◆AHDI 04◆

350 25 0
                                    

DEDICATED TO gemaynity

◆CHAPTER 04◆
Ylshiah & Sylvie

|Jhainnah POV|

Nasa counter ako, naghihintay ng order sa akin ng customer. Sobrang hapdi ng mata ko, antok na antok pa ako. Sarap hindi pumasok pero kailangan dahil sayang din ang kita. Tuwing biyernes kasi ay ang araw na pinakamalaking sale nila sa lahat ng araw. May malaking sugarcane factory kasi diyan malapit sa restaurant, kaya maraming mga planters ng mga tubo ang pumunta dito kasi tuwing biyernes ang kanilang bayaran.

"Alam mo girl kanina pa kita napapansin na ang tamlay mo, ano'ng nangyari ba?" Lapit sa akin ni Fremie at nilapat ang palad sa aking noo, tinitingnan baka ako'y nilalagnat.

"Wala ka namang lagnat ahh," dagdag niya. Napakaunawain talaga nitong kaibigan ko. Ngumiti na lang ako bilang tugon.

"Wag mo na lang pansinin 'yan, nag-iinarte lang 'yan pshh!" Singit naman ni Lucia, kahit saan talaga palaging may problema sa akin pfft!

"Tumahimik ka na nga lang, hindi ka naman kasali sa usapan ehh," bara sa kaniya ni Fremie para panlilisikan siya ng mata nito, ayaw ko ng away. Lalo na at mabango sa pang-amoy ni Madam Kurang si Lucia at tiyak kami na naman ang pagagalitan nito.

"Ito na ang sa'yo Jhainnah," sabi ng nasa counter kaya kinuha ko na ang tray. Tiningnan ko muna si Fremie na huwag mo ng patulan 'yan ng tingin bago naglalakad papunta sa customer. Sanay na sanay na talaga ako sa pagmamaliit ni Lucia sa amin, nagrereynahan dito pfft!

Pagkatapos kong i-serve sa lamesa ng customer ko, dumeritso na lang ako sa kusina para iwas ng mainit na atmosphere doon.

"Tulungan na lang kita maghugas Jane," sabi ko sa kaniya at tinulungan mag-alis ng mga natitirang pagkain sa mga pinggan.

"Hindi ba't doon ka naka-assign?" Pagtataka niya.

"Oo pero umiwas na lang ako, nag-aapoy ang ulo ni Lucia," simpleng sagot ko at ngumisi lang siya. Si Jane ay parang ka-edad ko lang, may anak din kaso iniwanan siya ng lalaki.

"Mabuti, wala naman sigurong araw na di 'yon nagagalit ehh," sabi niya para matawa ako. Oo nga naman, tama siya.

"Akala mo kung sinong may-ari dito. Mas pumapapel pa nga kaysa kay Madam Kurang pffftt!" Natatawang sabi niya habang naglilinis pa rin ng mga pinagkainan.

"Hayaan na lang natin, 'yon na 'yong kaniya eh. Sanay na naman tayo," sabi ko sa kaniya. Maganda talaga pag nagtatrabaho ka na may kausap kasi hindi ka napapagod. Sabihin mo na lang kasi Jhainnah na marites ka talaga pfftttt!

"HOYYY JHAINNAH!"

Napalingon kami agad sa pintuan ng tawagin niya ako. Speaking of Lucia, she's here. Nakakunot ang noo, galit na galit na tumitingin sa akin, ano na naman ba ang ginawa ko? Ano na naman ba ang pinuputok ng butchi niya?

"TABLE 45, IKAW DAW MAG-SERVE!" Inis niyang sabi sa akin. Teka lang? Bakit ako? May ginagawa na nga ako dito eh.

"Kayo na lang ang mag-serve, tutulungan ko na lang si Jane dito maghugas," malumanay kong sagot sa kaniya at pinagpatuloy pa rin ang ginagawa ko.

"AYAN NA NGA EH, IKAW ANG HINAHANAP, EWAN KO BA SA TAONG 'YON. AKO NA NGA, GUSTO PA NG IBA ARGHHH!!!!" Galit niyang sagot at nagdadabog umalis sa kusina. Nagtinginan lang kami ni Jane na nagtataka at sabay ngumiti.

"You know na, nagseselos na naman 'yon pfftt," sabi ni Jane kaya natatawa na lang ako. For sure, galit na galit na naman 'yon sa akin lalo.

"Sige Jane maiwan muna kita dito, balik na muna ako doon," paalam ko sa kaniya at inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now