PROLOGUE

21.7K 683 279
                                    

HIS CRAZY MADLY LOVE
Original work by ImaginationNiAte

[ Typos and grammatical errors ahead. Don't expect too much because it might disappoint you. ]

          WALA ni kahit isa siyang suot na sapin sa paa ngunit wala na siyang pakialam kahit na malamig pa ang nilalakaran niyang puting sahig ngayon. Gusto niyang makatakas, gusto niyang makawala sa dilim at sa bigat na kanyang nararamdaman na paulit-ulit na lang niyang nararanasan.

Halos araw at gabi siyang tila nawawala sa kanyang sarili. Pakiramdam ni Leighton ay wala na siyang pag-asa pa na gumaling kahit pa na naririto siya sa isa sa pinaka-malaki at magaling na mental hospital na pinagdalhan sa kanya ng kanyang pamilya.

Dahil sa madilim at masalimuot na nakaraan kaya nagkakaganito siya ngayon. Halos hindi na rin niya makilala ang kanyang sarili. Hindi siya maka-move on sa kanyang nakaraan! Sira na rin ang kanyang ulo, nababaliw na siya sa kakaisip sa mga nangyari noon na gusto na niyang ibaon sa limot ngunit hindi naman niya magawa.

Pakiramdam niya ay wala ng nagmamahal sa kanya, pakiramdam niya ay wala siyang kwenta. Pakiramdam niya ay wala na siyang karapatan na manatili pa sa mundong ito.

All he wants is to be happy.

But it's like someone is whispering in his ear saying that he doesn't deserve to be happy. Sinusubukan nga rin yata siya ng tadhana. Pinagdadamutan yata siya ng tadhana dahil pagsubok naman ang ibinigay sa kanya. Pagsubok na hindi na niya yata kayang harapin at labanan pa. Isang pagsubok na bata palang ay kinakaharap na niya.

Hindi na rin niya alam kung kakayanin pa ba niya. Gusto na rin ni Leighton na tapusin na ang lahat ng ito para sa gayun ay magkaroon na nang katahimikan ang puso't isipan niya. Para na rin mapagbayaran na niya ang mga nagawa niyang mabigat na pagkakamali sa nag-iisang babaeng minahal niya.

Si Amara..

Ang unang babae na bumihag sa kanyang puso. Ang dalaga na ito ang unang babae na minahal niya at kauna-unahan na naging nobya niya noong nasa fourth year highschool palang sila. Ngunit dahil sa pagiging sakim niya, pagiging makasarili, sa selos at kagustuhan na makapag-higanti ay ginamit niya si Amara para sa pansarili niyang interes. Pati ang ibang inosenteng tao ay nadamay pa dahil sa kabaliwan niya! At sobra-sobra siyang nagsisisi sa mga ginawa niya.

Halos hindi siya patulugin dahil sa konsensya. The woman he loved the most died because of his madness! Kung hindi dahil sa pagiging sakim niya ay hindi sana magpapakamatay si Amara. She died in front of him. His two eyes saw how she would run out of breath.

Amara died in his arms.

And it's his fault why she killed herself! Marahil ay sinusumpa na rin siya ni Amara dahil sa pagiging makasarili niya. Siya ang nagtulak kay Amara kaya nagawa nitong kitilin ang sarili nitong buhay.

Natigil naman si Leighton sa paglalakad nang marinig na naman niya ang boses ng kanyang ama at tila sumisigaw ito malapit sa kanyang tenga. He covered both his ears but no matter what he did, he could still hear his father yelling at him!

Naririnig niya kung paano siya sigawan na walang kwentang anak, na mamatay na siya. Paulit-ulit na lang niyang naririnig ang masasakit na salita na binabato sa kanya ng sarili niyang ama noong bata palang siya hanggang sa magkamuang siya.

He was already traumatized!

Because of his own father, a demonic villain seems to be living in his body. He is afraid of him. Marinig lang niya ang boses nito ay sobra-sobrang takot na ang nararamdaman niya. Ayaw niyang maulit ang nangyari noon, ayaw niya na maging masama ulit kaya hangga't maaari ay pinipigilan niyang huwag lumabas ang tila demonyong nakakubli sa kanyang pagkatao.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now