◆AHDI 22◆

320 17 0
                                    

DEDICATED TO BabaengMalambot

◆CHAPTER 22◆
Welcome back Ylshiah

|Third Person POV|

It's been a week since mangyari ang insidente na 'yon. Halos takasan na sa bait si Jhainnah lalo na't wala ng natitira sa kaniya, nawala na ang pina-iingatan niya.

Sa bawat paghikbi niya ay katumbas ng bawat pagsuntok niya sa punching bag, bawat sakit at pagdadalamhati ay tinuon niya ito sa pagbabalik kung ano ang ginagawa niya, nagsasanay na ito at sinubukan ulit ang mga bagay na ginagawa niya noon. Dahil sa matinding sakit, nabuhay ulit ang matinding apoy na nagliliyab sa loob niya. Gusto niyang lumaban, gusto niyang maghiganti sa mga pinaggagawa nila sa kaniya. Nawalan na siya ng anak, ang asawa niyang hindi na siya kilala dahil sa pagkakaroon ng temporary loss of memory at ang biyenan niya na walang ibang sinisi sa pagkamatay ng kaniyang apo kung hindi siya. Kung nasasaktan sila mas lalong nasasaktan siya dahil sariling anak niya ang nawala.

"Ano'ng balak mo ngayon?" Tanong ni Pheilly kay Jhainnah habang nagkakape sila sa isang coffee shop. Kakatapos lang nila mag-jogging.

"Dunno, maybe kailangan ko munang linisin ang pangalan ko," sagot nito sa kaniya habang inaayos ang suot nitong sumbrero. Sila lang yata ang galing sa jogging na balot na balot.

"Yeah hirap ng ganito, patago tayong nakakalabas, nasa atin ang mata ng batas," pait na sang-ayon niya kay Jhainnah.

"Lalo na at kasama mo ako, mas malalagay ang buhay mo sa pilegro," sabi ni Jhainnah, gusto niya kasi na wala ng madadamay na ibang tao sa problema niya.

"Eh di kasalanan ko na 'yon, parang ramdam ko kasi sa'yo ang isang pamilya," sagot niya na ikinakunot ng noo ni Jhainnah.

"Ramdam? Ehh di nga ako halos umiimik tss!" Napangiti na lang si Phielly sa reaction ni Jhainnah, hindi na lang siya sumagot pa at pinagpatuloy ang pag-inom ng kape niya.

Nanaig ang katahimikan sa kanilang dalawa, may kaniya-kaniya silang iniisip. Iniisip ni jhainnah kung saan siya magsisimulang kumilos, nais niyang ipamukha sa lahat lalo na sa Gobernador at mga awtoridad na malinis ang kaniyang pagkatao, na hindi siya pumatay kay Thana Zamora. Kung hindi mabibigay ang hustisya na kailangan niya, puwes siya ang kikilos para sa kaniyang sariling hustisya.

Naagaw ang kanilang pansin ng mag vibrate ang cellphone ni Jhainnah, nakatanggap siya ng isang text galing sa kaniyang kapatid

"We need to go, hinahanap na tayo doon."

|Jhainnah POV|


"You need to be prepare, we will go somewhere," bungad sa amin ng kanang kamay ni Sylvie na si Carreose, sa lahat ng members ni Sylvie siya lang ang hindi ko lubusang kilala, mula noong nawala na ako sa aming organisasyon ang dami ng nagbago. Tumango na lang kami at umakyat na sa taas para maghanda na.

Nakakamiss din palang magsuot ng ganitong mga damit, halos lahat ng mga damit ko noon sa pakikipag-away ay naririto sa closet. Hindi na kami sa iisang kuwarto ni Phielly may sarili na siya.

Kinuha ko ang black stilettos, black dress na fit na fit pa rin sa katawan ko na hanggang kalahati ng hita ko. Kahit sabihin na natin na may experience na ako sa panganganak, but still my figure is there.

I held up when I remember my son, wala ng magagawa kung patuloy lang ako sa pag-iyak, kailangan kong lumaban at ibigay ang hustisya na nararapat sa atin anak ko, pangako iyan ni mama.

"JHAI?" Rinig kong tawag sa akin ni Phielly sa labas.

"Mauna ka na sa baba, susunod lang ako," sagot ko na lang at di na nag-atubiling magbihis na. Pagkatapos kong makabihis ay tiningnan ko muna ang reflection ko sa salamin, hindi ko natiis na hindi maging emosyonal sa nakikita ko ngayon, wala akong ibang nakikita kung hindi kung sino ako, kung sino talaga ang aking buong pagkatao.

