◆AHDI 15◆

343 21 2
                                    

DEDICATED TO gytearah

CHAPTER 15◆
Dead Body

|Third Person POV|

*FLASHBACK*

"SAKLOLOOO!!!"

"SUS MARYOSEPPP!!!"

"WALANG AWA ANG GUMAWA NITO!"

" WALANG PUSO!"

"MGA TAO TALAGA NGAYON, NAGKALAT ANG MGA KRIMEN!"

"JUSKOOO!!!"

Samut-saring komento ng mga tao habang tinitingnan ang isang katawan ng babae na wala ng buhay sa may bato-bato ng ilog. Isang katawan ng babae na may guhit na pagkasaksak sa dibdib nito, mga tuyong dugo na nagkalat sa katawan at ang damit nitong halos nagkulay dugo na rin.

"WALA NA TALAGANG KONSENSYA ANG MGA TAO SA NGAYON,"

"MUKHANG NAKILALA KO ANG BABAENG 'YAN!"

"SOBRANG PAMILYAR NG MUKHA!"

"AYY TAMA, HINDI BA ANG KAPATID NI GOBERNADOR?"

"NAKU MARE, MUKHANG 'YAN NGA SIYA!"

"TAMA NGA ANG NAG-IISANG KAPATID NI GOB!"

"NAKUUU LAGOT TALAGA!"

"ALAM NA KAYA NIYA ITO?"

Unti-unting dumadami ang nakikinuod at nakikitsismis kung ano ang nangyayari, kung ano ang pinagkakaguluhan. Nagbigay lugar sila ng may tatlong kotse na itim ang dumating at niluwal doon ang gobernador ng lugar.

"Hala confirm kapatid talaga ito ni Gob,"

"Oo nga mare,"

"Naku talaga ang may gawa nito,"

Agad namang lumapit ang bagong dating na si Gobernador, kasama ang tatlong lalaking tauhan niya. Hinawakan niya agad ang mukha ng kaniyang kapatid habang nagngitngit sa galit. Wala siyang ibang kapatid kinuha pa sa kaniya, hindi niya mapapatawad at sasantohin ang sino man ang may sala nito.

"ISANG TAO LANG ANG ALAM KONG MAY GAWA NITO!" Mariin at galit na sabi ng Gobernador Thaño  na binubulong sa hangin habang nanlilisik ang kaniyang mga mata. Kitang-kita kung gaano ito kagalit at gustong manakit, hindi niya lubos matanggap ang nangyari sa pinakakamahal niyang kapatid.

"Gaya ng sabi ko, hindi ko hahayaang maging ganito na lang kabilis, buhay sa buhay, dugo sa dugo, laman sa laman!" Mariing banggit ng Gobernador at saka tumayo, hindi niya kayang makita ang kapatid na ganiyan ang kalagayan.

"THANAAAA!!!!" Sigaw ng lalaki na bagong dating na nanginginig at namumula ang mga mata.

"ASAWA KOOOOO!!!" Sigaw nito at saka lumapit ito sa bangkay ng babae at agad itong binuhat sa kandungan at niyakap ito ng mahigpit. Wala itong pakialam kung buhay pa ba ito basta ang alam niya galit na galit ang puso nito at di makapaniwala. 

Umiiyak ito ng malakas habang niyayakap ang asawa, halos mangiyak-ngiyak na rin ang mga taong nakasaksi sa nangyari, kitang-kita nila kung gaano ito nasaktan, kahapdi at kasakit tanggapin.

"Wag kang mag-alala asawa ko, paparusahan ko ang may gawa nito sa'yo," humihikbing kausap nito sa asawa niya na tila ba ito ay buhay pa.

Ilang minuto sa kakaiyak ay dumating na rin ang ambulance para ito ay dalhin na agad sa morgue. Halos hindi makatayo at makalakad ng maayos ang asawa ng babaeng bangkay, nawalan ito ng lakas ng loob ngunit inalalayan ito ng Gobernador.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now