◆AHDI 32◆

288 15 0
                                    

DEDICATED TO Shashaxxe

◆CHAPTER 32◆
Impostor

|Jhainnah POV|

"Ano'ng nangyari sa'yo kahapon?" Napaangat ako ng tingin kay Phielly. Ano nga ba ang nangyari kahapon? Awtomatikong namula ang pisngi ko ng maalala ko ang nagawa ko kahapon sh*t! Totoo bang nangyari 'yon? Nakakahiya. Ano na lang kaya ang iisipin niya, na ang dali ko lang makuha, easy to get lang ammmp!

I shook my head. Arghh, nagkasala na ako sa asawa ko. Bakit kasi aishhh!

"Ohh bakit namumula ka diyan?" Inirapan ko na lang siya bilang sagot. Sana hindi nila alam ang ginawa kong kalaswaan kahapon. Nagising na lang kasi akong nasa loob na ng aking kuwarto, sabi ni Phielly nadatnan daw nila akong nahimatay sa loob ng CR, ang side effect ng pills.

Tumayo ako at pumasok sa kusina para maghanda ng breakfast. Nadatnan ko ang isang binatang nakaupo sa isa sa mga silya at nagkakape.

"Good Morning Ma'am," bungad niya sa akin na ikinangiti ko, pero isang ngiting mapait para sa akin. I miss my baby.

"Nahh just call me ate na lang," sagot ko sa kaniya at dumeritso na sa fridge para maghanap kung ano ang puwedeng lutuin ngayon. Trip ko kasing magluto like I used to do every morning.

"Ano'ng balak niyo ngayon?" Dagdag kong tanong sa kaniya. Siya kasi ang binata na naligtas kahapon na sabi isa sa mga na-recruit ng Rank 3.

"Dunno, maghintay na lang ako sa sasabihin niyo," sagot niya. Kumuha ako ng ham, tocino, hotdog, bacon and egg. Paparesan ko rin ito ng fried rice with siomai ackkk!!!

"May mga biscuits diyan, baka want mo," sabi ko sa kaniya ng magkatapat kami. Nilapag ko muna ang mga ipiprito ko.

"Okay lang, wait can I see your necklace?" Nagulat ako ng tumayo ito at tiningnan ng maigi ang kuwentas ko.

"Sure," sagot ko at nilabas mula sa damit ko at suot kong necklace. This is the necklace na ginamit sa akin against the court, ito 'yong hinablot ko sa leeg ni Lucien. His death is confirm that he committed suicide. Feel bad to him, baka kinain na siya ng kaniyang konsensya.

"Hmmm, parang may nakita na akong ganito," saad niya na ikinakunot ng noo ko. Imposible, tatlo lang kami mayroong ganito.

"Naku baka nagmamalikmata ka lang. Mahirap makita ang kapareho nito," sagot ko sa kaniya at tumalikod na para makapagsimula na.

"Ahh yeah nagkamali lang," sabi niya lang na hindi ko na pinansin pa. Bubuksan ko na sana ang stove nang tawagin ako ni Phielly, may call daw ako. Mabilis naman akong sumalubong sa kaniya at kinuha ang phone ko, unrigestered number.

"Hello?" Salita ko agad ng masagot ko ang tawag. Wala akong narinig sa kabilang linya, ano 'to? Trip-trip lang pftt!

"Hello?" Sambit ko ulit na medyo naiinis na. Magluluto pa ako tapos trip lang pala ito tsss.

[ J-JHAIN-NAHHH?]

Naalerto ako ng makarinig ako ng isang iyak. Humahagulgol ito sa pag-iyak na halos nahihirapan na ito sa paghinga.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora