KABANATA 30

13K 549 160
                                    

KABANATA 30:

Shayna Fabillar

          HINDI ko alam kung ilang minuto na kaming nakatayo dito ni Leighton subalit nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin at hinayaan lang niya akong umiyak para ilabas ang sama ng loob ko dahil sa mga nalaman ko.

Hindi ko na rin naririnig sila Jamila pati ang mga bwisit niyang alipores, marahil ay nakaalis na sila dahil sa tapos na rin naman na kuhanin nung walanghiyang si Jamila ang perang pinagpustahan nila!

Hindi ko rin maiwasang magngitngit sa galit at parang gusto kong sugurin si Jamila pati si Brett, ngunit hindi naman ako pinalaking warfreak.

Hindi talaga ako pala-away at mas lalong hindi rin ako eskandalosang babae. Ayoko namang gumawa ng eskena lalo na't nandito kami sa birthday party kahit na gustuhin ko man na sirain ang birthday party ni Brett!

Ngunit pinigilan ko ang sarili ko para hindi ako makagawa ng eskandalo. Kahit papaano ay malaki pa rin ang binibigay kong respeto kila Nanay Ising pati na rin sa magulang ni Brett. Nandito ako sa pamamahay nila. Labas na rin sila sa isyu na 'to at tiyak na wala rin silang kaalam-alam na pinagpustahan lang ako nila Brett at ni Jamila.

Pasalamat na lang talaga ay ako ang unang umiwas sa kanila! Nakayanan ko silang iwasan at hindi na ako sumasama sa kanila. Ngayon ay nalaman ko na ang tunay nilang baho.

Nabulgar na rin ang dahilan kung bakit nakipaglapit sa akin ang bruhang si Jamila at niligawan ako ni Brett! Magsama silang dalawa! That's why they look good together. Parehas silang basura at patapon!

Malaki rin ang pasasalamat ko na hindi tumagal ang relasyon namin ni Brett kahit na pinagpustahan lang pala nila ako. Mabuti na lang talaga ay hindi ganun kalalim ang pagtingin ko sa kanya, at least hindi ako sobrang nasasaktan ngayon.

Nasaktan lang ako dahil nagawa nila akong lokohin, gamitin, pagpustahan at pagtawanan ang aking ina. Iyon ang kinakagalit ko ngayon! Masakit sa dibdib dahil talagang tinuring ko silang kaibigan lalong-lalo na si Jamila.

Pinagkatiwalaan ko rin si Brett pero dahil lang pala sa bet kaya niya ako niligawan. And I can't forgive them for what they did, kahit pa na humingi sila ng sorry sa akin.

Lumipas pa ang ilang minuto bago ako tuluyang kumalma. Huminto na rin ako sa pag-iyak at ako na rin ang unang kumalas ng pagkakayakap kay Leighton. He also quietly lifted my chin and used his finger to wipe my tears before he gently kissed my forehead.

"Do you feel better?" mahinahon niyang tanong habang ang mga mata niya ay nakikita ko na may iba't ibang emosyon.

Hindi ko rin magawang mabasa ang nasa isipan niya ngayon ngunit mas nakikita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala at may bahid rin ito ng galit. Marahan naman akong tumango sa kanya kaya nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga.

"Narinig mo ba lahat yung mga sinabi nila?" parang bata kong tanong sa kanya.

Marahan lang siyang tumango sa akin bilang sagot kaya huminga ako ng malalim. Hindi na ako magtataka, talagang narinig rin niya lahat-lahat ng mga sinabi ni Jamila. Mukhang kanina pa siya nakatayo sa likod ko pero hindi ko lang siya napansin.

"Umuwi na tayo," sambit ko at muli namang tumango si Leighton sa akin.

Wala namang saysay kung magtatagal pa kami dito. I'm glad na narinig ko lahat ng mga sinabi ni Jamila at lumabas ang tunay nilang mga baho lalo na yung tungkol sa bwisit na pustahan na yan.

"Pero bago tayo umuwi, may gagawin lang muna ako." aniya na nagpakunot-noo sa akin.

May gagawin siya? Ano naman kaya yun? Bigla tuloy ako nakaramdam ng matinding kaba. Baka mamaya may gagawin siyang kalokohan. Napaka-unpredictable pa naman nitong si Leighton.

HELLION #6: HIS CRAZY MADLY LOVE (R-18) ✔Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu