◆AHDI 10◆

329 25 0
                                    

DEDICATED TO shesabillionaire

◆CHAPTER 10
Goberndor Thaño

Malayo pa lang dinig na dinig ko ang kaingayan nila, nagtatalbog na hiyawan, napakalakas ng musiko na ibig sabihin na tuwang-tuwa at sobrang saya nila.

Tumigil ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko, nakita ko kung gaano kasaya ang mga tao dito habang kumakain. Napangiti ako ng plastic ng makita ko si Yruss na sobrang saya niya, ang laki-laki ng ngiti niya habang nakakarga ito kay Aldrene na isa pang masayang-masaya.

Nawala ang ngiti sa labi ko ng makita ko ang isang babae na nasa tabi ni Aldrene habang masayang-masaya itong naghihiwa ng mga cake at namimigay sa mga tao.

Napapikit na lang ako at hinawakan ng mahigpit ang damit ko, gusto kong sumigaw, gusto kong magwala. Ang saya-saya nila habang ako dito nasasaktan.

Napansin ako ng ibang tao na nasa likuran kaya napatingin sila sa akin, ngumiti naman ako sa kanila.

Inayos ko ang sarili ko, tinatagan ko at saka pumasok sa loob.

Nakita ko kung paano nag-iba ang awra ng pamilya ni Aldrene ng makita ako, halatang gulat na gulat ito habang ngumingiti lang ako ng sobra.

I won't deny na sobrang bongga at ang engrande nito para sa anak ko kaya nga sobrang saya nito. Sayang-saya ito dahil ngayon lang siya nakaranas ng selebrasyon na ganito ka bongga.

Bawat taong nadadaanan ko ay napatitig sa akin na para bang alam na nila ang susunod na mangyayari. Talaga bang alam nila?

"Imbetado ba ako dito?" Tinatagan ko ang sarili kong bigkasin ang mga katagang 'yon na parang hindi apektado. Huminto ako malapit sa kanila.

Natigil si Aldrene sa kaniyang pagtawa at lumingon sa akin. Napaigtad pa ito ng makumpirma niya na nandito ako. Bakas na bakas sa mukha niya ang pagkagulat.

"Mamaaa!!!" Sigaw ni Yruss at saka bumaba sa bisig ni Aldrene at tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

"Ma I'm very happy, ito na yata ang pinakamagandang birthday na nangyari sa akin. Ang dami ng foods, toys and friends. Thanks to Tita Thana," inosenteng sabi nito habang niyayakap ako. Nanatili akong kalmado at di hinayaang tumulo ang mga luha ko na sobrang atat na atat na itong dumaloy sa pisngi ko.

"Buti naman, say thank you to her," sabi ko sa kaniya ng kalmado habang hinimas-himas ang buhok niya. Nanatiling tahimik ang kapaligiran.

"OHHH BA'T KAYO NAPATIGIL?" Tanong ko sa kanila at binalot ng sobrang galit at inis ang buong pagkatao ko. Nagtaka sila sa aking inasta at hindi makapaniwala. Tingin nila magwawala ako dito? Tss may respeto pa ako sa sarili ko. Ang akin lang makuha ko itong anak ko sa kanila.

"Lets go home na baby," lumuhod ako para makapantay ko siya. Nagtaka naman ito kung bakit kami aalis agad. Nanuot ang kaniyang cute na noo at napaawang kaniyang bibig.

" Pe---

"No buts baby, uwi na tayo," putol ko sa sasabihin niya habang inaayos ang suot niyang polo, walang polo na ganito ang anak ko ahh

"Let's go home na baby," aya ko sa kaniya. Tumayo ako at hinawakan siya sa kamay. Kahit na nagtataka siya sumama ito sa akin.

"ANG KJ MO NAMAN YATA MARE, KITANG-KITA NA NAGSASAYA ANG BATA EHHH!" Napahinto ako sa paglalakad ng magsalita ang babae at hinawakan ang kabilang kamay ng anak ko. Huminga ako ng malalim bago lumingon sa kaniya.

Awakening Her Demon Inside ✔ (Valdreal Series 01) COMPLETEDWhere stories live. Discover now