◆AHDI 24◆

318 17 0
                                    

DEDICATED TO itslogophilegirl

◆CHAPTER 24◆
The Organizations

|Jhainnah Ylshiah POV|


"ANO BA'NG PUMASOK SA ISIP MO YLSHIAH, BAKIT GINAWA MO 'YON?" Napamura na lang ako sa isipan ko ng di pa rin tumitigil si Sylvie sa pagsermon sa akin tungkol kahapon. Madami pa akong mga katanungan na dapat masugatan. Hindi talaga ako nagkakamali, si Aldrene 'yon ang nakita ko kahapon. Siyang-siya 'yon. So ibig sabihin ba nakalabas na siya sa hospital? Magaling na ba siya? Bakit siya nandoon sa lugar na 'yon, may alam ba siya sa ganitong mundo? Arghhhhh nakakasabog ng bungo. Mga tanong na ang hirap sagutin.

"HINDI KA NA NAMAN NAKIKINIG!" Sigaw niya ulit sa akin para mapakunot ang noo ko. Kami lang dalawa dito sa loob ng kuwarto ko nasa headquarters ang iba, halos naman talaga nakamukmok lahat sila doon.

"Mamaya mo na lang ako pagsermonan okay, kagigising ko lang tapos sermon ang almusal ko psh," inis kong sabi sa kaniya. Kahit na ganito kami still may respeto pa rin ako sa kaniya bilang my older brother.

"Pshh I'm sorry, nag-alala lang talaga ako sa'yo kahapon," malumanay niyang sabi dahilan maparolyo ako sa mata ko. Alala my face.

"You know me bro, I can stand on my own," direkta kong sabi sa kaniya.  We used to call bro and sis ever since before. Sadyang minsan mainit lang ang mga ulo. And about naman sa family namin no'ng nakaraan. They go back immediately to Italy, sobrang saya ko no'ng araw na 'yon, kahit na tinalikuran ko na sila buong puso pa rin nila akong tinanggap. A true definition of a family.

"Yeah I know that but that is not enough lalo na at ang sinundan mo na tao ay hindi ordinaryong tao lamang," napaharap ako sa kaniya dahil sa sinabi niya, naagaw nito ang atensyon ko.

"Ano nga ba ang nangyari kahapon? Bakit parang sabik na sabik kang malapitan ang lalaki na 'yon, did you know him?" Dagdag niya pang sabi. Pinoproseso pa rin ng isipan ko ang sinabi niyang hindi ordinaryong tao lamang. Bakit anong klaseng tao ba 'yon?

"Maybe it is a time to give you a hint about Flaming Raven Organization, follow me," agad naman akong tumayo at sumunod sa kaniya. Nakaramdam ako ng excitement  sa loob na may halong pangamba.

Binilisan ko ang paglakad ng makapasok na si Sylvie sa elevator, pupunta kami ng underground, means that sa headquarter nila ang destinasyon namin.

Pagkadating namin sa baba may isang malaking pader ang bumungad, may pinihit lang siya at bumukas ito. Nandito nga sila, pati si Phielly ay nandito. Hinawakan ni Sylvie ang clear glass saka ito nagkulay green at humawi. Grabe naman ang security dito, sobrang higpit. Pagpasok mo akalain mo 'yon na 'yon, pero hindi may clear glass detection pa, if hindi kayo kilala ng system and mabangga niyo iyon, magkukulay pula ito at magkakaroon ng alarm.

"Bro what's up!"

"Hello!"

"Buti naman gising ka na Eyl,"

"Okay ka na ba?"

I just give them a genuine smile. Ang sarap sa pakiramdam na belong ka talaga sa grupo. Siguro nga bumalik na ako sa dati, pero ang emosyon ay hindi na katulad noon. Magbabago talaga pag may karanasan na.

"GO BACK TO YOUR SEATS," here we go again the bossy Sylvie, agad namang siyang sinunod nila. Nasa  meeting office kami, may isang malaking 3D Screen sa gitna, at nakaupo kami isa-sa sa swivel chairs habang nasa kaniya ang atensyon namin.

"FOR YOU PHIELLY AND YLSHIAH, LISTEN VERY WELL. I'M GONNA INTODUCE TO YOU THE FLAMING RAVEN ORGANIZATION," umpisa niya, may ginalaw siya doon sa screen na parang hologram, nagkaroon ito ng images.

"Parang nakita ko na somewhere ang tattoo na 'yan," napatingin kaming lahat kay Phielly ng magsalita ito. Nakatayo pa itong tinuturo ang tattoo na ipinapakita sa screen na para bang siguradong-sigurado ito.

"Are you sure?  Ganiyan ba talaga? Mahirap makita ang tattoo na ito dahil nasa tagong parte nakapinta ito, gaya nito sa ulo, sino ang mag-aakala na sa loob ng kaniyang maitim na buhok ay may nakapinta rito, isang organisasyon na nagdudulot ng kapahamakan at masamang gawain," paliwanag ni Sylvie.