Mas pinatungan ko pa ng itim na lipstick ang labi ko, para match sa suot ko. Tinali ko lang ang buhok ko into ponytail para mas ma-emphasize ang perfect collarbones. Ibang-iba sa Jhainnah na nakilala nila, this is not Jhainnah anymore. Hindi ko alam na ang dating kinagisnan at inayawan ko ay babalikan ko pala, ang nakaraang matagal ko ng kinalimutan. Totoo talaga na babalik ka kung saan ka nanggaling. I'm not weak Jhainnah Delgado anymore, I'm gonna back to the old me, I am Ylshiah Valdreal, the one and only heiress of Golden Eagle Organization, and your dear Hellia shhhhh!!!!

"WOAHHH IKAW BA 'YAN JHAI?" Napataas na lang ako sa kilay sa reaction ni Phielly ng bumaba ako. She's wearing formal dress too and all I can say that she's so pretty.

"Forget about Jhai, it's me Ylshiah (eylshiyah), you can call me Eyl Phielly," tanging sagot ko na lang sa kaniya. Kahit nagtataka siya sa inasal ko hindi na lang siya umimik. Sa mga araw na naririto siya sa amin, may alam na rin siya tungkol sa amin at tungkol sa akin.

"Lets go, they are already waiting us," ani ni Carreose kaya sumunod naman kami. They? So ibig sabihin mukhang masasabak kami, hmmm it's kinda exciting!!!

We use his car and we went on. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Nakatanaw lang ako sa bintana. Tama kaya itong ginawa ko? Tama bang pipiliin ko na naman ulit ang babalik? Haysss kahit sabihin kong burahin si Jhainnah sa pagkatao ko, sa kaloob-looban ay hindi ko kaya, dahil sa Jhainnah na 'yan nakaramdam ako ng normal lang na buhay kasama ang mga mahal ko sa buhay, na ngayon ay hayyysss, siguro ito ang kapalit sa mga nagawa kong kasalanan noon. Nandito na ehh kailangan kong lumaban hindi na puwedeng umatras na. Kailangan ko 'tong gawin para malinis ang pangalan ko.

"We're here," napukaw ang atensyon ko ng huminto kami sa napakapamilyar na lugar. Hindi ko man lang namalayan ang oras dahil sa pagmumuni-muni. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako ng sobra, nanginginig ang buo kong katawan. It's been long years mula no'ng nakaapak ako sa lupang ito.

"Okay ka lang?" Tanong di ko kayang sagutin pa, natatakot ako na kinakabahan na para bang gusto kong umiyak. Kinakabahan ako sobra sa mga mangyayari. Bumusina si Carreose ng tatlong ulit, automatic na bumukas ang censored gate, simpre may acces na 'yan dito.

Napapikit na lang ako ng maamoy ko ang sariwang hangin mula sa mahabang garden na nasa gilid ng pathway papuntang mansyon. Ang mansyon na diyan ako halos lumaki. Binuksan ko ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko amg dalawang naglalakihang fountain at and mansyon na walang nagbabago, ganiyan pa rin ang kulay at disenyo.

May pitong sasakyan ang nakaparado, may dalawang limousine pa kaya expected marami ang naririto. Bumaba na ako sa kotse ganoon din si Phielly, hindi na naming hinintay pa na pagbuksan kami.

Isang malaki at mahabang pintuan ang nasa harap namin. Hinintay muna namin si Carreose para siya na ang magbukas. Napakatimik naman, kapag sobrang tahimik ang lugar something is suspicious.

Nabagot ako kaya ako na lang ang magbubukas para sa amin. Nakasunod lang sa akin si Phielly. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago dahan-dahan na pinihit ang doorknob. Isang napakamilyar na lugar ang bumungad sa'kin, ang mga nakaraang pangyayari sa akin ay naglalaro sa aking isipan. Hindi ko napigilan ns maging emosyonal habang tinatanaw ang mga bagay na aking kinagisnan.

"Finally you're home Ylshia," isang napakamilyar na boses ang narinig ko, isang boses na puno ng kapahamakan. Tumalon ako sa ere, kasabay ng pagtalon ko ay ang pagsangga ko sa isang shuriken na papalapit sa direksyon ko gamit ang takong ng stilettos na suot ko. Kapahamakan nga talaga pfttt!!!

Tumingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang weapon, napangisi na lang ako ng makita ko ang isang matandang nakasumbrero na itim na may baston na gintong agila.

"It's nice to see you again Lo," ngisi kong sabi sa kaniya. Another three shurikens coming, I ready myself and focus. Walang pinagbago pa rin, mahilig pa rin sa surprisang atake.

Tiningnan ko ng maigi ang mga mala-bituing bagay nagsisiliparan papunta sa akin, ginalaw ko ang kamay ko at gamit ang puwersa na natutunan ko, nasalo ko ang dalawang bagay, nakaipit at tanyang-tanya sa mga daliri ko, kasabay nito ay ang pagsipa ko ng isa pa pataas at tinaas ang isang kamay ko para saluhin ito sa pag bagsak. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero kusang kumilos ang katawan ko.

"You really back Ylshiah."

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu