◆AHDI 30◆

294 15 0
                                    

DEDICATED TO Lady_Litterateur

◆CHAPTER 30
Black Mask Guy

|Jhainnah Ylshiah POV|

Hayysss anong oras na ba, di pa rin ako makatulog aishhhh. Binabagabag pa rin ako sa nangyari kanina. Tama kaya ang ginawa ko kanina? Paano kung hindi mangyayari ang gusto kong mangyari aishhhhhh! Patulugin mo na ako pleaseeeee.

*Bang*

Naalarma ako bigla nang may tumunog sa veranda. Baka may nahulog lang ng kung anu-anong bagay. Twelve in the midnight but I'm still awake.

*Bang*

"WHAT THE!" Napabangon ako agad nang may parang bumabato na talaga, and this time sa bintana na mismo. May tao sa labas.

Tumayo ako at kinuha ang baril ko sa ilalim ng foam sa kama ko, at dahan-dahang naglakad palapit kung saan may tumunog. Hinawi ko ang kurtina ng may pag-iingat para silipin kung ano ang nasa labas. Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong nakita, aishhh bakit wala?

Babalik na sana ako sa kama nang may naaniag ako ng isang pigura ng tao, nakatayo ito sa isa sa mga sanga ng kahoy. Ano ang ginagawa niya rito? May kailangan ba siya?

Walang pag-alinlangan na kumilos ako agad. Sinuot ko ang maskara ko at naglagay ng ilang mga sandata sa suot ko. Bago ako bumaba, sinilip ko ulit kung nandoon pa rin siya, nakaupo na ito. Hinanda ko ang sarili ko at dahan-dahang bumaba. Mabuti na lang wala sila ni Sylvie ngayon, may operations silang inasikaso.

Pagkalabas ko sa bahay, sumalubong sa akin ang sobrang lamig ng hangin, ang magandang kalawakan at ang huni ng gabi. Pinairal ko ang pakiramdam ko at dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan niya. Nakatalikod siya sa akin, nakasuot ito ng puro itim, base sa porma ng kaniyang katawan, masasabi kong lalaki ito.

"Sino ka? Ano'ng kailangan mo?" Salita ko agad ng iilang metro na lang ang pagitan namin. Nakayuko ito na para bang umiiyak.

"Wala, gusto ko lang may kausap ngayon," isang malamig pa sa gabi ang boses na narinig ko, ang lalim ng pinanggagalingan.

"Weww, angas ahh sa ganitong oras mo gustong may kausap ka tapos ako pa napili mo pfttt ang galing, sino ka ba talaga?" Nakatalikod pa rin ito sa akin. Wala akong alam kung sino ba talagang kausap ko ngayon pshh.

Napahawak ako ng mahigpit sa baril ko ng kumilos ito, tumayo siya at humarap sa akin dahilan para magulat ako ng sobra, siya 'yon.

Siya 'yong tao na nakasuot ng black lahat no'ng sinugod namin ang abandonadong building. The Black Mask Guy, what he wants?

"You're so cute,"

What? Ano ang sinabi niya? Nangunot ang noo ko at tinutukan siya ng baril. Wala akong oras makipagbiruan sa'yo.

"Easy, ang seryoso mo naman. Chill pfftt!" Sumilay ang isang maliit na ngiti na nagpatayo ng mga balahibo ko, parehong-pareho sila ng ngiti. Konting taas pa ng maskara niya mabibinggo ko na kung sino ang nasa likuran ng maskarang iyan. Malakas ang kutob kong sino ito.

"Ang ganda ng gabi, ang kikinang ng mga bituin," hindi ko alam kung ano ba talaga ang point niya. As if namang close kami para kumilos siya ng ganito.

"No worries kakampi ako, I'm harmless. So if you don't mind put your gun down," hindi ko alam pero napakagaan ng pakiramdam ko sa kaniya. I put my gun down, pinagmasdan ko na lamang siya habang tinitingnan ang kalawakan. He loves sky too.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now