"Uhmm maybe nagkakamali lang, sorry," hinging pasensya niya at umupo ulit na parang may malalim na iniisip. Isa pa, kailangan ko pang malaman ang tungkol sa pagkatao mo Phielly.

"It's okay, go back to the topic. Tandaan niyo ng mabuti ang simbolo ng kanilang tattoo, ang tattoo ng isang Flaming Raven Organization," dagdag niya pang sabi. Ito ay isang tattoo na dark crow na may sobrang pula na mata. Hindi ko pa nakikita ang ganiyang tattoo. Sobrang tagal ko na talagang nawala, ang dami ko ng hindi nalalaman.

"Ang Flaming Raven Organization ay isang organization ng mga mafia, organisasyong kinatatakutan dahil sa masamang gawain at kapahamakang dinudulot nila sa ating sambayanan. Gaya ng organisasyon natin, maraming bumubuo at kumakatawan na gangs at mafias dito. At isa sa  mga top ranks dito ay ang Voughnchitruz Mafia Organization," halos hindi na ako kumukurap na nakikinig sa kaniya. Agaw na agaw nito ang aking atensyon. Nagtataka ako kung bakit sa bawat tattoo ay iba't ibang kulay ang mata ng crow na sobrang liwanag.

Slyvie touched the screen and may lumabas na naman ng isang imahe, ang logo ng Voughnchitruz Mafia Organization, pero mas naagaw ng atensyon ko ang sobrang kilala kong mukha ang naka-flash rito. Nanginginig akong tumayo, don't tell meeeee?

"This is Zeijo Horox Voughnchitruz, the one and only heir of the said organization,"

"WHAT???" Hindi ko napigilang sumigaw dahil sa gulat. What the h*ll is this? Mula buhok, mata, ilong, kilay, bibig at kahit shape ng kaniyang mukha kilalang-kilala ko ito, kilalang-kilala ng aking puso.

"What's wrong with you Ylshiah? Kahapon ganiyan din ang reaction mo ng makita mo ito doon sa chamber," nagtatakang tanong ni Sylvie sa'kin, tiningnan naman nila akong lahat na nahihiwagaan.

"Wala ba siyang kambal?" I managed to asked na hindi pumipiyok, this is too much, ang aga pa lang ang dami ko ng nalalaman dagdag sakit sa ulo aishhh!

"Hmm according to our research none, nag-iisa lang talaga siya. Why is that Ylshiah?" Kung ganoon why is that him and Aldrene is the same? Baka si Aldrene talaga 'yan, iba lang ang pangalan pero howwww???

"Kung gayun puwede bang magkapareho ang mukha ng dalawang tao tapos hindi sila konektado?" Wala sa huwisyo kong tanong. Siguradong-sigurado ako na nakikita kong imahe ngayon sa screen ay walang iba, kundi ang asawa ko.

"Teka lang, ano ba'ng pinagsasabi mo?" Sumingit na si Carreose sa amin. Hindi ko sila masisisi, dahil kahit ako naguguluhan na.

"That is for me to know, and for you to find out," sagot ko na lang at bumalik sa pagkakaupo. Nalilito na akooo, hindi ko alam na magiging konektado ang buhay nj Jhainahh sa pagbabalik ko sa dating ako.

"Don't mind me guys, just continue," dagdag kong sabi. Halos mga nakaharap sa akin ngayon ay mga tandang panahon pftttt halatang nabitin na halatang marami ang mga tanong.

"Are you okay Jhai?" Napataas na naman ako sa kilay ko ng tawagin na naman ako ni Phielly ng ganiyan.

"Yes I am no worries and please stop calling me Jhai, call me Eyl instead, short for Ylshiah," sagot ko sa kaniya. Hindi naman sa gusto ko ng kalimutan 'yan, kung hindi pahinga muna ako sa hirap at sakit na mga dinanas ko sa pangalang iyan.

"Sorry, di lang ako sanay," siguro nasa proseso pa rin siya. Hindi na lang ako sumagot pa at tinuon ulit ang aking paningin sa harapan. Buti wala ng imahe pftt!

"Aside sa Voughncitruz Mafia Organization, rank 2 naman dito ay ang Velerio Mafia Organization, hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin sila sa pagkawala ng kanilang heiress, the reason behind is still clueless. Kaya kahit kami ay napapatanong kung bakit, we conduct research but we only gathered limit but still ongoing," hmmm ano'ng nangyare kaya. Bakit nawala ang heiress nila baka karma, kabayaran sa kanilang masamang gawain pftt!

"As you can see earlier kanina sa images, iba-t ibang kulay ng mata ang crow, ibig sabihin ay ang rank nito. Rank 1 is the red, rank 2 is blue and rank 3 is yellow. These Flaming Raven Organizations are our mission, to end their bad doings, to stop them from selling illegal drugs and most of all we need to lose their organizations in the history of the world."

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon