehh, pero ang nakakapagataka ay bakit napunta doon ang family necklace ko, pinagawa talaga namin 'yon, hindi 'yon basta-basta at pekeng kuwintas, nagpagawa kaming tatlo; ako, si Aldrene at si Yruss, kaya JAY, Jhainnah Aldrene, Yruss Delgado.

Napatingala ako ng magsimulang manubig ang mga sulok ng aking mga mata, naalala ko naman ang ang asawa't anak ko hayyyssss Dios ko, ikaw na muna ang bahala sa kanila, huwag niyo po sila pababayaan po.

"Ohh ito mga pagkain niyo," napalingon na lang kami sa isang police na bumukas sa selda namin at nilapag ang pagkain namin sa hapunan. Wala akong ganang kumain, hindi ako maarte pero it is my nature na hindi kakain kung hindi alam kung paano or by looking it masasabi mo na lang na, malinis ba ito? Paano ba ito niluto?

"Hindi ka naman kakain diyan Jhainnah? Kailangan mo na talagang kumain para may lakas ka, puro ka na lang tubig," pakiusap sa'kin ng isang babae dito, masasabi ko na halos magkaedad lang kami, siya lang yata ang matino at nagtiyagang kausapin ako.

"Hayaan mo na 'yan Phielly, hindi naman ikaw ang mamatay sa gutom, akin na nga 'yang sa kaniya," singit na naman ng mayora nila kuno dito sa loob ng selda. Sa loob ng selda, anim kaming naririto, dalawa lang ang double deck kaya may dalawa na sa sahig, ako at ang babae na tinatawag nila na Phielly, si Phielly ay isang uri ng babae na malakas ang dating, parang hindi pambabae ang kilos niya, in short astig. Ano kaya ang rason bakit nakakulong siya.

"Mayora paano siya makakain kung lagi mo na lang inaagawan," may bahid na inis na sabi ni Phielly para ikatitigil ng mayora.

"ABA'T GUMAGANIYAN KA NA SA'KIN PHIELLY? NANGINGIALAM KA NA? OHHH ETOOOOO KAININ MONG PU*A KAAAA!!!!" Naalarma ako ng hinawakan niya ng marahas ang naka-pony tail na buhok ni Phielly at pinangudngod sa mukha niya ang plato na may pagkain. Wala namang ginawa ang ibang kasamahan kung hindi magpatuloy lang sa pagkain, walang pakialam.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon