◆AHDI 02◆

488 27 0
                                    

◈DEDICATED TO Buddy_Joyyy

CHAPTER 02
Bida-bida

|Jhainnah POV|

"May bagong costumer na pumasok, ikaw na doon Jhainnah," tulak sa akin ni Lucia, isa sa mga kasamahan namin dito. Siyempre ako na ang susunod nakalinya ehh ammp.

Inayos ko muna ang sarili ko, ang apron at lumapit na doon sa bagong pumasok. Isa itong mayaman na eleganteng babae, kitang-kita sa postura at paraan ng pananamit niya.

"Good Day Maam! Here's our menu po," nakangiti kong bati sa kaniya sabay lapag ng menu booklet namin sa lamesa. Kinuha niya ang menu booklets at saka tiningnan ako na parang nandidiri na ewan, pero hindi ko na lang binigyang pansin ito at nanatili paring nakangiti na propesyonal.

"Serve me your best specialty," sabi niya sa akin ng mata sa mata sa mataray na paraan. Hindi na lang ako nagpapatinag at nagpapaepekto.

"Okay maam copy, kindly wait for a minutes, excuse me," sagot ko sa kaniya habang nakangiti ng wagas bago naglakad palayo. Ano ba ang problema ng babaeng iyon? May issue yata sa mga ganitong trabaho pshhhh!

"Kita hanggang dito ang katarayan niya ahh," bungad sa akin ni Fremie, ang masasabi kong totoong kaibigan dito sa trabaho.

"Hayaan mo na, baka di lang sinipot ng jowa pfft!" Biro ko na lang sa kaniya at agad pinag-alam ang gusto nang babae.

"Sana tinapon mo sa mukha niya ang menu booklet HAHAHA," natatawang sabi niya. Neyy wag tayo niyan kung ayaw mo matalksik sa trabaho mo. Ngumiti na lang ako at di na umimik pa.

Few minutes, bumalik na ako sa lamesa ng babae habang nilapapag sa lamesa ang lahat ng specialty namin from keyk, set of foods na with rice and a special halo-halo. Ganiyan ang lagi ang naka-serve namin pag may nagde-demand ng specialty namin, especially our special halo-halo with love.

"Here's our specialty maam, enjoy your foods!" Presenta ko sa kaniya na nakangiti pa rin, kung ano ang awra ko kanina, ganoon pa rin ang awra ko ngayon. Nginitian ko pa siya ng sobra ng tumaas ang kilay niya na parang naiirita na ito, wala akong kasalanan sa'yo uyy!

Mag-iisang oras na ngunit hindi pa rin tapos ang babae, paano ba kasi ehh panay tingin niya sa cellphone niya. Naku hindi niyo po ito bahay madam.

"End na ng shift ko, kayo na bahala sa kaniya," paalam ko sa kanila at nag-time out muna bago naghanda na para umalis. Ackk, medyo nakakapagod ang araw na ito hayyyss.

Nakaupo lang ako sa labas habang hinihintay si Aldrene. Susunduin niya kasi ako. Alam niya naman kung anong oras ang labas ko rito. Maya-maya pa ay natanaw ko na siyang papalapit sa akin. Siya lang, wala ang anak ko.

"Hi mahal," bungad niya sa akin and kissed me on my lips. Owshii one of my strength, tagaalis ng pagod ko. Nilagyan niya ako ng helmet at saka ako sumampa sa motor then hugged him so tight while resting my head on her back.

"Si Baby Yruss mahal?" Tanong ko sa kaniya habang nagmamaneho siya.

"Iniwan ko kay mama, nalibang kasi sa paglalaro ng mga pinsan niya kaya hindi ko na inabala pang isama," sagot niya. Namiss ko agad ang Baby Yruss ko, I want to hug and kiss him so bad.

"Baka natuyoan na 'yon ng pawis lagot ka talaga sa akin," banta ko sa kaniya. Ayaw na ayaw kong natutuyoan ng pawis ang anak ko para iwas sa sakit.

"Ikaw talaga mahal, wala ka bang tiwala sa akin. Ikailang ulit ko na nga napalitan 'yon eh dami ng labahan," sagot niya habang nagmamaneho ng dahan-dahan at saka tumigil sa tapat ng street foods. Siya naman din ang tagalaba eh pshh kaya no probs.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDOnde histórias criam vida. Descubra agora