◆AHDI 23◆

333 17 0
                                    

DEDICATED TO shescelestineavis

◆CHAPTER 23◆
Underground Dark Chamber

|Third Person POV|


Nakaparada ang isang puting limousine sa tapat ng isang coffee shop. Nagtaka naman si Phielly at Ylshiah kung bakit doon huminto ang sinasakyan nila.

"Akala ko ba sa Underground Dark Chamber tayo pupunta?" Kunot noong tanong ni Phielly sa kanila. Nginisihan lamang siya ni Heart ang play boy sa miyembro ni Sylvie.

"Just wait and relax babe," ani nito kay Phielly na agad naman nitong ikinakairita ni Phielly. Nauna ng bumaba si Slyvie at sumunod naman silang lahat. Si Sylvie ay isang leader ng Bloody Cards Gang, siya ay mas kilala sa tawag na Ace, may lima siyang miyembro sina King na si Carreose ang kaniyang kanang kamay,  Jack, Heart, Spade and Diamond. Isa lang ang babae sa miyembro, 'yan ay si Diamond.

Pumasok na sila sa coffee shop at binati sila agad ng mga staff na para bang kilalang-kilala na ang mga ito. Nasa unahan sina Sylvie, nakasunod lang si Phielly at Ylshiah. Kahit nagtataka silang dalawa ay sumunod lamang sila.

Nilampasan nila ang bawat upuan na nadadaanan nila. Isinaisip talaga ni Ylshiah ang bawat kilos at lugar na pinupuntahan nila. Bumaba sila sa hagdan at bumungad sa kanila ang sobrang baho na kanal at mga basura na nakalatag doon. Halos mapamura sa isip si Ylshiah at Phielly sa amoy na siya namang parang normal na lang sa kanilang kasama.

May maliit na pampubliko na banyo na sobrang sira na nito, may nakalagay pang "out of service" ang bumungad sa kanila, lalong kumunot ang noo nila ng binuksan ito ni Sylvie at pumasok sila doon.

Nagtakip ng ilong sila Phielly at Ylshiah dahil siguradong sobrang mabaho at masangsang ang amoy na bubungad sa kanila. Pagkapasok nila sa loob ay may hinawakan si Slyvie sa may inidoro na halos ikinaduduwal nilang dalawa.

"F*ck, that's so disgusting!" Nandidiring sigaw ni Ylshiah na muntik ng di mapigilan ang sikmura.

"Pftt that's artifial sis," sagot niya rito.

Napaatras naman sa gulat si Ylshiah at Phielly ng may boses silang narinig bigla.

"FINGERPRINT ACCESS CONCEDE"

"FINGERPRINT ACCESS CONCEDE"

"FINGERPRINT ACCESS CONCEDE"

Biglang humati ang pader at nagkaroon ng mahabang hagdan pababa, sobrang dilim nito ang tanging sinag lang ng araw ang nagsisilbing ilaw dito mula sa nakabukas na pader. Walang pag-alinlangan na bumaba na agad sila at kahit hindi pa na proseso ang nangyari, sumunod na lang silang dalawa. Pagkapasok ni Slyvie ay kasabay nito ang pagkakaroon ng ilaw, pagpasok nila lahat sa loob ay agad naman sumara at bumalik sa dati ang pader. Sobrang manghang-mangha si Phielly sa kaniyang nakikita dahil sa bawat hakbang ni Sylvie ay ang pagkakaroon din ng ilaw sa kaniyang nilalakaran.

"Woahh, wala pa akong nakikita nito sa buong buhay ko," nagdedeliryong sabi ni Phielly habang tumitingin sa mga iba't ibang kulay ng mga ilaw.

"Sa labas pa lang ito, how much more kung nasa loob na tayo malula ka siguro sa karaming nagkikintabang mga ilaw," sabi naman ni Leizyl aka Diamond.

Huminto sila sa dambuhalang silver na pintuan, may hinawakan na naman si Sylvie, umilaw ito ng green at saka tuluyang bumukas.

Napatakip sa tainga si Phielly at Ylshiah dahil sa sarit-saring ingay magmula sa loob kasabay ang malakas na rock music. Hiyawan, sigawan ang bumungad sa kanila.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now