◆AHDI 34◆

267 14 0
                                    

DEDICATED TO Burningbushy22

◆CHAPTER 34◆
Bloody Fights 2


Napabalik ako ulit sa pagsilip ng may ligaw na palaso, muntik ng maging board ang mukha ko. Dahan-dahan kong sumilip uli, isang malaking silid kung saan ang dalawang kampo ay nagsibakbakan. Halos hindi masundan ng mga mata mo ang mabilis na kanilang pagkilos.

Nagkalat ang mga bangkay, napuno ang silid ng mga pulang likido na tila ba ay bumaha ng dugo. Sigaw, hiyaw at kalansing nga mga sandata ang maririnig mo. Nakita ko silang lahat ang mga kasamahan ko. Nandiyan si Sylvie na kabisadong-kabisado sa kaniyang mga galaw, suwabe pa rin kung gumalaw. Nandito na rin sila Spade, Heart, King and si Phi- wait? Nasaan siya?

Naging alerto ako at sinilip ang bawat sulok ng mga naglalaban. Napamura ako nang makita kong nakahandusay ito sa sahig, nanghihinang tumayo. Hindi ko namalayang tumakbo ako papalapit sa kaniya, bawat kalabang nadadaanan ay agad kong hinahatak ng aking katana. Hindi siya mapapansin ng mga kasamahan dahil lahat ay busy sa kaniya-kaniyang kalaban.

Mabilis akong naglabas ng limanang shuriken at binato agad sa magkakaibang direksyon papunta sa mga kalabang mapangahas na pinapalibutan si Phielly. Nasulyapan ako ni Phielly at ganoon na lang aking pangamba ng nanghihina na ito ng sobra, may pulang likidong lumabas sa bibig niya. Sh*t!

Tinapon ko ang katana sa malaking likod ng lalaki na para bang isang dart board na ikinahihiyaw nito. Hinablot ko ito, nilagay ko ito sa ulohan ko na para bang isang blade na agad kumilos. Lumiyad ako nang pareho nila akong tinutukan ng kanilang mga samurai, nagkaroon ng instant lamesa sa ibabaw ko, dahil nagkalapit at nagkaipit ang kanilang mga sandata kaya mahirap itong matanggal agad kaya naman kinuha ko ang pagkakataon na 'yon, winawasiwas ko ang aking katana habang umiikot-ikot. Pumikit ako ng maramdaman ko ang mga likidong bumabalot sa amin. Pagbukas ko ng aking mata ay kasabay ang pagbagsak nila na agad akong lumapit kay Phielly.

"U-umalis ka, hanapin mo na ang asawa mo," nahihirapan niyang sabi habang bumubulwak ang mga dugo sa bibig niya. Pinaupo ko siya at do'n lumantad sa akin ang kutsilyong nakatarak sa dibdib niya.

"F*ck, kami na ang bahala dito. Puntahan mo na siya," biglang lapit sa ni Heart at Spade sa amin. Kinarga siya ni Heart at si Spade naman ang magbabantay sa kanila.

"Don't leave me Phielly, stay alive p-please," sabi ko sa kaniyang maluha-luha, hindi ko rin maitatanggi na naging malapit na rin siya sa akin.

Ngumisi lang ito habang nakapikit, hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at umalis na agad sila habang kinagarga siya ni Heart in a bridal style. Lord huwag naman pati siya kukunin mo sa akin.

Tumayo ako at tumakbo paakyat sa huling palapag. May mga iilang kasamahan din namin ang naririto na nakikipag-away, wala akong makita kung nasaan siya, kung saan siya nilagay. May isa pang hagdanan kaya agad ko itong inakyat at bumungad sa akin ang roof top. Kapag titingnan mo ay walang harang pero mayroon, gaya ng nasa headquarters ang clear and thick glasses.

Nanghina ako nang makita ko ang isang pigura na nakalambitin sa ere na walang malay, nasa loob ito ng glass incubator na puno ng hangin na Helium, kapag masobraan ng ganiyang hangin ang tao ay iilang oras lang ay puputok ang ugat sa ulo at maging sanhi ng iyong pagkamatay.

Sa gilid naman niya ay di ko mabilang na mga taong nakagapos at may tig-iisang bomba na nakakabit sa kani-kanilang katawan. Napahanda ako ng biglang lumabas ang mga batang nakamaskara.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now