KABANATA 47

11.1K 475 161
                                    

KABANATA 47:

Shayna Fabillar

          NGAYONG alam ko na ang lahat ay sa wakas nalinawagan na rin ako. Nalaman ko na rin kung ano ang buong katotohanan tungkol sa pagkatao naming dalawa ni Kuya Noah lalo na kung sino nga ba talaga ang totoo naming ina.

Masasabi ko rin na sobrang swerte namin kay Mommy Ruth kahit pa na hindi namin siya tunay na ina. She loved us and treated us like her real children, which made me love and respect her even more.

Lalo talagang tumaas ang paghanga at respeto ko kay Mommy Ruth dahil kahit pa na hindi niya laman at dugo ang nananalaytay sa amin ni Kuya Noah, kahit pa na hindi kami nanggaling sa kanyang sinapupunan ay inalagaan pa rin niya kami at tinuring na parang isa niyang tunay na anak.

Kaya siguro natutunan ni Dad na mahalin siya dahil mas minahal niya muna kaming mga anak bago niya mahalin ang aming ama.

Ganun rin si Dad na mas inisip niya ang kapakanan namin kaysa unahin ang sarili niya. Marami ring isinakripisyo si Daddy sa amin. Nagsisisi tuloy ako dahil halos ilang taon ko siyang kinamuhian at nagtanim pa ako sa kanya nang sama ng loob pero iyon pala ay wala naman pala siyang kasalanan.

Nag-sorry na rin ako kay Dad sa mga nagawa at mga nasabi ko sa kanya noon. Tinanggap naman ni Dad ang sorry ko at kahit siya ay humingi rin ng sorry sa akin dahil hindi daw niya agad sinabi sa akin yung totoo.

Pero kuntento na ako okay na kami at mukhang may chance rin na magkabalikan si Mommy Ruth at si Dad which is hindi ko tututulan. I can see and feel that they still love each other. At magiging masaya ako kung sakaling magkabalikan silang dalawa.

Masaya ako at kahit papaano ay hindi na rin ako naguguluhan ngayon dahil nalaman ko na lahat-lahat ng mga dapat kong malaman. Kaya naman kahit na nalaman ko na si Mommy Maeve pala ang totoo naming ina ni Kuya Noah ay hindi naman magbabago ang turing at pakikitungo ko kay Mommy Ruth.

     She will still be my mother.

Maybe she is not my mother by blood, but she is my mother in my heart. Siya pa rin ang kikilalanin kong ina kahit anong mangyari, kahit hanggang sa aking kamatayan. I am thankful and we are very lucky to have her, because she is not only a good mother, she is also a good friend.

At habambuhay naming tatanawin na utang na loob kay Mommy Ruth ang pagmamahal, pag-aalaga at lahat ng mga sinakripisyo niya para sa amin kahit na hindi naman niya talaga kami totoong anak.

My ghad! A mother's love is truly amazing. And she deserves to be called a mother and for me she is the best mother in this world. Hindi ako nagsisisi na si Mommy Ruth ang naging role model ko.

Malaki-laki rin ang pasasalamat ko kay Leighton dahil sobrang dami rin niyang naitulong sa amin lalo na sa akin. Nangako pa siya sa magulang ko na tutulungan niya kami na mabulok sa kulungan ang magkapatid na sila Tita Jodie at yung Margot na yun!

Sa ngayon ay pinaghahanap na muna ng pulisya ang kapatid ni Tita Jodie at hindi rin naman tumitigil ang mga pulis sa paghahanap sa kanya para naman magkasama na silang magkapatid na aamagin sa loob ng bilangguan.

Ayaw namang magsalita ni Tita Jodie, marahil ay ayaw niyang makulong rin ang bunso niyang kapatid. Sa ngayon ay gagawa na lang ng paraan si Dad para mapaamin niya si Tita Jodie sa lahat ng mga nagawa niyang kasalanan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya pero sana hindi mapahamak si Dad.

Syempre bago namin mailabas si Mommy Ruth sa mental hospital ay hindi naman namin nakalimutan na magpasalamat sa lahat ng naitulong ni Doc Eva para mapabilis ang paggaling ni Mom. Marami pa siyang paalala sa amin lalo na't huwag daw kakalimutan ni Mom na uminom ng gamot sa tamang oras.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Where stories live. Discover now