◆AHDI 20◆

334 17 0
                                    

DEDICATED TO whotofindwho

CHAPTER 20◆
Slaughter House Explosion


|Jhainnah POV|


"ANOOO????" Napasigaw ako sa gulat, kasabay nito ang panginginig ng aking buong kalamnan dulot ng pagkatakot.

[OO JHAINAHHHH KAILANGAN MUNANG SUMUKO, KUNG HINDI MAPAPAHAMAK ANG APO KO!!!]

Sigaw ng kabilang linya at walang pake na napapaupo. Dios ko, wala na bang katapusan ang pagdurusang ito? Pati ang anak ko madadamay pa sa gawaing di ko naman ginawa aishhh!

*Toot Toot*

"Jhai ano'ng nangyari?" Napahagulgol na lang ako sa iyak, sana nasa ligtas ka ngayon anak, hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko.

"I need to save my son, he's in danger," sagot ko na lang sa kaniya. Its been three days since nandito ako, kasama silang naninirahan. Mabuti na lang at may lumang selpon si Phielly, kaya nakontak ko sila ngayon tapos isa pang bangungot ang bumungad sa akin aaishhh!

Tumayo ako at pinahiran ang aking mga luha, I need to save my son before it's too late. Dapat maging malakas ako ngayon, di dapat ako puwedeng tumunganga lang dito. Nasa kamay nila ang anak ko.

*beep*

Napabalik ako sa huwisyo ng biglang tumunog ang selpon na nasa kamay ko, isa itong mensahe galing sa number na tinawagan ko kanina. "ABANDON SLAUGHTER HOUSE" basa ko sa mensahe. Kailangan pa talagang humantong sa ganito, gano'n na lang sila ka pursigido na mahuli at makulong ako. Hindi talaga sila titigil hangga't di ako nahuhuli. Sino ka ba talaga Thana Zamora? Parang may mali kasi at 'yan ang kailangan kong alamin.

"Huwag kang magpadalos-dalos sa kilos mo Jhainnah, hindi birong makalaban si Gobernador Thaño," mabilis pa sa alas kuwatro akong napaharap agad kay Phielly ng marinig ko ang sinabi niya.

"May ibig ka bang sabihin Phielly?" Pagtataka kong tanong sa kaniya. Kung makapagsabi siya, parang may nalalaman siya.

"Mala-anghel kung sa publiko, demonyo naman ang nasa loob," sabay kaming napalingon ni Phielly kay Tatay ng magsalita ito.

"Iniligtas kami ni Phielly no'n mula sa mga tauhan ng sakim na gobernador, dahil alam nila na may alam ako sa masasamang gawain nila," dagdag niya pang sabi dahilan para maliwanagan ako sa mga hinala ko, tama nga ako may sekretong nakakubli sa likod niya pshh!

"Hindi naman nakapagtataka tsss," sabi ko na lang at dumiretsong binuksan ang pintuan. Before anything else, I need to have my son.

"JHAI, SAMA AKO!" Habol sa akin ni Phielly.

"Huwag na, ayaw na kitang madamay pa," sagot ko rito at pinagpatuloy ang pagtakbo palabas sa eskenita na ito. Wala akong ibang iniisip kung hindi makuha at makita ang anak ko. Ano na lang ang gagawin ko kung pati siya mawala sa akin. Dios ko, huwag naman sanang mangyari.

"Hindi, mas alam ko ang pasikot-sikot sa lugar na 'yan, kaya trust me you need me as your back," napatango na lang ako sa sinabi niya. She has a point. Para malaman ko na rin kung ano ang makakaya niya. Iba kasi pakiramdam ko dito, parang may kakaiba sa kaniya.

"Teka lang," hinto niya sa pagtakbo sa may dulohan ng eskenita sa isang motorsiklo na nakaparada dito na may nakatakip na dahon ng saging.

"Ohh huwag mo ng ituloy kung ano ang gusto mong gawin Phielly," umiiling-iling kong tutol sa kaniya ng alisan niya ang nakatakip dito.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now